Chapter 2

2923 Words
Chapter 2 JEAN TOVIN Napabalikwas ako ng wala sa oras. What the heck was that? Ganun na naman ang panaginip ko? Oo na, mahalay ang mga naiisip ko pero what the hell? Sa panaginip kong 'yun, inaasar ako ng isang babae. That girl is always in my dreams. She's teasing me with her body-- naked! "Alkenes! Hoy, Alkenes! I-timpla mo nga ako ng kape!" I shouted. Alas tres pa lang ng madaling araw ngunit nambubulabog na ako. Kung makakatulog pa ako, paniguradong alas seis na ako magigising at isa lang ang ibig sabihin nito, male-late ako sa first class ko! "Kuya, maaga pa! Magtimpla ka mag-isa mo!" Itong batang 'to talaga, ang tamad! "Alkanes, ikaw nga," kalmado kong sabi sa kapatid ko pang isa. Masaklap kasi ang nasa iisang kwarto ang kayo ehh. Maraming kwarto pero anak ng tupa, dito sila sa kwarto ko. Imagine, dalawang double-deck! Heck! "Ang tatamad ninyo!" "Kuya! Anong tamad?! Ikaw ang tamad! Ang aga aga!" my sister grunted, pulling her comforter to hide her head. "Wow, nanunumbat na ngayon si Alkynes, the geek?" Then we heard a loud bang near our room. That would be mom-slamming-the-door-to-silence-us. "Ano na naman yan?!" Sabi na eh! "Si Kuya kasi, Mommy! Ang tamad niya! Palayasin na natin siya, Mommy!" sigaw ni Alkenes. I got scolded by our Mom. It was just normal though but not in a morning like this. Parang nabulaboog talaga siya sa hitsura niya nang kaharap ko siya. Her nostrils flared, her hair was disheveled, and her fists clenched on her side. Alkenes, Alkanes and Alkynes, humanda kayo sa akin! Habang kumakain ako ng pancit sa cafeteria ay nilapitan ako ni Alkynes. "Oh bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Oh, my cute sister’s asking for her cute brother’s help huh? She frowned. "Kuya, samahan mo ako sa woods." “What? Why?” Binatawan ko ang hawak kong tinidor saka inangat ang ulo ko sa kanya. "Samahan mo ako sa woods! Bingi!" "Oo, alam ko pero ano’ng ibig mong sabihin?!” "May paranormal activity kasi kami. Sasama rin sina Kuya Alkenes and Kuya Alkanes. Mas maganda kung pati ikaw kasi dadalhin ko yung sexy kong teacher.” Jeanne Alkynes Harshbarger is my sister who is twelve. Twins Alkenes and Alkanes are fifteen andd I am nineteen. What I hated most eh childish ako at namana pa talaga nila. Eh kanino ko nga naman kaya namana? My classes the whole were pretty boring but bearable. Nakiking pa naman ako sa mga propesor at instructor namin. Pagsapit ng hapon, naghahanda na nga si Alkynes sa gagawin namin ng mga kaklase niya. "Kuya, ikaw magbuhat nitong laptop at videocam ha? Tripod din, Kuya." "Opo, Ma’am," tamad kong bwelta. "Hoy, sinong magdadrive sa atin?" "Ikaw." "Wow! Ako?" "Ay hindi, ako." Ang cool talaga nitong geek kong kapatid. "Nasaan ba iyong kambal? Next time tuturuan kong mag-drive yung mga yun para sila ang chauffeurs mo." "Then that will be awesome!" bulalas ni Alkanes. Mas mataba itong si Alkanes compared to Alkenes. Their similarity naman eh magkapareho sila ng mga gusto. Things and girls. "Hoy, Alkynes, sinu sino ang idadala mong kaklase mo? Mamaya buong angkan na pala ng classroom niyo," sita ko. "Hindi po ba pwede?" Napamura ako na ako roon. "Ano’ng akala mo sa kotse natin? Truck?!" "Eh ano pala ang sasabihin ko sa kanila?" taong niya habang nagkakamot pa ng ulo. "Mag-commute sila. Simple as that." "Okay," aniya. Nang makababa kami ay sumalubong naman itong pinsan naming si