Halos dalawang oras na ang nakaraan nang lumabas ang doktor na sumuri sa kalagayan ni Jim. Nang ito'y makita ni Hebrew, agad siyang lumapit at sunod-sunod na nagtanong. "Stroke," anang doktor. "Pero 'wag kayong mag-alala, maayos na ang pasyente ngayon. Ngunit kailangan niyang ma-confine pa nang ilang araw para ma-obserbahan." Malalim ang hanging pinakawalan ni Hebrew saka marahang tumango. "Sige, doc. Salamat." "Kung may kailangan kayo, naroon lang ako sa ER o tawagin ang mga nurse dito sa floor. Nasa oras naman ang pagmomonitor sa kanya kaya makakaasa kayong ligtas siya." Tipid na ngumiti ang lalaking doktor at magalang na nagpaalam. Pagkaalis nito'y pumasok sina Hebrew at Mauve sa kuwarto ni Jim. Naabutan nila ang matanda na nakapikit, ngunit nang marinig sila'y agad na dumilat at n

