Part 6

994 Words
Gabriel POV I took the chance para makilala ang nakakaintrigang green eyed girl na ito. Usually sa unang kita ko pa lang sa isang babae ay alam ko na kung anong klaseng babae ito. Nababasa ko na agad ang mga galaw nila pero sa kanya ay hindi. Siya yung tipong mahirap ispelling baga. Mahirap ipredict ang actions niya. Para siyang mataray na mabait na hindi ko naman maipaliwanag. Magtatanong pa sana ako sa kanya ng biglang may kumausap sa kanya. Sinabing may tumatawag daw na Sean. Langya baka may boyfriend na ito. Imposibleng wala siyang boyfriend sa ganda niya. Parang natuwa ako ng sabihin niyang gagawin siyang thirdwheel ibig sabihin ang mag jowa ay yung Sean at yung Mara. Sana ako na lang ang niyaya niya at hindi yung Claire. Parang ang bait sakin ni Lord dahil hindi din pwede si Claire at sa akin pa tumingin as if she was tellin Rebekah na ako na lang ang isama niya. "Are you free tonight? You want to join us? Gagawin na naman akong chaperon ng magjowang yun eh" tanong niya at ngumiti ng hanggang tainga. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Nasobrahan ko ata ang pag inom ng kape at nagpapalpitate na ang puso ko. "Sure! Wala naman akong gagawin tonight and I came alone here naman" I answered at hindi ko maiwasang mapangiti. Shit what's happening to me? Parang natuwa lang dahil nainvite ni crush ganoon? Parang teenager lang. Bago lahat ng mga nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako. One thing I know is that I'm doomed. We spent the day together. Nagkwentuhan kami kahit minsan mga walang kwentang bagay na ang napag uusapan namin. Bago lang kaming magkakakilala pero parang matagal ko na siyang nakasama. At ease ako sa kanya. I can be myself infront of her and i know that she's also being herself sa akin. Hindi siya kagaya ng mga ibang babae na pa demure pero nasa loob naman ang kulo. We watch the sunset together while drinking our beers. Ang sarap lang ng pakiramdam na walang inaalala sa buhay, yung may peace of mind ka, free ang utak mo sa lahat ng mga isipin. Kung sana ay ganito na lang palagi, kung sana ay pwedeng dito na lang ako tumira gagawin ko pero hindi pupwede. I can't afford to have this kind of peace of mind forever. Sabi nga nila luxury is not affording all the material things money could buy but luxury is having a peace of mind na hindi din naman kayang bilhin ng pera Funny isn't it. Maraming gustong yumaman pero kadalasan ang mga anak mayaman gusto na lang din maging normal na may kalayaan sa mga desisyon nila sa buhay. Naputol ang pagmumuni muni ko ng bigla siyang nagsalita. "So, see you later? Tapos na ang sunset pero parang ang lalim ng iniisip mo ha." she said while smiling. "Maliligo lang ako then aalis na rin tayo. Magdinner na lang tayo doon. I'll see you nalang sa harap ng hotel na yun. See you later!" tinuro niya ang hotel at umalis na siya. The f**k hindi man lang ako hinintay na makatayo bago ako talikuran. Kakaiba talaga ang babaeng yon. Kung sa ibang babae ay kanina pa kami nasa kama ko nagkukulong pero siya parang wala akong epekto sa kanya. Sinundan ko na lamang siya dahil parang iisang hotel lang din ang tinutuluyan bamin at hindi nga ako nagkamali. Pinauna ko na lang siyang pumasok sa elevator at baka isipon pa niyang inistalk ko siya. Napapailing na lamang ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Napapangiti na lamang akong mag isa which is vey unsual sa akin. Kung sana ay wala akong responsibilidad sa aking mga magulang ay pwede ko pa siyang ligawan pero why not enjoy the time na lang di ba? huwag lang sanang magkahulugan dahil hindi ko siya masasalo. Umakyat na ako at naligo, nagbihis na rin ng mabilis para maunahan ko siya sa baba. Para naman hindi halata na parehas kami ng tinutuluyang hotel. Mamaya ko na lamang ipapaalam pag uwi namin dhil parehas naman kami ng uuwian. Hinintay ko nga siya sa baba and I was mesmerized upon seeing her. Kung ang ibang babae ay kailan pang mag make up at todo porma para lang mapansin sila ng iba, si Rebekah ay napaka simple magdamit at napaka natural ang ganda. Nakasuot lang siya ng baby blue summer dress hanggang tuhod niya na pinarisan ng galdiator flat sandals. Nakamessy bun din ang kanyang buhok at maliit lang na sling bag ang dala. Napakasimple ng porma niya pero ang lakas ng dating niya sa akin. My heart started to beat so fast at hindi ko mapangalanan kung ano man itong nararamdaman ko. Bakit nagkakaganito ang puso ko. "Kanina ka pa? Sorry natagalan ata ako sa pagbaba." paumanhin niya habang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi. "Hh-hindi naman. Halos kadarating kolang" nauutal kong sabi. S**t kailan pa ako nautal dahil lang sa isang babae. "Are you alright? Masakit ba ang lalamunan mo? Bat ka ganyan magsalita?" she asked curiously. Patay ako neto napansin pa ata niyang nauutal ako sa pagsasalita. I just shrugged my shoulders at nilabas ang yosi ko para mawala ang kaba ko. I also offered her at tinanggap naman niya ito. "Chain smoker kaba talaga?" diretsahang tanong ko sa kanya. "Judgemental ka kuya! di porket lagi mo kong nakikita na nagyoyosi chain smoker na agad. Eh di pag nakita mo kong uminom mamaya lasengga na rin ako? tsk. tsk." nakangiting sabi niya. Ang galing niya talagang magtagalog. "Hahaha hindi naman sa ganon! Natanonf ko lang naman. You look gorgeous nga pala sa suot mo." nahihiya kong sabi habang napakamot ako sa aking kilay. Siya naman ang humagalpak ng tawa. " Hahaha kanina judgemental ngayon naman mambobola! Thanks anyway! Huwag ka lang masyadong tumitig sakin baka ma inlove ka sa akin. And I'm just joking." nakatawa pa rin siyaAng ganda
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD