Napaawang ang bibig ni Mauve pagkakita pa lang sa entrance ng hotel kung saan sila tutungo. The building was a four-story Victorian styled. It was undeniably exquisite. Kahit gabi na ay napakaliwanag pa rin sa labas. "Mas maganda sa loob kaysa dito sa labas." Hebrew was chuckling as he watched the woman's natural blushing. Katulad nga talaga ng inaasahan niya ang reaksyon nito. "Sandali, paano mo nalamang may ganitong hotel dito sa kapitolyo?" Nakatingala pa rin si Mauve.Palibhasa'y naroon siya sa malayong baryo ng San Agustin at magmula nang pumanaw ang kanyang ina ay sa maliit nilang 'hotel' umikot ang mundo niya. "Well, dahil halos araw-araw akong nagdi-drive, marami akong nakikitang magagandang landmarks. Isa na itong Seaside Burgundy Hotel and Restaurant." Mabagal na bumaling si

