Chapter 4
JEAN TOVIN
Nagising ako sa tabi ni Umber at nasa gilid ko naman si Huon dahil ginawa namin iyong research papers namin dito na sa bahay nina Umber kagabi. Dito na kami nag-sleepover.
"Gising na!" Umber exclaimed.
"Oo, nandyan na. Yang bibig mo naman umagang umaga. Halikan kita jan eh," sabi ko sa kanya. I nearly whacked her head.
"Gustong gusto mo namang hinahalikan kita, ano!"
"May tao pa rito oh," sabi naman ni Huon na agad isinuot ang nerd glasses niya.
Huon Ogawa is my buddy since primary school. He is our class geek. Si Pebbles Umber Cayley naman ay childhood friend ni Huon. Noong secondary level, kaming tatlo ang magkakasama palagi. We were all in the same class and obviously with the same schedule.
"Huon, labas ka nga muna. Make out lang kami ni Tovin," aniya.
"What?! Pwede naman sa sala!" bulyaw nama ni Huon.
"Pwede pa nga sa kitchen. Wala naman parents mo di ba?" I said in a low voice.
"Eh! Nakakainis kayo!"
"Tara na. Sa bathroom na lang kaya? Paliguan pa kita," biro ko saka siya sumimangot. I'm just testing her if she has changed. She's not that type of girl. Hindi siya b***h type. Childish nga siya eh. Ang gusto lang niyang gawin ay halikan ako dahil daw matatamis ang sexy lips ko. Wala eh, gwapo ako.
Hindi ko siya ginagalaw. Meaning I don't touch her boobs or any must-not portion of her body. Oo, inaamin kong sexy siya pero mas sexy iyong multong nakita ko noon. The heck right? Umber and Huon are my friends. Hanggang doon na lang talaga.
"Ligawan mo kaya yan nang matahimik," sabi ni Huon na nagpatahimik sa amin. I stared at her upset face. Ngayon ay para na siyang nahihiya sa akin. Cheer up, Umber!
"Tara na nga! Magluluto pa tayo ng kakainin natin!"
I got serious. "Paano kung ligawan talaga kita?"
She sighed. "Huwag kang magbiro ng ganyan. Wag kang paasa. Matagal na akong umaasa and guess what, it is agonizing." Lumabas na si Umber sa kwarto. Ang mga katagang yun ay tagos hindi sa akin kundi kay Huon.
"Gago!" bulyaw sa akin ni Huon.
"Gago ka rin! Torpe 'to. Ikaw ang manligaw dun. Ikaw naman ang gusto niya. Ikaw ang hinihintay niya," sabi ko at iniwan siyang laglag aang panga.
Tss... Mag-bestfriend daw eh may gusto kaya yung si Umber na yun kay Huon eh. Ginawa na yata namin lahat ni Umber ang ways on how to make him jealous pero torpe ang gago. Oo, may gusto sa akin si Umber but she loves Huon. Siya na rin ang nagsabi sa akin. Itong si Huon, hindi makaahon sa first love niya-- studies.
"Maiwan ko na kayo. Hindi ako nakapagpaalam kay Mommy." Tinapik ko ang balikat ni Huon para i-cheer siya. Sa huling pagkakataon, hinalikan ko naman sa labi ang nakabusangot na Umber.
"Bye," anila.
"Mamayang gabi ay babalik ako. Gabi lang ako free this Saturday. Maraming pinapagawa si Mommy eh."
"Okay lang," sabi ni Umber. "Sige na. Ba-bye na. Mamayang gabi na yung makeout natin."
Then I waved goodbye. It was a thirty-minute drive and I’m sure I’d be late for Mom.
"Mommy! Nakauwi na ako!" She stared blankly. "Mom, gumawa kami ng research paper kina Umber. Hindi ko naman sila maiwan ni Huon kasi grade namin yun."
She kept on eyeing me.
"Mommy, wala akong babae. Noon yun, Mommy. Noon. Matagal na." I hugged her and kissed her hair.
"Baka naman si Huon na ang hinihintay mo. Baka naman... bakla ka o kaya'y bakla ang gusto mo." My eyes widened in disbelief.
"Mom!"
"Malay ko!" She laughed.
"Si Kuya, bakla?!" Alkynes exclaimed. "Magpapasama pa sana ako sa woods para sa paranormal activity namin..."
Woods? Na naman?
"I'm in. I'm not gay and I don't like gays," sabi ko.
I left them there to reflect. Buti na lang nakaligo na ako doon sa bahay nina Umber.
"Mamayang gabi, Kuya, ha."
"Oo. Wag mo nang isama ang kambal na ito," sambit k at sinulyapan ang kambal na abala sa paglalaro ng isang video game.
"Edi hindi!"
"Bantayan niyo si Mommy ha? Mamaya wala na naman kayo. Lalo na ikaw, Alkenes. Lagi mong pinupuntahan iyang girlfriend mo. Mamaya may milag--"
"Kuya! Hindi naman ako nagmana sa'yo!" Ouch. "We're not doing anything bad. Trust me, Kuya." He even sounded my age!
