CHAPTER 2

2022 Words
♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Ezekiel P. O. V ♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Tahimik lang kaming nakaupo sa mga dahong nalanta. Nakapikit si Alathea at medyo humihilik-hilik pa. Ang cute niya talaga. Nagpalipas muna kami ng oras dito dahil tinatamad pa daw na maglakad si Alathea, ngunit minuto lang ang nakalipas ay narinig ko na itong humihilik. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, ayaw ko naman itong gising sa mahimbing niyang pagtulog dahil mukha itong pagod. Ngunit ng tuluyan ng dumilim ang paligid at ang isang malakas na alulong ng hindi ko alam na hayop ay nagising na ito. Nagulat pa ito at napatayo bigla ng marinig iyon, mukhang Malapit lang kasi ito saamin. Lumingon siya saakin saka tinapat ang isang daliri sa kaniyang bibig, senyas na wag akong mag-iingay. Tumango ako sa kaniya at tahimik na nagmasid sa madilim paligid. Walang kahit na anong ilaw dito kundi ang mga maliliit na alitaptap na lumilipad ang nagbigay liwanag saamin upang makakita sa dilim. Napahinga ako ng malalim ng marinig ang mga yapak sa lupa na palakas ng palakas at palapit ng palapit saaming kinatatayuan. I saw Alathea unsheathed the dagger in her thigh and lazily yawn. Kanina pa siya natutulog pero naantok parin siya? Isa muling alulong ang lumabas sa bibig ng hayop bago ko tuluyang makita kung ano ito. Isang malaki at kulay itim na asong lobo, kulay itim din ang buong mata nito. Pero hindi ako nakaramdam ng kaunting takot. Weird. Nang makita kami ng malaking lobo ay agad itong naglaway na para bang nakakita siya ng masarap na putahe sa harap niya. Bago ko pa maproseso ang sumunod na nangyari ay nakita ko nalang si Alathea na sumugod sa lobo at tumulon ng mataas saka niya tinarak ang hawak niyang dagger sa noo ng lobo. Pero hindi pa doon natapos ang lobo dahil nagwawala pa rin ito habang si Alathea naman ay umikot sa ere at lumanding sa likod ng lobo kaya ngayon sinasakyan niya na ito pagkatapos ay hinawakan niya ang handle ng kulay puting espada na nasa likod niya, na ngayon ko lang din napansin. Lumiwanag ang espadang hawak niya bago niya ito hinataw sa leeg ng lobo. Tumigil na ito sa pagalaw at segundo lang ang lumipas ay bigla nalang nahulog ang malaki nitong ulo sa damuhan at bago pa bumagsak ang katawan nito sa lupa ay tumalon na si Alathea at lumanding sa harap ko. Nakaawang ang bibig kong nakatingin sa kaniya na ngayo'y nagpapagpag ng dumi sa kamay at damit. Bumuntong hininga ito saka tumingin saakin. "Halika na, ginoo." Tumango nalang ako sa kaniya at sinundan ang babaeng mabibigat at mabagal na hakbang. Lupaypay ang mga kamay niya sa magkabilaang gilid at parang hirap na hirap ito maglakad. "Alathea, are you okay?" Tanong ko, huminto ito sa paglalakad at tumingin saakin na para pang tinatamad pero nagpink ulit ang taenga nito. "Tinatamad akong maglakad, ginoo." Aniya pa. Napangiwi nalang ako sa sagot niya at huminga ng malalim. Lumapit ako sa kaniya and offer her a piggy back ride. "A-ano ang iyong ginagawa, ginoo?" Nautal niyang tanong pero hindi ko na siya sinagot at hinapit nalang ang kamay niya saka sinandal ang katawan niya sa likod ko, atsaka ako dahan dahang tumayo at inayos ang pagbuhat sa kaniya. Magaan lang siya kaya hindi ako nahirapan. I can feel her tense body that slowly relax in my back. Tinuturo niya saakin Ang daan, hanggang Nakita ko Ang isang maliit na bahay na napapalibutan ng mga halaman na nagsilbing pangharang. Nang matapat kami sa pinto nito ay bumaba na sa akong likod si Alathea at binuksan ang pinto. "Halika na, ginoo, pumasok ka." aniya at Hindi na ako nag aksaya ng minuto at pumasok na. Kailangan ko pang yumuko ng kaunyi sapagkat Hindi ako magkasya sa kaniyang pintuan. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kaniyang bahay. May isang higaan sa gilid na gawa sa fur, may mga nakasabit na lalagyan ng inumin, may mga prutas na nakastock sa lamesa, may mga lampara, at may isang upuan, at isang lalagyan ng damit. Ayan lamang ang mga kagamitan dito sa loob ng kaniyang bahay. But it's warm and cozy here. "Kung ika'y nagugutom ginoo, maari kang kumuha ng mga prutas sa lamesa." Ani ni binibining Alathea. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Naglakad Ito papuntang pinto kaya agad ko siyang tinanong. "Where are you going?" I curiously ask and tilted my head sideward. Lumingon Ito saakin at muling namula Ang kaniyang matulis na taenga. Nagtataka na talaga ako bakit nagkakaganon Ang kaniyang taenga. "M-mayroon lamang akong kukunin sa labas, ginoo." Aniya at agad na lumabas, napabuntong hininga muli ako saka nagtungo sa lamesa at kumuha ng mansanas at kinain ito. Ilang minuto lang Ang lumipas ay dumating na si Alathea na may bitbit na fur. Makapal ito at malambot. Tamad na tamad Niya itong inilapag sa lapag malapit sa kaniyang higaan at Saka inayos, lumabas ulit ito, at sa kaniyang muling pagbalik ay may Dala ulit itong fur Saka ipinatong sa una niyang kinuha. Pinilit ko siya nong una na ako nalang gagawa at sabihin nalang Niya Kung anong gagawin ngunit tumanggi ito at sinabing Kaya Niya na ito mag Isa, hayss.. Pumunta Naman ito sa kaniyang cabinet at kinuha Ang parang unan na gawa din sa fur. She sigh in relief. Tsaka siya tumingin saakin. "Ito ang iyong pagtutulugan, ginoo." Aniya, nanlaki Ang mata ko, Wala Kasi akong kaide-ideya na gumagawa pala siya ng aking pagtutulugan. Nakakahiya. "M-maraming salamat, binibining Alathea, Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa iyong kabaitan." Naluluha kong sabi. Agad ulit namula ang kaniyang matulis na taenga, na agad niyang tinakpan ng kaniyang buhok ngunit dahil patusok ito ay lumalabas pa rin. She's so adorable. "W-walang anuman, ginoo, m-mauuna na akong matulog, ginoo." Nauutal niyang Sabi at nagmadaling humiga sa kaniyang higaan at nagtalokbong ng kumot. I smile. _____________________ The sun is up when I woke up, yawning, I look at the unfamiliar surrounding, blinking my still sleepy eyes, and remember that this is Alathea's house. Masyado atang napasarap Ang tulog ko, Ang lambot Kasi ng higaan ko eh. I sniff. What's that smell? It's smell. . . delicious. . . As if on cue, my stomach growl. I'm hungry. Agad akong tumayo at lumabas tsaka sinundan Kung saan nanggagaling Ang napakabango at napakasarap na amoy na iyun. Nakarating ako sa gilid ng bahay at doon ko nakita si Alathea na nagluluto ng karne. Yumuko ako sa telang nagsisilbing bubong saka naupo sa tabi ni Alathea. "Magandang umaga, binibining Alathea." Napatalon pa Ito sa gulat at nanlaki Ang matang lumingon saakin, bago namula Ang buong taenga nito. "G-ginoo... magandang umaga din saiyo." Ngumiti ako sa kaniya na lalong ikinapula ng kaniyang taenga, bago muling binaliktad ang karneng itinuhog niya. Kumuha siya ng sanga ng kahoy Saka ito inilagay sa apoy na ang niluluto naman ay ang kanin. Sa kabilang lutuan ay nanggagaling Ang napakasarap na aroma, na satingin ko ay vegetable soup or something ang niluluto don. I feel my mouth watering from the smell, and my stomach growl louder this time. Napatingin saakin si Alathea. "Hehe..." I laugh, embarrassed, while scratching my head. I saw her mouth smile a little before focusing in cooking. "Malapit na itong maluto, ginoo." She said, a little amuse. I just nod and watch her cook. After a minute, i found myself eating, swallowing the hell out the food. It is freaking delicious! The meat is sooo easy to chew and eat and it taste sweet and spicy, while the i-dont-know-what-you-call-that soup is so refreshing, just sipping it makes my body relax, and the aroma...hmmm... Yummy. I can feel little Alathea is watching me but I ignore it and continue eating. When there's no food left, I rub my stomach, wow, I'm so full. Then, I burp. Embarrassed, I look up and saw little Alathea biting her lips with a little smile on her lips while watching me. "Hehe, thanks for the food." I smile shyly, she