Alas-onse na iyon ng gabi ngunit baon pa rin ni Mauve ang kilig sa kanyang dibdib. Kahit anong pihit niya sa maginhawang higaan ay bigo siyang makadama ng antok She bit her lips to a realization – she was indeed in love. Hindi niya batid kung dapat ba siyang mag-alala o maalarma, o kung normal pa ba siya. Oo at hindi si Hebrew ang naging una niyang kasintahan. Pero dahil sa binata, muling nagkaroon ng kulay ang 'black and white' niyang mundo. She palmed her face. Ramdam niyang muling uminit ang kanyang mukha. Ang huli nito'y doon sa mall noong aminin ni Hebrew kung bakit alam nito ang sukat ng kanyang katawan. "Ano ba naman 'yan," she said, sighing. Naupo na lang siya sa gilid ng kama habang nakatanaw sa bintanang gawa sa kahoy na jalousie. "Nasa kabilang kwarto lang siya pero iniisi