Darke. "Bro! Musta iyong girlfriend mong lagi mong binibilhan ng damit, brassier at panty?" Ngumisi lang siya sa akin at nakipag-highfive. "Hindi ko nga girlfriend. Mahirap magtapat sa kanya." "Huh? Materialistic naman siya ah? Imposibleng aayawan ka nun?" He frowned. "Di mo alam, Jean," sabi niya sa akin na pailing- iling. "Oo na. Di bale at balang araw ay magkakagirlfriend din ako." "Balang araw, akin na rin siya. Saan pala kayo pupunta? Bakit may jeep din doon sa baba?" "Paranormal activity sa gubat. Sama ka? Sama ka para may makausap akong matino." Nanlalaki ang dalawang mata niya. "This night?!" "Alangang umaga, Darke," sabi ko pa with sarcasm. "No! Dangerous! Ano bang iniisip niyo?!" Galit siya, galit na galit. Si Darke ang isa sa pinaka-caring na pinsan namin at hindi ako magtataka na concern nga siya kay Alkynes. "Kalma lang! Mag-iingat naman kami. Meron naman ako. Matapang 'to no!" Hell, kung multo rin lang ang pag-uusapan. "It’s not about the ghosts, dude. There are wild animals that could attack you anytime.” Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko. I shrugged. “Okay, I gotta go," mabilis niyang sabi at tumindig na. "Wait, bro! Kadarating mo lang!" Hindi na siya nakinig. Nagtuloy tuloy na lang siya wari’y may emergency. Ano’ng nangyari roon? He’s always brave and I haven’t seen him getting weary of something. Natuloy na rin kami sa destinasyon namin sa mismong gitna ng gubat. Sayang saya ang mga batang nagca-camping mapa-primary or secondary level pa. Si Alkynes, persistent siya sa ginagawa niya. Blow by blow ang mga galaw niya. Ngayon ko lang napagtanto, nagmana siya sa akin. I grinned. "Boo!" "Aah!” sigaw ko at akmang hahablutin ang kung sinong lumapit para sirain ang tympanic membrane ko. “Loko ka Alkanes tabachoy!" sigaw ko sa kanya. Ako pa talaga ang ginulat ha? Huh! Humanda mamaya! Humanda talaga kayong kambal kayo! "Roar!" "Aah!" sigaw ko ulit. "Lintik kayo!" I tried to run after Alkanes kasi alam kong mas mabagal ito kaysa sa kakambal niya. Mas malaman pa ito, mahihirapan siyang humanap ng pagtataguan niya. Nasaan na iyon? "Come out, Alkanes. Kapag hindi ka lalabas, kakainin ka ng wild bear or hog," I teased at a low voice. Pagpawisan ka sana kung nasaan ka man. Dahil sobrang dilim at nalimutan ko ang flashlight na hinahawakan ko lang kanina at napasandal ako sa isang puno. I gasped at the experience. Lumayo ako saka bumaling sa daraanan kong ni walang bakas na ilaw. "What the hell? Sobrang dilim? How did he manage to walk around here? Alkanes! Hindi na ako gait, brod!" Nang may narinig akong kaluskos, sinundan ko na iyon. Hehe, nararamdaman kong malapit na iyong tabachoy na iyon sa akin. Kung ako matatakutin, aba expect na pati sila ay mga takot din. Buti na lang may moonlight na ngayon ko ang napansin. Isa lang ang ibig sabiihin nito—safe na ako dahil may ilaw. Tatapat na sana ako doon sa parang spotlight to check myself kaso natisod pa ako. Nagmura na naman ako dahil dito. Paglingon ko sa lupa kung saan natatamaan ng ilaw ay may nakita akong babaeng naglalakad palate sa akin. Hindi iyon disguise or something. Multo? Multo! White lady! Uso pa ba ‘yon ngayon? Tumindig lahat ng balahibo ko sa nakita kong kakaiba at nakakatakot. What the f? Pinagpawisan pa ako ng malamig saka pakiramdam ko ay babagsak na ako dito sa kinatatayuan ko. Ngunit totoong napaupo ako sa batuhan. Saan naman kaya pupunta ‘yong multo? I didn’t know that I am already staring at her like a lifetime. Ang ganda naman ng likod. She got the curves and perfectly shaped butt. Nasa pagtitig pa lang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Pumikit ako dahil paniguradong mapapatingin na rito ang multong ‘yon! Hinayaan kong tumunog iyon sap ag-aakalang babalewalain ito ng babae. I was wrong. "Hello?" mahinang sabi ng tinig na nagmula sa babae. "W-wag kang l-lalapit!" "Why?" English? "Masamang engkantong, dwende, dyosa... l-l-lu-lu-lumayo ka naman!" Napasigaw ako dahil hinawakan na ng malalambot pero malalamig niyang kamay ang braso ko. Shet, hindi ko kayang imulat ang mga mata ko sa gulat at takot. Posibleng lalamunin niya ako ng buhay! "Why are you closing your eyes?" she asked. Curiosity struck in her innocent question. What an angelic voice! And wait... does my nose hallucinate, too? Because her lovely scent is unpredictably stifling! What the hell is going on with me? "Because I don't want to see you!" Pero nahahawakan niya ako? Paano naman? "I'm not a beast right now but--" "Multo ka!" Release me, please. "What? Ghost? Ako?" Tagalog naman pala eh! Pero tumawa siya! That one’s a sexy laugh, man! "I'm not. Paano mo nasabi?" Humagikhik naman siya ngayon. Pero ang hawak niya, sobra namang nakakapaso. Malamig na mainit. Hindi ko maintindihan dahil na rin sa halu-halong nararamdaman ko ngayong oras na ito. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Lumagapak ng t***k ang puso ko ngayong minutong titignan ko na siya. I saw a gorgeous face of a girl. I stared for seconds to familiarize her features. And then down to her body. Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita. Ang landi ng multong ito! Naka-seethrough na robe siya. Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit papaano ay may respeto ako kahit patay na siya. "Why?" Hindi ba obvious sa mukha kong takot na takot na ako sa kanya at di na rin ako makagalaw dahil ang lapit ng katawan niya sa akin? See-through talaga ‘yong damit niya dahil nakita ko ‘yong boobs niya pati sa... sa... Nagiging manyak ako ng wala sa oras nito! Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pumikit ulit ako ng mariin. Kahit kasalanan ang pagmulat ng mata at didilat ako sa anumang oras ay tinangay naman na siya ng hangin kaya hindi ko na siya nakita. Wala sa sarili akong nakarating sa quarters ng mga bata. Hindi ko na maalala kung paano ko nakaapak dito. Hindi ko na maalala kung saan ako nanggaling. "Kuya! Where have you been?! Iyong videocam nasa sa'yo, Kuya!" "Wala!" bulyaw ko. Nagfaflashback na sa akin iyong kabuuan ng babaeng iyon. Hindi raw siya multo? Eh naglaho nga siyang bigla. "Dapat doon kayo sa mismong-- " Something is not right. "Asan na pala si Alkanes?!" Nahagip agad ng malaki niyang katawan ang mga mata ko. Kumakain na siya ng pizza samantalang pinagpapawisan ako roon sa dilim? Kumakain na siya noong hinahanap ko siya? Kumakain! Unbelievable! "Coward talaga si Kuya!" He laughed at me. Hinila ko ang tainga niya at nilapirot ito. "Kuya, aray!" "Loko ka! ‘Di mo man lang ako hinintay! Takot na takot ako roon!" bulyaw ko. "Eh takot din naman ako, Kuya, eh!" The sincerity of his voice is a proof he got scared, too. "Tapos-- ugh!" Binitawan ko na siya nang naisip kong nonsense and ginagawa ko. Wala na akong pakialam ang mahalaga’y matutulog ako rito. "Bahala na kayo! Pagod ako!" sigaw