I will die in this tragedy tonight... hindi man ako kasamang sumabog ng yate. That’s for sure. Matinding kirot ang bumalot sa aking dibdib nang naisip ang pagkamatay ko. Nahulog sa dagat at hindi na muli pang nakaahon at kailanman ay hindi na matatagpuan ang bangkay.
Who would even dare to swim the sea to find me?
Isang himala lamang kung makakaligtas pa ako. Isang himala na mukhang hindi naman mangyayari.
What a way to die, Solana. Sinking into oblivion! Hindi ako kasing-importante ng Titanic, the ship they called unsinkable that even God himself could not sink it, na kahit ilang panahon ang lumipas ay natagpuan pa rin matapos lumubog sa kailaliman.
I will probably decay here, too, undiscovered and no one will ever know. Hanggang sa magunaw ang mundo. Kakainin ng mga isda at tuluyang hahalo sa kailaliman. Or maybe, hindi na ako aabot sa ocean floor. A large shark will snatch and devour me.
“Sirena? Baka sirena ‘yan! Magandang sirena!”
“Sira ba ang ulo mo, Lemuel? Hindi totoo ang mga sirena!” sigaw ng isa.
Naramdaman ko ang ihip sa aking pisngi. I think the big old shark is near and he’s breathing near me.
May kumapa rin sa aking leeg. Nahanap na yata ako ng mga isda at handa na nila akong gawing pagkain. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagtama ng alon sa aking katawan.
“Miss, gumising ka...”
Isang panlalaking boses ang pumaibabaw sa ‘king pandinig. May yumuyugyog sa akin. Tumatapik sa aking pisngi at lumalapat na mga daliri sa aking leeg.
“Naku! Patay na yata!” Isang boses mula sa kung saan.
I think I’m in heaven... siguro narating ko na ang paraiso. Nalunok na siguro ako ng shark at natapos na ang buhay ko sa lupa.
Muli kong naramdaman ang lamig sa aking mga pisngi at balat. Sobrang lamig at giniginaw ako. Gumapang iyon sa aking batok, sa mga balikat, hanggang sa kumalat sa buong sistema ko.
Isang hampas ng alon ang tuluyang gumising sa akin. Naabot nito ang aking pisngi at halos nalunod ako sa aking pagkakatulog.
Unti-unti akong nagkamalay. Sinubukan kong dumilat at sinalubong ako ng malabo at malabnaw na liwanag ng umaga, mukhang sumisikat pa lamang ang araw.
Humapdi ang mga mata ko sa pag-ihip ng hangin kaya muli akong napapikit. Kahit ang basang buhok ko kung saan ang ilang hibla’y kumapit sa ‘king pisngi ay nagpaginaw rito. I opened my mouth to gasp for air ngunit halos hindi ko ito naramdaman sa aking baga.
I tried to cough so I can breathe properly. Napaubo ako at sinubukan na gisingin ang aking diwa. I felt very dizzy. Halos ‘di ko ramdam ang aking buong katawan. Magaspang na buhangin ang humahalik sa aking pisngi habang kumalat ang lamig sa aking buong sistema.
“Ano, Pierce? Ha? Buhay pa ba?!”
There were indistinct voices from somewhere. Sinikap ko na imulat nang maayos ang aking mga mata. Naghahabol pa rin ako ng hangin at pakiramdam ko ay namatay ako sa pagkakatulog dahil nahihirapan akong huminga.
“Miss, gumising ka.” A manly voice filled my ears again.
Iginiya ako nito sa kaniyang mga bisig. Naramdaman ko ang isang braso sa likod ng ulo ko ngunit nanatiling pikit ang aking mga mata dahil sa lalong pagliwanag ng paligid nang nawala ako sa pagkakasadlak sa buhanginan. Hinahagilap ko pa rin ang aking paghinga at nanghihina ang katawan ko.
Isang nakakapasong haplos sa aking pisngi ang tuluyang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan akong napahingang muli at sumasagap ng hangin. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko.
“Hey, Miss, wake up,” sabay tapik muli nito sa aking pisngi.
Tuluyan akong napadilat at sa nanlalabong paningin ay sinikap ko na mabuo ang imahe nito. I feel dizzy. I feel like dreaming... siguro nga... nasa paraiso na ako. Maybe I am really dead.
Isang lalaki ang bumungad sa paggising ko. His hair was wet and he had the look of worry in his eyes. Salubong ang kaniyang mga kilay at nakatuon sa akin ang mga mata. His wet lips were apart as he tried to whisper things so I would wake up.
Napakurap ako at sumasagap ng hangin. Nakita ko nang may linaw ang kaniyang mukha. It was indeed a man.
A Greek god. He had the eyes that reflected the rays of the sun.
Sa tuluyan kong pagkagising, nagtama ang mga mata namin. Dahan-dahan siyang natigilan katulad ko habang ramdam ko pa rin ang kaniyang haplos sa pisngi ko.
“Pierce! Pare! Ano? Humihinga pa ba?!” tanong ng boses na lumapit marahil upang lalong makiusisa. May nakadaong na isang bangka sa malapit kung saan ito nanggaling.
Mabilis akong namutla nang nakaalala. Sunod-sunod na bumaha sa aking utak ang huling nangyari, ang yate, ang pagsabog nito, mga lalaki, ang pagkamatay ng mga nasa party... ang tiyo ko.
Napatitig ito sa akin nang napagtanto na gising na ako. Muli kaming nagkatinginan at sa malalim na boses ay nag-usal ito nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
“Yes, she’s breathing...”
“Humihinga pa raw! Buhay pa ang babae! Mga kasama, ihanda ninyo ang kubo!”
Nanunuyo ang aking lalamunan. H-Hindi pa ako patay? Hindi ba’t isang aparisyon ang nasa aking harapan?
“Miss, ayos ka lang?” tanong nito at binalot ako ng hinubad nitong damit. Hindi niya inaalis ang tingin upang siguraduhin na buhay ako.
“S-Sino ka?” nanghihina kong tanong at hindi rin inalis ang mga mata.
Nasaan ako? Hindi pa ako patay? Wala akong ibang makita sa paligid kundi buhanginan, ang dagat, at ang mga alon. Bakit para itong isang paraiso gayong hindi pa naman pala ako patay?
Nasaan ako?
Hindi ito sumagot at may pagmamadali na akong binuhat. Napasinghap ako nang sa isang mabilis at walang kahirap-hirap na kilos ay nabuhat ako nito sa kaniyang mga bisig.
Nanginginig pa rin ako sa ginaw at namumutla. Ang tanging pananggala ko sa lamig na tila nanunuot sa aking buto ay ang kaniyang hinubad na damit, dahilan para mawalan ng suot ang lalaki at maramdaman ko ang init ng katawan nito habang buhat niya ako.
The heat of his body sent an electrifying shock on my body. Hindi ko alam kung gaano ba katagal akong nababad sa lamig upang maging ganito ang reaksyon sa init ng kaniyang katawan.
He carried me effortlessly. Dahil sa gulat ay napakapit na lamang ako sa kaniyang balikat sa takot na mahulog.
“Tabi,” he ordered everyone. His deep voice vibrated on his hard rock chest.
Mabilis na nahawi ang umpukan dahil sa sinabi ng lalaki.
“Dito, Pierce!” Mga boses na tila hinahanda kung saan man ako ilalapag.
“Naku, anong nangyari diyan? Kawawa naman siya.”
“Oo nga, eh. Buti humihinga pa! Galing yata sa dagat.”
Mayroong mga nagbubulungan. Humawi ang mga naroon nang dumaan kami. Sa akin lamang nakatuon ang kaniyang atensyon nang nilapag niya ako sa kung saan sa loob ng kubong iyon.
Napahawak ako sa aking tagiliran nang makaramdam ng kirot doon. Isang daing ang kumawala sa aking bibig dahil sa sumuot na sakit sa ‘king sistema.
Napatingin agad doon ang lalaki. Napapikit ako nang unti-unti ko nang maramdaman ang sakit sa aking katawan. Hindi ko namalayan ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko, remembering everything that happened!
“Lemuel, paalisin mo muna sila,” saad nito dahil sa mga nakikiusyoso. Habang buhat niya ako kanina ay napansin kong may mga bangka sa tabing-dagat malapit sa kubo na ito.
I guess they were fishermen. That explains why he found me on the shore!
Tumango ang lalaking kinausap at iyon ang ginawa. Kumuha naman ang lalaking nasa harapan ko ng tela habang panay pa rin ang sulyap sa akin.
“Tatawagin ko si Nanang Perling,” saad ng isa pa at nagmamadali na lumabas ng kubo.
Nanuot ang takot sa aking sistema at nangamba para sa kaligtasan ko. Sino ang mga taong ito? Dapat ko ba silang pagkatiwalaan?
Hinawakan ko ang aking tagiliran at bahagyang umatras, as if it can save me.
“N-Nasaan ako? Sino kayo?” sunod-sunod kong tanong.
“Huwag kang mag-alala, Miss, ligtas ka.” Ang isa sa mga mangingisda.
Napahawak ako sa aking noo. Naalala ko si Tiyo Sergio. Si Jemimah! Kailangan ko silang mahanap! Sumabog ang yate at kung buhay pa ako, posibleng buhay rin sila kung sakaling hindi sila nadamay sa pagsabog. They might have jumped out of the yacht, too!
“Kailangan kong umalis... I need to find them,” I whispered. Tama... sina Tiyo. Kailangan ko silang mahanap!
Sinubukan ko na bumaba sa pinagpatungang yari sa kawayan ngunit bukod sa sakit sa aking tagiliran ay nasa harapan ko na ulit ang lalaki kung kaya’t hindi man lang ako nakababa!
“You have wounds,” deklara nito ngunit hindi ako nagpapigil.
Kailangan nina Tiyo at Jemima ang tulong ko. Baka nandito lang din sila napadpad!
“Kailangan kong umalis. Please, let me go. Kailangan kong umalis—” I tried to stand up. Sinubukan kong umalis subalit imposible iyon dahil mahina ang katawan ko at isang hawak lamang ng lalaki sa aking pulsuhan ay hindi na ako makawala.
“Miss, sugatan ka—”
“Wala akong pakialam! Kailangan kong umalis! Bitawan mo ako!” Sinubukan kong pumiglas.
“Sinabing may sugat ka. So please stop moving!” His voice lectured.
Natigilan ako at napahinto. Natuon ang mga mata ko sa lalaking may maawtoridad na presensya. His voice demanded, ngunit hindi sa galit kundi sa tinig ng pag-aalala. Natigilan din siya ngunit hindi huminto sa ginagawang paglabas ng mga gamot at panlinis ng sugat.
I breathed heavily. Naglabo ang mga mata ko sa luha dahil kailangan ako ni Tiyo Sergio. Baka kung ano ang nangyari sa kanila! Kailangan kong malaman. Kailangan ko silang makita!
“Eh... oo nga, Miss! Hindi maganda ‘yang kondisyon mo kaya mabuti pa ay huwag ka munang kumilos. Mabuti pa, uminom ka ng tubig. Heto,” saad ng isa pa.
Humikbi ako. Wala akong magawa kundi ang maiyak sa takot. Nasaan ako? Nasaan si Tiyo Sergio? Anong nangyari sa kanila?
Naghalo-halo ang nasa aking utak. Ni hindi pa nag-sink in sa akin na buhay ako. The last thing I saw was the trace of light from above the sea!
“Ano ang nangyari sa ‘yo, Miss? Bakit ka tinangay ng alon sa dagat?” kunot-noong tanong ng lalaking kumuha ng tubig upang iabot sa akin.
Ang lalaki sa aking harapan ay pumunit ng isang malinis na kapiraso ng tela. Nag-angat siya ng tingin nang narinig ang tanong na iyon upang hanapin ang aking reaksyon.
Hindi ako makasagot. Tears are still flowing down my cheeks. At ramdam ko ang kirot sa aking tagiliran.
Dahil doon ay huminga nang malalim ang lalaki at sinubukan na tingnan ang kung anong mayroon doon. Inangat niya ang kamay kong napapahawak doon upang matingnan ngunit nabastusan ako sa ginawa niya kaya mabilis na lumanding ang palad ko sa kaniyang pisngi.
“A-Anong ginagawa mo?!” I said with frustration and anger.
Napalakas yata ang aking sampal. Napabaling sa gilid ang kaniyang pisngi at nagulat din ang mga kasama nito.
Gumapang ang takot sa aking sistema.
“Pierce,” tawag ng isa ngunit inangat lang ng lalaki ang kamay upang sabihin na ayos lang siya.
Nagkatinginan ulit kami nang huminga siya nang malalim. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa seryoso niyang tingin habang bahagyang nanliliit ang kaniyang mga mata, like he’s examining me.
“Gagamutin ko ang sugat mo, Miss. Kailangan kong punitin ang damit mo para makita,” kalmadong sabi nito.
Hindi ako nakasagot. I bit my lip to stop myself from making more mistakes. Tumingin siya sa mga mata ko at naghintay nang ilang segundo. Pagtapos ay napahinga nang malalim at ginawa na ang kailangan.
Ginupit niya ang gilid ng dress ko mula sa slit upang makita ang aking tagiliran. Mukhang sumabit na rin naman ang damit ko roon at napunit kung kaya’t nasugat ako kaya hindi na siya nahirapan na masira ang damit.
Nang napatitig siya roon ay halos namutla ako. Nagpatuloy ang aking hikbi. Am I bleeding? Am I... going to die because of it?
“Dumudugo. Nasugat ito sa kawayan kung sa balsa ka sumampa,” saad ng lalaki at muling kumilos upang gamutin iyon, ganoon din ang ginawa ng kaniyang kasamahan. “Maswerte ka at hindi malubha ang pagdugo. Kundi ay naubusan ka na bago ka pa madala ng alon sa buhanginan.”
