"wag mo akong titigan ng ganyan zorren.". matamis ang ngiting wika ni maleah.
.
ngumiti siya dito.
.
" i'm just curious, wala ka paring pagbabago since back then.anyway let's talk about budsiness, masyado akong busy para patagalin pa ang meeting na ito" walang emosyong wika niya dito.
.
kinuha ang brief case na kanyang dala at inilabas doon ang ilang mga dokumento.
.
narinig niyang tumawa si maleah.
.
"hindi ba muna tayo oorder ng food, ?".sabay tingin nito sa isang gold plated na relong nakasuot sa makinis at maliit nitong wrist.
.
"no need, hindi ko gustong makasalo ka sa tanghalian.". matigas ang kanyang boses at tiningnan ito ng deretso.
.
humalakhak si maleah.
.
"if i know mr. clowford noong mga bata pa tayo ikaw ang madalas magyaya sakin para maglunch.remembet.?".
.
nagdilim ang kanyang mukha sa kanyang narinig na sinabi nito.
.
"paumanhin ms. jackson iba ang noon at ngayon.nandito tayo para sa bussiness meeting at hindi para balikan ang karaan na matagal ng tapos.".
.
biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng babae.
.
"okay,kung ayaw mo munang maglunch tayo, mabuti pa nga sigurong tapusin na natin ng mabilis ang bussiness meeting na ito.". naging seryuso ang mukha ng babae,.
siguro ay upang hindi tuluyang mapahiya dahil sa kanyang sinabi.
.
.
hindi nagtagal ang naging meeting nilang dalawa ni maleah.
matapos maibalik ang mga dokumento sa kanyang brief case tumayo na siya at nagpaalam dito.
wala ng nagawa pa si maleah.
sinundan na lamang nito ng tingin ang likuran ni zorren habang papalabas ito ng pintuan ng private room,kung saan sila naroroon.
.
.
Nang makabalik sa kanyang opisina, mabilis siyang sinabong ni secretary Go.
.
"welcome back mr.president naging maayos po ba ang meeting niyo,siya nga po pala paumanhin po nakalimutan kong sabihing nagkaproblima si Mr.jackson kaya ang anak nitong si Ms.jackson ang makakameeting niyo." mahabang paliwanag nito.
.
sa kanyang narinig mula kay Ms.Go lalong nagdilim ang mukha ni zorren na kanina pa madilim pag alis niya ng restaurant.
.
ayaw niyang pagalitan si Ms.Go at isisi dito ang pagkikita nilang muli ni maleah kaya naman hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa kanyang opisina.
.
naiwan namang napasimangot si Ms.Go.
"kanina nginitian niya ko,ngayun mas madilim pa sa gabi ang mukha niya ang masaklap pa hindi ako pinansin."bubulong bulong na wika ni Ms.Go sa kanyang saraili.
.
hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ang secretary ni Mr.Edmond Clay.
.
"yang bago mong boss parang boss ko, sala sa init sala sa lamig, pero mas gusto ko yang boss mo bukod sa bata at mayaman na ay ubod pa ng gwapo.". bulong nito kay Ms.Go na tila ba kinikilig.
.
NAGTAWANAN ang dalawang secretary dahil sa sinabi ng huli.
..
.
.
.
Samalanta sa loob ng opisina ni zorren pabagsak siyang naupo sa upuan sa harap ng kanyang desk.
at kaysa isipin ang muling pagkikita nila ng taong kahit kailan ay hindi niya pinangarap na muling makita.itinuon na lamang niya ang kanyang pag-iisip at atensiyon sa trabaho.
kaya naman hindi niya namamalayang alas otso na pala ng gabi.
nagulat na lamang kasi siya ng sumungaw ang ulo ni Ms.Go sa pintuan ng kanyang opisina.
.
"Mr.President hindi pa po ba kayo uuwi.?"alanganing tanong nito.
.
napatingin siya sa kanyang oras.
at biglang napaling, sabayan pa ng pagkulo ng kanyang tiyan.
doon niya naalalang hindi nga pala siya naglunch dahil sa muli nilang pagkikita ni maleah jackson nawalan siya ng ganang maglunch.
.
napatingin siya kay Ms.Go na hindi parin sinasara ang pintuan ng kanyang opisina habang tila ba hinihintay ang kanyang kasagutan.
.
"sige na Ms.Go mauna kana,tatapusin ko lamang ito at uuwi narin ako.".
.
.
"sigurado po kayo Mr.President? kung ganoon po ay mauuna na ako. magingat po kayo sa pag-uwi.". magalang na wika ni Ms.Go.
.
tinanguan lamang niya ito.
nakita niya nawala na si Ms.Go at sinara narin nito ang pintuan.