ko. Lumapit naman sa akin ang isang nilalang na makapal ang suot na lipstick. Hey, hey, Ito ba iyong teacher ni Alkynes na sexy? "Alis! Walang mang-iistorbo! Wala! Walang lalapit!" Except sa babaeng iyon. Napanguso iyong bakla at naglakad na palayo. At napagtanto kong mas nakakakilabot pala ito kaysa kanina. Umiling ako at pumikit. Alas onse nang naaalimpungatan ako at hindi na ako nakatulog dahil sa howl ng mga aso. Hindi ko alam kung aso o ano basta nakakapanindig balahibo. Ang lakas pa man din. May lobo ba dito? Tumingin ako sa paligid ko, sarap na ng tulog nila. Nag-paranormal pa kayo ha? "Huy!" Sumigaw ko sa gulat. Tumingin ako sa paligid at sarap na sarap pa rin sila sa tulog. Bumaling ko kay Darke. "I'm just checking on you, guys." "Wow, thanks. May marker ka?" Kumunot ang noo niya. Iyong mga mata niya ay nagtatanong na. "Gusto kong mag-ala-jigglypuff ngayon eh. Tingnan mo, himbing ng tulog nila. Paranormal daw!" I searched for a marker iside my sister’s knapsack. "Tapos?" "Uwi na tayo," sabi ko sabay hikab. "What? Iiwan mo sila rito?" "Kasama nila yung adviser nila. Nothing to worry about. Kanina ka pa dito?" Nagsimula na akong magligpit ng gamit. "Medyo." "Alam mo, bro, naniniwala na ako sa multo." Natawa siya. "Paano mo nasabi?" "Nakakita ako kanina! And hell! Na-love at first sight pa ako sa multo!" Kumunot na ang noo niya. "Ang puti puti niya... ang ganda ng boses niya, para siyang anghel, at..." Uminit ang pisngi ko sa susund na sasabihin ko. Umayos ka, Jean Tovin! "At?" "I saw her naked. H-hindi ko inexpect na m-may ganun na m-multo... naka-robe nga, seethrough naman." "You're imagining things." Umiling siya at nahalata kong nagtitimpi siyang sapakin ako. "No! Nakita ng naked eyes ko ang naked body niya! Hindi ko sinasadya pero nakita ko yung... yung... yung boobs niya! s**t, alam kong kasalanan ito. Hindi ko siya matanggal sa isip ko! That image is just unforgettable." Then I received a punch from him. Tumayo ako para lumayo. Nakahawak pa ako sa panga ko dahil masakit. "What was that for?! Sumosobra ka na ah!" "Baka nananaginip ka pa kasi. Pero hindi ako magsosorry." "Ang lakas mo, Darke! Sakit ng panga ko!" Noong inuwi ko si Alkynes, ganun pa rin ang ekspresyon ni Darke-- hindi mapakali. Pasalamat siya pinalagpas ko ang pagsuntok niya sa panga ko. Pinagtimpla kami ni Mom ng kape nang nasa bahay na kami. "How's your mother, Darke?" my mother asked sweetly. “She’s okay now. Baka ngaa bibisita siya rito mamaya o bukas.” “That's good to hear. Darke, may girlfriend ka na rin ba? Kayo na ba ni Tin? I saw that girl once, maganda at napakainosenteng babae. Di ba gustung gusto siya ng Mommy mo? Ihanapan mo nga rin itong pinsan mo ng matinong babaeng tulad niya," sabi ni Mommy na worried pa ang expression ng mukha. Napairap ako dahil doon. So Tin pala yung pangalan ng girlfriend niya? "She is just my friend, tita." "Oh? Bagay na bagay kayo eh! Alam ko ang history niya. I understand and accept it, hijo. Alam din ng Mommy mo. Tanggap na tanggap siya sa family niyo," ani Mommy. Sinasadya ba niyang magparinig ng mga ganitong bagay? "Baka maunahan pa ng kambal itong kumag na ito kung pagdating sa mga seryosong bagay tulad niyan." I frowned. Nakakairita naman si Mom. Kung ganito lang ang pag-uusapan namin, I’d rather lock myself in my room and stare at nothing or just plug my earphones and listen to songs. "Pagod ako. Akyat