Sa galit ni Hebrew, tingin niya ay punching bag sa bawat lalaking nakapaligid sa kanya. Tamang-tama at may paglalabasan siya ng sama ng loob. Gayunman, abot-impyerno ang pag-aalala niya para kay Mauve. Kung hindi siya dumating kaagad, malamang nakapasok na ang mga demonyo sa tahanan nito. He guarded the house like a soldier protecting a palace. "Hangga't may pagtitimpi pa ako. Umalis na kayo." Nagsihalakhakan ang mga lalaki. Ang matabang ungas na nakaaway niya dati ang unang humakbang sa kanya. "Alam mo, pinagbigyan lang kita noong una, eh. Pero dahil matigas pa rin ang mukha mo, tutuluyan na kita ngayon." Nagpatunog ito ng mga kamao habang nakangisi sa kanya. All Hebrew's senses were up. Kaya nang nagbuhat ng kamay ang matabang lalaki, agad niyang pinatamaan ito sa mukha gami

