Dahil matagal pa ang order, nagpaalam muna si Mauve na pupunta siyang banyo. Habang patungo ang dalaga sa pasilyo, nakatanaw si Hebrew rito. Hindi niya napansing nakangiti siya habang tinititigan ito palayo. Paano'y naaaliw siya sa kilos nitong ubod nang pino. Her long jet black hair was swaying smoothly against her back. At kung pwede lang niyang takbuhin ito upang kabigin sa maliit na baywang, ginawa na niya. Kung hindi lang maraming tao sa lugar na iyon. He was lost just by gazing at her. "Naririnig mo ba ang sinasabi ko, Hebrew?" Napakurap si Hebrew saka bumaling kay Jim. "I'm sorry, what is it again?" Nagbuntong hininga ang matanda at tumitig kay Hebrew na tila hindi siya makapaniwala. "Tinatanong kita kung kailan mo balak sabihin ang katotohanan – na hindi ka lang basta isang ma