.
doon nakaramdam ng pagud si zorren.
kaya matapos pirmahan ang huling dokumentong nasa kanyang harapan nagpasya na siyang umuwi.
.
dahil pagud at gusto niyang makapagpahinga ng maayos.
kaya naman sa kanyang bagong biling condominium malapit sa kanyang opisa siya tumuloy.
.
pinauwi narin niya ang kanyang driver, at siya na ang nagdrive ng kanyang sasakyan.
..
nakarating ni zorren ang kanyang condo.
dumiretso sa kanyang maliit na kusina at binuksan ang ref na naroon.
.
puno iyon ng mga pagkain.
naisip niya ang kanyang inang si carmen.
malamang ang ginang ang nag-utos nito.
napangiti si zorren bago kumuha ng juice at nagsalin sa baso.
.
nag-init ng loaf bread sa toaster at nilagyan ng palaman bago iyon kinain.
.
.
sapat na sa kanya iyon.
ang mapawi ang gutom na kanyang nararamdaman.
masyado na siyang pagud ng araw na iyon kaya wala na siyang panahong magluto pa.
marunong magluto si zorren isa iyon sa masasabing assit niya. natuto at nakahiligan niya ang pagluluto mula ng maging independent at mag-aral sa ibang bansa.
.
matapos kumain hinubad ang kanyang saplot.
kaya naman ang boxer short lamang ang natirang nakasuot sa kanyang katawan.
pagud na ibinagsak ni zorren ang kanyang pagal na katawan sa kanyang malambot na kama.
wala pang ilang minutong nakapikit ang kanyang mga mata ay tuluyan na siyang nilamon ng antok.at nakatulog ng mahimbing.
.
.
halos araw araw ganoon ang nagiging eksina sa buhay ni zorren.
papasok sa opisina,uuwi ng bahay matutulog, papasok ulit.
.
.
kaya naman subra subra ang naging pag-aalala ni carmen para sa kanyang anak.
sa dami ba naman kasi ng iniwang trabaho ng kanyang amang si zaldy talagang walang puwang ang salitang pahinga sa kanya.
isama pa ang mga taong gusto siyang maalis sa kanyang pwesto bilang CEO.
.
.
.
.
Pagkalipas ng mahigit isang buwan mula ng magumpisang magtrabho sa kanilang kompanya si zorren bilang CEO nagkaroon din siya ng pagkakataong makapaghinga.araw iyon ng lenggo.
ngunit dati pati ang lenggo ay ginagawa niyang lunes.
at dahil hindi naman siya papasok sa opisina.
hindi na siya nag-abala pang mag suot ng suit o desenteng kasuotan.
balak kasi niyang bisitahin ang kanyang matalik na kaibigan si meguel Lenon.
nagtatampo na ito sa kanya dahil mula ng dumating siya sa bansa hindi pa sila nagkikita.
si meguel Lenon ay ang nagiisa niyang kaibigang nakakaintindi sa kanya noon.
hindi masasabing kabilang sa mayayamang angkan ang pamilya ni meguel. hindi rin mahirap na gaya niya noong siya ay bata pa.
at ito lamang ang hindi lumayo sa kanya matapos mapahiya at pagtawanan ng kanilang mga kaklase noon dahil kay maleah jackson..
.
balita niya ay mayroon na itong sariling korean restaurant. na patok na patok sa masa.
affordable din ang lahat ng pagkain inihahain doon.
dahil sa mura na ay masarap pa.kaya naman kahit anong istado mo sa buhay ay pwede kang kumain sa restaurant nito.
.
susurpresahin niya ang kanyang kaibigan.
si zorren ay laki sa hirap. nagsimula ang kanyang pamilya sa wala,.
kaya kailan man ay hindi niya nakakalimutan iyon.
kaya kahit na sabihing ang kanyang pamilya ang nangunguna sa pinakamayamang angkan ngayon hindi parin nagbago ang kanyang ugaling mapagkumbaba.
.
oo nga at may pagkasuplado,sarkastiko at seryuso si zorren ito ay dahil sa kanyang trabaho kailangan niyang maging matigas upang igalang ng mga taong walang tiwala at respito sa kanya.
.
.
nakasakay sa isang bisiklita si zorren papunta sa restaurant ni meguel habang nakasuot lamang ng simpleng t-shirt at short.
ngunit kahit sabihin napakasimple lamang niya ng oras na iyon.
kapansin pansin parin ang kagwapuhan nito.
halos 30 minutes niyang binaybay gamit ang kanyang bisiklita ang lugar kong nasaan ang restaurant ng kaibigan.
kaya naman pawis na pawis ang buo niyang katawan.
isama pa ang alikabok na dumikit na sa kanyang balat.
dahilan upang magmukha siyang dukha.
bigla siyang napangiti sa sarili namiss niya ang bagay na yun.
.
nakangiting itinabi niya sa isang poste ang kanyang bisiklita at pinadlock iyon.
ng masigurong secured na ito nagpasya siyang pumasok na sa loob ng restaurant. ngunit bago pa mahawakan ang handle ng salaming pintuan ng restaurant isang hingal na hingal at tumatakbong babae ang walang pakialam na hinawi siya at tinulak ang pintuan ng katawan nito.sabay ngiti sa kanya ng nakakaluko.
.
" nauna ako, .?" wika nito at walang pakialam na nauna ng pumasok sa loob.
.
napailing si zorren.alam naman niyang hindi maiiwasan ang mga ganong eksina lalo na sa mga ganoong lugar.
pero ang isang yon leteral na bastos talaga.
napailing na lamang si zorren sa kanyang sarili.
napapailing na pumasok narin sya loob.
.
.
medyo maingay ang loob ng trestaurant,kumakain habang nagkukwentuhan ang mga taong roon ang ibay nagtatawanan pa.
kaya halos wala na ding bakanteng upuan.
doon lamang niya naalalang sahod nga pala ng araw na yon.
kaya marami ang kumakain sa mga ganoong restaurant. buti na lamang pala at bisiklita ang kanyang ginamit pupunta doon kung hindi.wala siyang mapagpaparkingan.
.
.
nagpalinga linga si zorren sa loob ng restaurant naghahanap ng bakanteng mauupuan.
.
.
sa sulok nakakita siya ng pangdalawahang bakanting upuan.
nakangiting nagmamadaling nilapitan iyon.
ngunit bago pa siya makaupo,
isang babae ang mabilis na naupo sa isa sa upuang naroon.
napakunot ang kanyang noo.
at nagdilim ang mukha ng makitang ang babaeng nagtulak sa kanya sa pintuan kanina bago pumasok sa restaurant na yon ang babae nanamang inunahan siya sa bakanteng mesa.
.
"pano ba yan nauna uli ako.". nakakalukong ngumiti pa ito.
.
.
" nauna ako sayo. ". malamig at medyo napalakas ang kanyang boses.
dahilan upang mapalingon sa kanila ang ibang mga kumakain roon.
.
."nauna ka pero ako ang naunang nakaupo.".
.
aba at talagang nagdadahilan pa nga ito sa kanya.
.
" Ms. alam nating pareho na nauna ako.'' nagtitimpi sa inis si zorren ng mga sandaling iyon.
.
.
" kung gusto mo di maupo kana dyan. bakante naman yang upuan na yan.". inginuso nito ang isang upuang bakante sa harap nito..na tila ba walang pakialam sa kahit anong sasabihin niya.
.
"hindi ako sanay kumain ng may taong kasabay ng hindi ko naman kilala.". gigil na wika niya dito.
.
" aba mester problema mo na yon.at saka tingnan mo nga yang sarili mo mukhang mas dukha kapa sakin pero makapag-inarte ka diyan,. hindi mo bagay kaya maupo kana dyan. tingnan mo lahat ng mesa dito okupado na kaya wag kanang mag-inarte dyan, at isa pa wala akong sakit na nakakahawa." .dahil sa sinabi nito halos lahat ng mga kumakain doon ay napatingin na sa kanila lumapit na din ang ibang mga waiter at waitress.
.
"may problema po ba.?" tanong ng sa tingin niya ay manager ng restaurant.
.
"naku wala po masyado lang nagiinarte tong ma'ma na to. ". mabilis na sagot ng babae.
.
dahilan para mas lalo siyang mainis.
.
"oy mester maupo kana diyan at wag ng gumawa ng eksina.saka parepareho lang tayong customer dito.".
.
.
mas lalong nagdilim ang mukha ni zorren.
" tama ba ang narinig niya tinawag siyang OY ng isang ito.".
.
" sir, okay lang po ba sa inyo,maupo na po kayo, pasinsiya na po wala na po kasing bakanteng mesa kong magkakaroon man po ay matatagalan pa.at sa tingin ko ay wala naman po kayong kasama, ganon din po si ma'am.". magalang na wika ng manager.
.
.
" upo na,wag kana mag inarte diyan hindi mo bagay. " . sabay turo nito sa upuang nasa harapan nito.habang patuloy sa pagnguya ng buble gum.
.
kunot ang noo at inis na inis siya sa babaeng ito.
.
" pero kong mapera ka lumipat ka nalang doon, ayon oh walang kumakain doon.". itinuro nito ng nguso ang nasa kabilang bahagi ng restaurant may class ang restaurant na iyon.at puro mamahaling sasakyan ang nakaparada sa harap niyon.
.
madilim ang mukhang naupo si zorren sa upuang nasa harap ng babae. at tinitinig ito ng matalim.
nakita niyang ngumisi ito.