Chapter 10

2310 Words
HAPON na nang magpasya sina Ammira na umuwi kasama ang mga magsasaka. Naglakad lang sina Ammira at Gyven. Nasa hulihan sila at walang imikan. Nang marahil ay mapansin ni Gyven na lumalayo na ang mga tao ay bigla siyang humarang sa daanan ng dalaga na kinasinghap nito. Ammira get shocks when she saw Gyven spread his arms. As if he is inviting her for a hug. Ammira frowned. "Anong trip mo?" kunwa'y tanong niya kahit alam naman niya ang ibig sabihin nito. Gyven give her his sweetest smile that makes her heart melting slowly, before talking. "Alam ko namang gusto mong yakapin ako. So here, come here," he said. Napasmirk si Ammira. Pero aaminin niya, nag-iinit ang puso niya sa mga ginagawa ni Gyven. "Are you teasing me? Kutang-kuta ka na sa akin. Kanina ka pa?" kunwa'y saway niya. Pero ang totoo gusto na niya itong dambahin ng yakap. Argh! Ano na bang nangyayari sa kaniya? Gano'n na ba talaga niya ka miss ang lalaking ito at kahit mahalikan ay natutukso rin siyang gawin. Ngumiti pa lalo si Gyven habang nakabuka pa rin ang mga braso nito. Humakbang si Gyven palapit sa kaniya at nagulat siya ng bigla siya nitong kabigin ng yakap. Hindi siya makagalaw, nahihirapan rin siyang huminga dahil pakiramdam niya tumigil sa pagproduce ng hangin ang baga niya sa ginawa ni Gyven. Puso lang niya ang mabilis na gumagalaw ng mga sandaling iyon. Hindi naman siya first time niyakap ng isang lalaki. Hindi ito first time yakapin siya ng taong namimiss niya pero ang puso niya kung makareact. Over react. Nagwawala na rin ang sistema niya nang mas lalo lang higpitan ni Gyven ang pagkakayakap sa kaniya. Ramdam niya ang kasabikan nito. "I felt your heart beating so fast," anito sa paos na boses na nagbigay kay Ammira ng matinding epekto. "I miss you, so breath now," bulong nito sa punong tainga niya. Nagsitayuan lahat ng balahibo niya ng manuot ang mainit na hininga ng lalaki sa tainga niya. Mukhang naramdaman ni Gyven na hindi siya humihinga. Mas lalo lang siyang hindi nakagalaw naninigas ang katawan niya. Gusto niyang itulak ito. But her body enjoying his warm hug. Bahala na… aniya sa isip. Kaya dahan-dahang gumapang ang mga braso ni Ammira sa likod ni Gyven. She hug him back. Naramdaman pa niya ang haplos ni Gyven na siyang dahilan kung bakit muli siyang huminga. "I love that response," sabi ni Gyven sa malambing na boses. Hindi na napigilan ni Ammira na mapangiti. "I-ikaw pala ang nakamiss sa akin, e. Pinapahid mo pa sa akin, hindi mo nga napigilang yakapin ako," natatawa niyang sabi habang nanatili sila sa ganoong posisyon. "Namiss ko ang pang-aasar mo sa akin, at ang pang-aasar sa 'yo. At namiss ko ang mukha mong napipikon," natatawa ring sabi ni Gyven. "Ang OA naman. Ki lalaking tao. Bakla ngang talaga," pang-aasar na niya rito. Kumalas si Gyven mula sa pagkakayakap sa kaniya. Gustong magprotesta ng mga baliw na paru-paru sa sikmura niya dahil sa ginawa nito. "Eh, kung halikan kaya kita para patunayan kong hindi ako bakla," may panunudyong sagot nito saka kumindat pa. Nanlaki naman ang mga mata ni Ammira sa sinabi at ginawa nito. Makakita lang siya ng tahimik na lugar mamaya titili talaga siya sa kilig. Pinagpapawisan na siya ng malamig. "A-ahhh, n-naku tara na nga baka hinahanap na nila tayo," sabi na lang ni Ammira saka humakbang at nilagpasan na si Gyven. Pero gumuhit ang animo nakakapunit ng mukha na ngiti niya. Natutukso na talaga siyang