just nod with her pointed ears turn red. Tumayo siya at nagsimulang ilagay Ang pinagkainan namin sa making basket, kaya tinulungan ko siya. Aakmang lalabas Sana Ito ng magsalita ako. "Little Alathea where are you going? Can I come with you?" I ask softly, making her stop, she look at me, contemplating, wether she'll answer yes or no, but in the end she said yes. "I will carry the baskets." I said and take the baskets away from her hands. She's about to say something but I run outside so she can't argue. Minutes later, she also comes out, with two baskets in her hands again, one with a silk clothes and the other one is empty. Since hindi naman mabigat Ang bitbit Kong mga basket, agad kong inagaw sa kaniya ang basket na may laman, saka lumayo ng kaunti sa kaniya. Napabuntong hininga nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa nakarating kami sa isang ilog. Pinalapag niya saakin ang mga basket, Saka Niya kinuha ang mga pinagkainan namin, then she gave me the basket with a silk clothes. Tsaka niya tinuro ang kaliwang bahagi ng gubat. "Lakarin mo lamang ang bahaging ito, ginoo, at may makikita kang mainit na bukal roon na napakagandang pahingaan." (Mainit na bukal or Hot spring) "Iyan naman ang iyong maisusuot." Aniya at tinuro ang hawak Kong basket. I happily nodded, and walk straight where she told me. After a minute of walking, I finally found it. May usok usok pa ang nang galing sa tubig. Malaki at medyo malawak na pa bilog ang hot spring na ito. At sa bawat gilid nito ay di kalayuan Ang mga malalaking puno, na humaharang sa kalangitan. Nilagay ko Ang basket sa ilalim ng puno saka nagpalinga linga, nang masigurado kong walang kahit na sino Ang nasa palagid ay agad kung tinanggal ang mga damit kong suot. At Saka dahan dahang nilubog Ang mga paa sa mainit na tubig. Nang mailubog ko Ang buong katawan sa mainit na bukal, ay agad akong napabuga ng hininga. Ang sarap sa pakiramdam ng init na ibinibigay nito. At para itong may mahikang bigla bigla nalang nawala Ang pagod sa aking katawan. Para bang gumaan ito. haysss.... Nagpalinga linga muna ako at ng makita ko ang isang malaking ugat ng Kung anong puno ay lumapit ako doon at sinandag ang likod saka pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakababad roon, nagising na lamang ako ng may marinig na mga kaloskos mula sa malayo, ngunit Hindi man ito gaano kalakas ay naririnig ko ito Mula rito sa aking pwesto. RAWR!!! Napamulat ako agad ng mga mata dahil sa malakas na ungol na iyon. Hindi ito, nagiisa, muli kong pinakinggan ang aking paligid nang nakapikit ang mga mata. Napakunot noo ako ng palapit ng palapit ang mga yabag ng kung anong nilalang na ito. Napaka bilis ng mga yabag nila na para bang hinahabol nila Ang isa't Isa. RAWRRRR!!! Isa muling malakas na ungol Ang pinakawalan ng nilalang na ito. At doon na ako nakaramdam ng kaunting kaba, sa tuno ng ungol nito ay Galit na Galit ito. Mabilis akong napamulat, at Ang unang una Kong Nakita ay Ang mga usok ng mainit na bukal, pati siya ay natatakpan na nito. Dahil sa makapal na usok ng mainit na bukal ay Hindi ko na alam Kung saang direksyon ako nanggaling kanina. I started to feel nervous, dahil palapit ng palapit ang mga yabag at ungol ng nilalang na ito. Naglakad ako ng ilang hakbang paharap at dinama ang paligid ko. At Kung sinwe-swerte nga Naman ako ay nahanap ko agad ang pinakagikid ng bukal, pinatong ko Ang aking kamay sa lupa upang i-angat Ang sarili sa tubig ngunit pag angat ko ng aking Mukha ay isang nanlilisik na pulang mata Ang bumungad saakin. Nanlaki Ang mga mata ko nakikita sa harapan ko. Ibunuka nito ang kaniyang bibig at pinakita Ang matutulis at malalaking ngipin nito saka ito bumwelo upang sungaban ako. Ngunit Wala akong nagawa dahil para akong nahipnotismo sa Ganda ng nanlilisik nitong mga pulang mata. Ngunit may mahina ngunit klarong boses Ang nag patigil rito. "Iskar, itigil mo iyan." ♥♥♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD