Chapter 37 Halos zombie na si Tristan ng makarating sa airport, kakatapos lang niyang iendorse ang lahat ng pasyente niya at nagpahatid siya sa pinsan niyang si Micheal. Buti na lang at dinala na niya ang mga damit niyang gagamitin sa bakasyon sa thirty six hours niyang duty as a contingency plan, just in case na wala na siyang oras pumunta pa sa condo. At isa na rin sa pinapasalamat niya ay pagkakaroon ng pagkakataong maligo sa doctor's quarters nila. He was wearing his favorite band t-shirt and a pair of jeans. Aakalain mong pupunta lamang siya sa mall sa suot niya. Ayaw na niya mag-isip dahil halos matulog nalang ang gusto niyang gawin. Pagdating niya ng airport ay halos tatlumpung minuto nalamang ang nalalaan bago magtawag ng boarding ang earoplanong sasakyan niya. Nagmamadali na si