na ako, Mom," sabi naman ni Kynes sa gilid. Napatingin kami sa kanya na talaga namang pikit na ang mga mata. "Buhatin mo na si Alkynes, Jean." "Okay, Mom." Binuha ko ang kapatid ko at dinala sa kwarto namin. "Sleep tight, Alkynes," I whispered and kissed her forehead. Bumaba pa ako kasi naiwan pa roon si Darke at hindi na rin lang ako dinadalaw ng antok. Naabutan ko pa siya sa kusina na sumisimsim ng kape. "Di ka na makatulog?" he asked. "Oo, nagising ako sa suntok mo, gago." Tinawanan lang niya ako at tinapik sa balikat. Bumalik kami sa sala para doon na magkwentuhan. "Natamaan yata talaga ako sa babaeng yun," I mumbled after yawning. Kinilatis ako ni Darke gamit ang kanyang iritadong ekspresyon. Para bang hinahanapan niya ng flaw ang mukha ko at mas masaklap ay ang buong pagkatao ko. He's piercing my effin' soul. What is wrong with this man? Kanina pa siya ah? "You're crazy," aniya at nag-iwas ng tingin. "Totoo, bro. If the image of that girl will still haunt me next week, I'll declare my love for her. Hahanapin ko ang puntod niya sa--" "Gago!" "Kung multo nga yun. Pero malamang multo yun. Kung tao yun, hindi na siya nagdamit pa, ‘no! Dapat hubad na--" "Jean Tovin!" "Totoo naman, bro, eh. Multo siya. Ang saklap 'no?" "Stupid." Yeah, I'm stupid. "Are you going back there?" "Why would I? Nakakatakot doon! Buti naman sana kung makikita ko pa ang multong iyon..." I shrugged. "Kumusta kayo ni Tin?" Nanlaki ang dalawang mata niya. "I heard your conversation with Mommy. Siya ba yung lagi mong dinadalhan ng kung ano ano?" Sinasabi ko na, swerte nung Tin na yun dito sa pinsan ko. Darke is a husband material. Magtaka ka na kung may mangbabasted sa kanya. "She's my friend." "Na-friendzone ganun?" "Siguro. Basta." "Sino siya? Kilala ni Mommy tapos hindi ko kilala? Kilala ba yan ng kambal or ni Alkynes?" "She's my friend. Yes. No." "Pero siya yung dinadalhan mo ng mga gamit?" He nodded. "Mahirap sila?" tanong ko. Curious ako sa girlfriend niya dahil hidi ko pa ntalaga nakikita. Maganda raw at inosente siya. "Sort of." "Ano’ng course?" "She's not studying," aniya. "Oh... eh ikaw ang bumubuhay sa kanya ganun? Baka naman pera lang ang habol sa'yo?" "We’ve known her family for a long time." Bakit hindi pa sila? "Bakit hindi pa kayo?" Tiningnan niya muna ako ng masama bago sinagot, "she's too innocent for this. Oo, nineteen na siya pero she's a girl who don't easily understand this case. Love? Tss... She wouldn't know." "Dinadaan mo naman kasi sa material things eh! Pakitaan mo ng ka-sexyhan mo!" "Ayokong ma-expose siya sa mga ganoong bagay. We're still virgins. I want to preserve her innocence." "Pre, magugustuhan din nung babae mo yu--" "Hindi siya ganyang tao! Watch your mouth, Jean Tovin. Wala akong pakialam kung pa-virgin ang tingin mo sa akin. Huwag mo akong itulad sa'yo. Wag mo ring itulad ang future girlfriend ko sa mga babae mo," aniya at tumayo. My mouth dropped open as I dumfundedly looked at him in the eyes. Oo, sila na ang virgin. Isampal ba naman sa akin ang titulong ayaw na ayaw ko na ngang balikan? Mga babae ko? Jerk? Porque successful business man na si Darke, ganoon na ang asta niya? Nagbago ako para sa pamilya ko. I'm not that old Tovin, I'm now Jean. Siguraduhin lang niyang may ibubuga ang girlfriend niya sa mahahanap kong girlfriend ko. Watch, see and learn. Come and see.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD