“Salamat po, Dr. Torres. Sa susunod na linggo po ulit.” Kinamayan ni Mauve ang doktor bago ito lumabas ng apartment complex. “No, problem, Mauve.” Dr. Torres took a glance at Hebrew who was silently sitting on the couch. “You know, what? Sa lahat ng naging patients ko regarding this condition, ang asawa mo ang pinakamabilis ang progress. Not bad for someone whose memory is stuck in 2015.” Malungkot na ngumiti si Mauve. “Buti naman po, doc. At sana maalala na rin niya ang tungkol sa ‘kin.” “Darating din tayo diyan.” Dr. Torres assured her. “Parang katulad din ‘yan ng pagtuturo sa bata kung paano maglakad, Mauve. Pero kapag natuto na, hindi na mapipigilan. What I mean is… kapag nakaalala na siya, tuloy-tuloy na ‘yan. Let’s just be more patient, okay?” “Opo, doc.” “Alright,” he sighed li

