Chapter 30 A/N: sweet love, hindi erotic love stories ang sinusulat ko...hanggan kilig lang habang di pa kasal...yun lang masasabi ko...I'm so traditional but there's nothing wrong with that especially sa panahon ngayun. Flowers and confetti, yun ang unang sumalubong kay Britney ng pumasok siya sa entrance ng Teacup restaurant na kakainan nila ni Lucas sa gabing iyon. Hindi iyon inasahan ni Britney kaya naman nasurpresa siya. Akala kasi niya simpleng dinner lang ang ihahanda ng binata, ngunit pati mga magulang at mga matalik na kaibigan nila ay naroroon. Kaya naman abut tenga ang ngiti niya ng lumapit na isa isa ang mga kaibigan niyang naimbitahan ni Lucas. Mostly hospital staff and Nurses ang naroroon. At napuno ang restaurant ng mga bisita nila. May congratulatory cake din na napakacut