tumili. Napalingon naman si Gyven sa papalayong si Ammira. Hindi mawala-wala ang ngiti niya nang takbuhin ang gawi ng babae saka inakbayan. Sinasaway pa siya nito pero binabalik lang niya ang braso sa pagkakaakbay sa dalaga sa tuwing tinatanggal nito. Kaya hinayaan na lang iyon ni Ammira. "I'm glad that your smile is now genuine as genuine as that," puna niya sa mga ngiti nitong abot na sa mata. Tila malulusog na ang mga mata nito at masaya. "Bakit peke ba iyong mga ngiti ko dati?" "Medyo. Hindi kasi abot sa mata ang ngiti mo." "Kailangan ba abot sa mata? Wala namang bibig ang mata ko para ngumiti rin," pamimilusupo niya. "Sos, ang sabihin mo ako ang dahilan." "Luh, ang hangin dito sa probinsiya 'no? Hindi naman masyadong mahangin no'ng nakaraang linggo. Mukhang humangin ngayon," sarkastiko niyang sabi. Napahalakhak naman si Gyven sa sinabi niya. Nando'n na naman ang tawa nitong nagpapaligaw sa sistema niya at hindi na nagpa-function ng maayos at kung saan-saan na nakakarating. Pati puso niya gustong kumuwala. "Gumawa ka ba ng kasalanan sa inyo kaya ka bumalik?" pag-iiba niya ng usapan. Dahil baka kung hindi siya makatiis dumugin niya sa damuhan si Gyven. "Hmm, actually tumakas ako. Sumakay ako ng palihim sa naghatid ng mga abuno," nakangiting sabi nito. Napapailing pa si Gyven habang inaalala ang paghihirap niya 'wag lang mahuli ng ama na tumakas siya. Pinagbawalan siya nitong lumabas dahil na naman doon sa arrange marriage na gusto nitong mangyari. Kaya upang makatakas ay sumakay siya sa truck ng abuno at mga semilya. "Talaga, ginawa mo iyon? Bakit ka naman tumakas eh, dito ka naman pupunta?" "It's a long story," aniya. Tumango lang si Ammira at hindi na nangulit pa. Wala naman nang nagtangkang magsalita. Tahimik lang sila at kapwa pinapakiramdaman ang sarili, hanggang sa makarating sa bahay. SUMILIP muna si Ammira sa paligid nang mapag-isa. Para masigurong walang tao sa paligid. Saka tinakbo na ang bundok na pinuntahan nila dati ni Cindy. Hindi na niya kaya, kailangan na niyang isigaw ang lumulubong kilig sa sistema niya. Hingal na hingal siya nang makarating sa tuktok. Napatukod pa siya sa tuhod niya dahil sa hingal. Tumakbo ba naman siya. Ngumiti pa siya hanggang sa ang ngiting iyon ay naging tawa. Nakakabaliw ang ganito. Tumayo siya ng tuwid saka pumikit at dinamdam ang malamig na hangin. Muling nanariwa sa kaniyang balintataw ang nangyari kanina. Lalo na ang pagyakap ni Gyven kay Ammira. Kaya naman napatili na siya at umikot-ikot na parang baliw, hanggang sa humiga na siya sa damuhan. Tumitig siya sa makapal na ulap. Pakiramdam niya abot niya ang ulap na iyon. Kinapa niya ang dibdib niya at pinakiramdaman. Batid niyang unti-unti na itong naghihilom. Wala siyang ibang naramdaman ng mga sandaling iyon kun'di magkahalong saya at kilig. Ni hindi na niya maramdaman ang kirot na halos araw-araw niyang nararamdaman dati. Naalala niya ang mga ngiti ni Gyven. Naalala niya ang mga mata nitong tila nangungusap. "Mukhanf handa na ulit akong masaktan," natatawa niyang sabi sa sarili. "Gyven…" bulong niya sa hangin. "Anong gayuma ang ginamit mo at ganito ako sa 'yo. Anong fusion ang ginamit mo at pinahilom mo ang sugat sa puso ko nang gano'n kadali. Hindi pa man siya gano'n ka buo pero ramdam ko na ang nagbabalik kong saya," dagdag pa niya. How I wish you feel the same way… KINABUKASAN ay maaga na namang nagising si Ammira para gumawa ng tinapay. "Ang aga mo yata?" Gulat