With only a few things in his small backpack, Hebrew got the flight for that day. Ano naman kung nagkakahalaga ito ng isang cellphone unit? Ang mahalaga ay makarating siya sa Canyunez ora mismo. Much better, makausap at mahawakan na niya si Mauve. After one hour of sitting restlessly inside the plane, nakipag-unahan si Hebrew sa pagbaba sa airport ng isla. At hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakita habang naglalakad siya sa terminal ng mga van. Kunot-noo sa iginala niya ang paningin. “What the hell happened here?” Pakiramdam niya ay sa ibang mundo siya napadpad. Ang mga bundok sa background ng mga gusali na dati ay makintab sa pagkaberde ay kulay lupa na ngayon. Kabi-kabila ang mga nakatumbang puno at ang mga bubong ng maliliit na mga bahay ay yupi-yupi na parang lata. Kung hindi