Inirapan ko siya bago bumaba. General cleaning kasi ang first Saturday of the month. Ako pa man din ang sa garage, sa garden, at sa lahat ng restrooms and bathrooms ng bahay.
"After nito, Kuya, help me with my assignment ha?"
"Alkynes, pagod ako."
"Please?"
"Mamayang gabi sa camping na lang ha? Pagod ako."
"Okay. Thank you, Kuya!" She kissed my cheeks and went inside the house.
My mom emerges from nowhere and checked on me. Tinanggaal niya ang gloves iya baago ako kinausap. Marumi na rin ang kanyang damit.
"For sure, she missed your Daddy," ani Mommy sa likod. "Okay naman na yung napapalapit siya sa'yo hindi ba?"
"It is okay, Mommy. Pero baka pagka-graduate ko ay wala na akong time sa kanya. Mag-aasawa pa ako."
She arched her brow. Here we go again, my mom and her eyebrows. "Loko ka. Ang bata mo pa para mag-asawa. Girlfriend okay pa!"
"Mommy! Oo, ipapakilala ko sa'yo kung meron man."
"Be sure."
My mother hugged me and I kissed her forehead.
Ang mga kasama sa activity ay si Alkynes, ang adviser, ang mga class officers at ang isang kaibigan nung adviser nila. Napansin ko ngang lapit ng lapit iyon lalaking nagngangalang Beat sa kanya eh. Itong si Alkynes naman ay walang pansin. Alam ko na. Alam ko na talaga.
"Dude, lika," tawag ko kay Beat.
"Ba-bakit po?" Nakasuot din siya ng salaamin gaya ni Kynes pero ma-porma ang isang ito. Bakit ang sweet ng amoy niya? Di ba ganito ang mga pabangong gustong gusto ng kapatid ko? Strawberry...
Inakbayan ko siya at naglakad kami palayo sa mga classmates niya. "May itatanong lang naman ako."
"A-ano po?" He's nervous!
"Anong favorite color ni Alkynes?"
He looked so nervous and confused at the same time pero sumagot pa rin, "red po."
"How about favorite song?"
"Pop. And... sa rock po siya. Ayaw niya sa mga ballads." Akala ko sasagutin niya ako ng specific. Wow, nice kid.
"Eh specific?"
"She loves Korean songs. Wolf sung by EXO, a Korean-Chinese boy group, is one of her favorites. Xenophile siya just like girls out there." Tumpak! KPop lover ang kapatid ko. "I am not a fan of them but I respect her as a KPop enthusiast."
Nice! Pasok ka na! "Kelan ang birthday niya?"
"December 8, 2001."
"Hobby?"
"Just plain writing. Yun lang naman ang productive na ginagawa niya. Although, she loves listening to music."
"Subject?"
"English... and Chemistry."
"How about favorite actor niya?"
"Many to mention. Basta pure Hollyweed celebs po."
"Eh kelan ang birthday ko?" Ngumisi ako sa kanya.
"D-december 30... 1994?"
I laughed hard as I watched him stuttering. Bakit ko nga ba tinatawanan ang tamang sagot ng batang ito? Ang galing niya!
"M-mali po b-ba?"
"You can have the opportunity to court my girl!"
"Wh-what are you talking about?"
"Gusto mo si Alkynes di ba?"
Pumula ang pisngi niya. "Ah..."
"Gusto mo siya diba?" He nodded.
"But--"
"She is focusing on her studies?"
"Sort of," aniya. Nahiya ako sa mga geek...
"Lika na nga! Bantayan mo nga siya para sa akin!" I laughed hard again. Siya naman ay hiyang hiya dahil siguro pinagtatawanan ko siya at ang felings niya. Don't be, boto ako sa'yo! "Wait!"
Liningon niya akong ganun pa rin ang itsura.
"What's your name?"
"Beat Blumentritt Silva."
"Pasok na pasok ka talaga," I said.
"Thank you, Kuya Jean."
Kinuha ko ang binulsa ko kaninag cellphone ko at minessage ang dalawa na hindi ako makakapag-overnight. Goodluck sa kanilang dalawa. Bahala sila. It’s their time alone. It’s Huon’s chance. Hindi ko na lang alam kung sasayangin niya ito.
Alas onse na at nakakapangilabot na naman ang naririnig namin galing sa mga hayop. Cicadas and dogs. Kahit sa bahay rinig na rinig iyon. Nagpalakad lakad ako para naman hindi ako ma-bored at para may mangyari naman sa akin ngayon. Hanggang sa di ko namalayang lumalapit na pala ako roon sa parang sigaw ng nahihirapang hayop. Naramdaman ko pang naiihi ako. I need to urinate.
Naging successful naman ang isinagawa nilang pranormal. Hanggang ngayon ngang ala una ay gising pa rin ang lahat. Nagkaroon ako ng instinct para maglibot ulit katulad kanina. Hindi ako papayag na sila lang ang maglilibot. The night is peaceful and safe right now. Nakarating ako sa isang balon. Wishing well! It looks so old and some creepy sounds are coming from there.
Kumawala ang kaluluwa ko sa katawan ko nang may lumabas na ulo ng babae. Ano 'to? The Ring?!