“Is it... serious?” napapalunok kong tanong sa takot. Nanunuyo ang aking lalamunan.
H-Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan kong mahanap sina Tiyo Sergio! Kailangan kong malaman kung ayos lang sila!
Hindi sumagot ang lalaki at sinulyapan ang aking mukha. I haven’t looked in the mirror yet but I’m sure I looked very pale!
Umaga na at mukhang kagabi pa ako nagpalutang-lutang sa dagat kapit lamang ang isang balsa.
“Lalapatan ko ito ng unang lunas, pero dadalhin kita sa hospital,” saad ng lalaki sa seryoso at pinal na boses.
Lalo akong napalagok. Nasaan ba ako? Kung nasa lugar lang ako malapit sa kung saan nagsimulang maglayag ang yate, maaaring mahanap ako ng mga tao nila! Paano kung buhay pa sila katulad ko? Si Joseph Moore!
Paano kung magkita kami sa hospital na iyon?
“N-No...” mabilis kong sinabi.
Napatingin sila sa ‘kin.
“Hospital? Oo nga, Pierce, hindi naman yata kailangan na ma-hospital. Malakas naman siya. Nasampal ka na nga, eh!” saad ng isa nitong kasamahan.
Matalim itong tiningnan ng lalaki dahilan upang mapatigil ito.
“Kailangan mong magpa-hospital. Your wound might get an infection. At kung tama ang tantiya ko na higit labing dalawang oras ka sa kawalan, kailangan mong matingnan.”
“A-Anong lugar ba kasi ‘to? Hayaan n’yo na lang akong makaalis! May kailangan akong hanapin. Wala akong oras magpaospital!” I said frustratingly. I need to find my uncle! They need me! Sila ni Jemimah!
“Nandito ka sa isang isla sa La Esperanza, Miss,” sagot ng isa.
La Esperanza? Where the hell is that place? May ganoon bang lugar? Hindi ko pa naririnig ang lugar na ‘yon!
Laking Maynila ako. Wala akong alam sa mga isla! This might be the same place. Baka ito pa rin iyon! Kapag pumunta ako roon, baka naka-admit sina Tiyo. Pero maaari ding iba ang makita ko roon. Maaaring sila Joseph Moore o mga tauhan niya.
“Sa kabila pa ang hospital. Tatawid pa gamit ang bangka,” wika ng isa.
Hindi na nagsalita ang lalaki sa aking harapan, pasensyoso at nakinig lamang habang ginagamot niya ang sugat sa aking tagiliran. Nag-init ang mukha ko at bahagyang nairita dahil sa pagkalantad ng aking hita. At the same time ay sa hiya.
Oh, damn, Solana. Iyon pa ba ang iintindihin mo kung mamamatay ka na?!
Pagtapos malinis ang sugat ay may dumating ng may edad na babae kasunod ng lalaking nagsabi na may tatawagin kanina.
“Heto, Nang Perling. Galing sa dagat ang babaeng ito at natagpuan ni Pierce sa dalampasigan bago kami pumalaot sana.”
The lady went to my direction to check on me. Bahagyang nawala ang aking takot dahil sa presensya nito.
“Naku, oo nga’t kailangan nitong matingnan! Hindi natin alam kung ano ang nangyari sa kaniya kaya mas mabuting patingnan siya,” saad nito at tiningnan akong may pag-aalala na rin. “Ayos ka lang ba, hija? Halika’t magbihis ka para hindi ka lamigin. Lemuel, kumuha ka ng malinis na tuwalya at manghingi ka ng bestida kay Linda!”
Muli nitong binalikan ang aking kalagayan upang siguraduhing ayos lamang ako. I’m still cold. Yakap ko sa ‘king mga balikat ang damit ng lalaking sumagip sa akin sa tabing-dagat.
“Sigurado kang okay ka lang, hija? Baka nahihirapan kang huminga?” saad ng matandang babae at tinuyo ang aking buhok. “Mabuti na lamang at nakita ka agad ni Pierce! Awa ng Diyos ay humihinga ka pa!”
Nahagip ng aking paningin ang lalaking iyon. Matangkad ito at may magandang pangangatawan. His flawless moreno skin screamed masculinity. Ang mga mata ay seryoso. His jaw clenched a bit when he took a quick glance at my direction.
Kumuha ito ng isang malinis na long sleeves at sinuot upang ipares sa kupas na maong, hanging low on his waist. Sumulyap siyang muli ngunit nag-iwas ako ng mga mata.
“Ihahanda ko ang bangka,” paalam nito saka tuluyang lumabas sa kubong iyon.
I bit my lip.
Nasaan na ba talaga ako? Saang lugar ito? At bakit dito ako napadpad?