na napalingon siya kay Gyven na nasa pintuan ng kusina. Pasado alas dos pa kasi ng umaga. Kasalukuyan na niyang inihahanda ang sangkap na gagamitin niya. "I-ikaw pala Gyven. Kailangan ko nang simulan ang pagluluto dahil mayamaya ay may mag-aabang na sa labas," aniya at tinuloy na ang pagkilos. "Mukhang asensado ka na ah," anito saka naglakad palapit sa kaniya. "Hindi naman. Ikaw, ang aga mo yatang nagising?" "Ang totoo niyan hindi ako makatulog." "Bakit iniisip mo ba ako?" panunudyo niya. "Medyo," nangingiting saad ni Gyven. "You need help?" Pag-iiba niya ng usapan. Tumigil si Ammira sa ginagawang pagsusukat ng mga liquid ingredients at tumingin kay Gyven. Napatingin rin siya sa braso nito at napangiti. Mukhang mapapakinabangan niya ang brasong iyon. "Can you?" "Yes I can." Napalingon si Ammira sa isang sako ng harina na nakatayo. Sinundan rin iyon ng tingin ni Gyven. "Mamasahin natin iyan." "A-ang dami naman. Saka hindi ako marunong," aniya habang hindi pa nababawi ang pagkagulat sa dami ng mamasahin. "Hindi naman kita hahayaang gumalaw ng mag-isa. Aalalayan kita. Ako ang magtitimpla ikaw ang magmamasa until maging dough. That's it." "Okay, pasasaan pa't malaki ang braso ko kung hindi naman kita matulungan. So game." "Yabang ah. Go wash your hand up to your arms." Tumalima na si Gyven. Sinimulan na nga nilang palibutan ng Cling wrap ang wooden table ni Lola Lia. At nang mabalot na ay sinimulan na nilang ibuhos ang isang sako ng harina. Napapaubo pa si Gyven ng malanghap ang harina na nag-animo alikabok. Natawa naman si Ammira at doon lang niya ito nabigyan ng mask. Gumawa ng butas sa gitna si Ammira at binuhos ang tinimplahang liquid ingredients. Napalunok pa si Gyven sa nakikitang umbok ng harina. Sa tulong ni Ammira ay nagawang masahin ni Gyvem ang harinang iyon. Nasa likod lang niya si Ammira habang tinuturo ang paraan ng paghahalo hanggang sa maging dough ang harina. Pinatubo na muna nila ito at kapwa nakatulog na magkasandal sa sahig. Nang mag-alarm ay sinimulan na nilang hati-hatiin ang dough para sa iba't-ibang klase ng tinapay. Isa-isa na rin nila itong hinulma para maisalang na sa mainit na oven. Ang tatlong klase ng tinapay na dati ginagawa ni Ammira ngayon ay naging limang klase na. Dahil nadagdagan ito ng meat bread at Cinnamon roll. "ATE AMMIRA, marami nang tao sa labas!" sigaw ni Cindy habang papasok sa loob ng bahay. Sumapit na kasi ang alas singko ng umaga. Kaya aligaga na sila. "Okay sabihin mo sa kanila na hahainin na. At alam mo na ang susunod na gagawin," utos ni Ammira. Tumulong na rin si Gyven sa pagbibigay ng mga supot para sa order ng mga ito. Matapos nilang makaubos ay kapwa sila pagod na bumagsak sa sofa. Si Cindy naman ay natulog ulit. Dahil marami-rami ang tao ngayon kaya napagod. "Buong linggo mo na ba itong ginagawa?" Tumango si Ammira. "Pagod na pagod ka pala." "It's okay. I'm enjoying it naman, nagluluto naman talaga ako. May Cafeteria ako sa sa Manila. Ang kaibahan lang, minsan lang ako nagbe-bake doon, dahil may baker naman ako. Pero kapag walang baker na on juty. Ako ang gumagawa. Medyo nakakapagod lang ito ngayon dahil manu-manu. 'Di tulad sa Cafeteria na completo sa equipment." "You're amazing," puri ni Gyven. "Para 'yon lang?" "Oo. You know what honestly, ang sakit ng katawan ko," natatawa niyang sabi. "Malaki pa katawan ko sa 'yo. Paano na kung ikaw-ikaw lang magmamasa," dagdag pa niya. "Hindi naman gano'n ka dami minamasa ko. Pakunti-kunti lang. Buti nga at tumulong ka dahil napadali ang trabaho at nakarami pa tayo. Kaya thank you ah," "Wala 'yon. Masaya ako na nakatulong." Nginitian lang niya si Gyven, gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin rito dahil nakaramdam na naman siya ng pagkailang. "Ammira…" Muling napalingon si Ammira kay Gyven at saka nagtaas ng isang kilay. "Kumusta ang puso mo?" Medyo nagulat siya sa tanong nito pero saglit lang naman. "Ito tumitibok pa rin," natatawa niyang sabi. "Sa kaniya pa rin ba?" Napaawang ang bibig ni Ammira sa follow up question nito. Bakit naman ito interesado sa puso niya? Umiling siya. "Sa tingin ko hindi na. Simula nang saktan niya ako tumigil na sa pagtibok ito sa kaniya," anang Ammira matapos magbawi ng tingin at tumingin sa kawalan. "Pero hindi ko pa rin naman sinasarado ito para sa iba." "Good to hear," animo nahimasmasang sabi ni Gyven. "Anong ginawa niya sa 'yo?" Muling tanong nito. Parang nagsisisi si Gyven na itanong iyon dahil nakita niyang hindi umiimik si Ammira. Magsasalita sana siya nang magsalita si Ammira. "Binuntis niya ang kapatid ko. He love my sister," walang emosyong sabi ni Ammira. Nakaramdam ng awa si Gyven habang matamang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga. Naka side-view ito sa kaniya pero kitang-kita niya ang pagkalungkot nito. "We've been together for eight years. Ang dami kong pagmamahal na binigay sa kaniya dahil pakiramdam ko punong-puno ako no'n. Kaya binigay ko sa kaniya. Lahat…" "Ammira, it's okay kung hindi mo na ikwento. Baka nahihirapan ka…" Humarap si Ammira sa kaniya. "It's okay Gyven. This is much better. If you see the sadness in my eyes. It doesn't mean that I'm still love him. Binabawi ko na ang pagmamahal ko sa kaniya. Tunay iyon dahil ngayon kaya mo nang magkuwento. Nasayangan lang talaga ako sa walong taong iyon. Pero tama si Lola, hindi ko dapat gawing sukatan iyon para manatili sa maling relasyon at sa maling tao. I invested too much. So, it's right to let him go," mahabang salaysay ni Ammira na nagpapainit sa puso ni Gyven. May pag-asang nabuo sa puso niya. Pag-asang masusuklian ang kakaibang damdamin niya para sa dalaga. Bumuntonghininga siya. "I feel relief," aniya. Saka inabot ang pisngi ni Ammira at hinaplos iyon. "How unlucky he is to let you go." Hindi na mapigilan pa ni Gyven ang namuong damdamin niya kay Ammira. Wala nang makakapigil. Hindi niya alam kung kailan at saan nagsimula. Basta bigla na lang niyang naramdaman na may puwang ang babae sa puso niya. That no matter what happen he had this responsibility to protect her. Noong nakita niya itong umiiyak, gustong-gusto niyang hanapin ang lalaking nanakit dito. Napalabi si Gyven saka mabilis na kinabig si Ammira at niyakap. He wants to comfort her. "What's that hug for?" sabi ni Ammira na hindi naman tumutol. "I don't know. I just want to hug you. I feel like my hug can protect you," aniya. He find himself corny. Pero anong magagawa niya kung iyon talaga ang nararamdaman niya. I will protect you, Ammira… sigaw ng puso ni Gyven. He's thankful for that man at the same time. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi matutunton ni Ammira ang daan patungo sa kaniya. Sa tabi niya, sa piling niya. Ngayon pa lang alam na ni Gyven that Ammira is meant for him. Everything happen for a reason and this is the reason… Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD