Only my phone's notification may be heard inside my condo. My eyes are fixed on the ceiling. I shared a sliver of a photo of my face with the description "cake."
I'm twenty three right now. Twenty and still haven't learned a thing about life. Wala pang naaabot.
Bumuntong-hininga ako bago tumayo at inasikaso ang sarili. It's my birthday. I will treat myself with things that I wanted to buy. And that will start by buying new clothes. I suddenly felt to have a change of style. Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko at ang itsura ko ay tila bata pa rin.
I will go for something new now. I wanted to look like a real woman. Wear something sexy and learned how to apply a better makeup than just lip tint and blush on. Sa ngayon, nagsuot lang ako ng pink na bestida na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Tinambalan ko ng doll shoes, earrings na maliit at headband. I look cute! But definitely not what I wanted to look like.
I heave a sigh before I pulled the gear stick and drove my car to Horizon's mall. Ngumiti agad sa akin ang mga guard at bumati. Regular customer ako sa mall na 'to kaya nasanay na sila at hindi binubuksan ang maliit na pouch na dala ko.
Dumiretso kaagad ako sa paborito kong boutique. I asked for assistance.
"Lahat ng sexy outfit, narito sa brochure, Ma'am," nakangiting sambit ng sales lady.
Binuksan ko kaagad iyon at tinignan. Halos mamula ako sa magagandang klase at istilo ng damit na naroon pero nasisiguro kong masyado iyong maiikli o 'di kaya ay nagpapakita ng kurba ng katawan o dibdib.
"Puro ganito ba lahat ng sexy?" tanong ko sa nasa tabi kong sales lady.
I fished my phone out of my pocket and showed her the picture of the tourism girl that Aurelios made out with.
"Do you think if this girl shops here she'd like all of these clothes?" ipinakita ko ang phone ko at ang brochure na hawak.
Since she's probably into fashion style, mauunawaan niya kaagad iyon. We both browsed her pictures and the sales lady nodded at me.
"Sigurado, Ma'am! Kapag ganiyan ang katawan, malabong hindi ipakita," anito.
Napatango ako at ngumiti.
"Kukunin ko bawat isang pares nito," nakangiting sambit ko.
Lumapad ang ngiti ng babae sa kaniyang mukha at agad na sumenyas sa kasamahan nitong nag-aabang lamang din sa 'di kalayuan.
"Pati sana mga heels at sapatos, meron din ba ritong babagay sa mga iyan?" Of course I need those to complete my style! I'll shop my makeup later. Kakain ako pagkatapos nito.
They already know my size so they brought all of the sizes of the dresses in the brochure. Higit sampu ang naisukat ko roon at talaga namang lahat sila ay pumapalakpak.
"Perfect, Miss! You have a body of a model. Siguradong lahat po iyan ay magiging maganda sa iyo," ani isa sa kanila.
Tatlo silang nakatingin sa akin kapag lumalabas ako ng fitting room. Ramdam ko ang bahagyang pagkaasiwa sa ikli ng mga damit at paglitaw ng ilan sa parte ng katawan ko pero kapag pinupuri na nila ako, um-okay naman. Nagiging confident ako kahit papaano.
Kinuha ko ang mga iyon at ibinigay ang card para magbayad. Mom and Dad doesn't care if I lost tons of money for myself. Ang mahalaga, hindi ko sila kukulitin. Panay ang tingin ko sa cellphone ko at naghihintay kahit isang text man lamang sa kanilang dalawa pero walang dumarating.
That made my mood a bit sour. When I went to eat my brunch, I'm a little bit disappointed. Sa dami ng bumabati sa akin na hindi kakilala sa f*******: at i********: profile, wala ni isa man lang sa mga kaibigan ko ang gumagawa noon.
I started checking their stories and saw that they've been in Costa Rica since last night. Ang stories na naroon ay kinuha ng alas dos nang madaling araw sa isang high-end bar sa tuktok ng building. Mekhyla is probably still asleep right now. Nakita ko sa story niya kagabi na nasa bar siya, eh. Hindi man lang din ako nabati noong sumapit ang twelve. I know it's not their responsibility, though. But I love greeting them during their birthday. Can't they do that to me too?
I sighed again. I checked Mommy's i********: and she's with her family right now. Having a good time in their salon branch. I smiled bitterly. Mas lalong wala akong dapat asahan kay Daddy. Delijah might text me if only I didn't block her number. I hate her, actually.
Delijah is an only child and I really hate how she has everything. Una, si Daddy tapos ang Mommy niya na halata namang mahal na mahal siya. She has a lot of friends too and now she has my best friend. Lahat kaniya na! Masayang buhay habang ako, mag-isa. Hindi pa magawang tapunan ng atensyon kahit ipinagmamakaawa ko na.
I avoided her ever since I realized that her presence is making me feel insecure. Marami na ako noon at hindi na kailangan dagdagan pa sa tuwing makikita ko siyang masaya.
I sipped the last straw of my milkshake before I went to try new makeups and perfumes. I asked someone to teach me how to apply those to make myself better. Mabilis naman akong matuto. Isa siguro sa kakaunting swerte ko ay hindi mahina ang ulo ko. I'm not academically dumb. Sa lalaki lang ako tanga.
Just like now. I'm so freaking tired from all my activities since morning and yet I'm still here, waiting for him to arrive.
Pagkauwi ko, nakatanggap ako ng text na magkakaroon ng get-together ang circle ni Aurelios sa Bachelor’s Hub—kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumunta roon para makita siya.