Chapter One

1080 Words
Chapter 1 Sa panahon ngayon, pag-ibig nalang ang libre. Libreng bigay na chocolates pagnililigawan palang. Libreng hatid sundo with matching miryenda sa pinakamalapit na canteed. Libreng teddy bear at roses tuwing sasapit ang valentines, Libre ang kilig sa bawat text at message ng pag-aalala or bati tuwing umaga, tanghali at gabi ng taong nagpapasaya natin. ganyan kababaw ang pag-ibig. Ganyan parati ang nasa isip ni Britney. Pag-ibig is equal to katangahan. Dahil minsan sa kanyang buhay naging tanga na din s'ya dahil sa libreng pag-ibig. Britney, ironic na pangalan. Paborito kasi ang singer na iyon ng kanyang ina nang pinagbubuntis pa lamang siya nito. Her mother got pregnant at a very young age. At dahil nabulag ang kanyang ina sa pag-ibig na libre umasa itong pananagutan siya, which never happened. Ano pa nga ba ang aasahan ng kanyang ina sa biological father ni Britney, who at their time was a varsity super star. Lahat yata nang babaeng lalapit dito noon ay papatusin nito. Malas lang ng ina n'ya at nabuntis ito. Her mother was a business administration student she doesn't have a clue about her reproductive cycle. Although her mother would always argue na hindi naman siya isa sa mga naging babae nito. halos isang taon daw siya nito niligawan. And she became his girlfriend for three months and then she decided to just quit kasi Britney's dad was a walking d**k-head. And it was too late when she knew about her pregnancy. Nilunok nalang nang kanyang ina ang kahihiyan, habang lumalaki ang tyan n'ya at pinagpipyestahan ng chismis sa buong university. While her father was jumping and dumping one girl to another, but he learned from getting Britney's mom pregnant though. He never impregnated another woman in his race as a college student. Malakas ang loob ng ina ni Britney, bagay na namana niya galing dito. Nagtapos ito kahit nabuntis pa ito sa maagang edad. Kinapalan nito ang kan'yang mukha kahit nasasbihan pa ito ng kaniyan mga kaanak na disgrasyada. Paliwanag niya kay Britney noon, "hindi maitatama ng isang mali ang kanyang katangahan." Kaya hayun nagtapos ito na may trophy (si Britney), medalya (as a Suma Cumlaude) at diploma (B.S. Business Administration major in accounting). After nitong mag-graduate sumabak agad ito sa pagtatrabaho upang mairaos silang mag-ina, ngunit hindi nito hinayaang mawalan siya nang oras para sa anak. Fascinated ang kanyang ina sa mga antiques. Kaya naman nang nakaipon ito nagbukas siya ng art at antique shop na nagging patok naman sa mga mayayaman nitong kaklase. Scholar kasi ang kaniyang ina noon sa isang pangmayaman na paaralan. Sideline din nito noon ng gumawa ng mga project ng kaniyang mayayamang kaklase kaya naging popular din siya hindi lang sa kanilang batch kahit sa mga sumunod pang batch nila. Hindi hinayaan ng kaniyang ina na si Geraldine na malugmok nalang ang sarili ng nabuntis ito nang kan'yang biological father. And as for her father, sa pangalan lang naman kasi niya kilala ang ama, sa dyaryo at sa lumang lumang litratong ipinakita sakanya ng ina noong bata pa lamang ang mga ito. Until she met the man personally when she turned 23 years old. Sa taon din kasing iyon naging ganap na siyang Doctor and she topped the physicians' board exams. Sumikat lang naman siya kasi isa s'ya sa pinaka batang naging Doktor sa buong bansa. Yes, nakatapos siya sa kursong medisina ng walang natatanggap na anu mang tulong galing sa kan'yang ama who at that moment was on his second term as a Senator ng bansa. He could have been with her since day one. But he chose not to be, while her mother had to work double shift in a call center company at patakbohin ang negosyo niya upang maayus na mabayaran ang gastusin nilang mag-ina at ang percentage niya sa tuition fee which was only 25%. Ngunit sa eskwelahang iyon halos buong buwang sahod na ng ina ang pinambabayad nila on a three month basis para lang makapag-exam siya. Isang daang prosyento na din sana iyon, pero dahil sa libren pag-ibig, minsan ay naging tanga din siya. Hindi na nakuhang mag-asawa pa ng ina ni Britney, para anu pa? She got pregnant at the age of 17, a sophomore student at that time. Kinailangan din niang ipasok nang maaga si Britney sa Nursery, the reason why she graduated her course at a very early age. Nasa 4th year noon si Geraldine at kailangan nitong iwan ang anak sa nursery sa umaga, pakainin ito ng tanghalian at sundoin ito roon pagdating ng hapon. Sa sitwasyon ng ina naunawaan din naman siya ng mga tagapangasiwa ng institutiong iyon kaya't hinayaan na lamang nila na palaroin at alagaan sa paaralan ang batang si Britney, who at the age of 2 and a half already know how to patiently wait for her mother to come and pick her up. Masiyahin ang kaniyang ina bagay na tumulong din dito upang malagpasan ang unos na sumubok sa kanyang katatagan. Maayus na din sana ang takbo nang kanilang buhay noon. Nagingmaganda na ang takbo nang kanilang negosyo. Nakapasok na din sana si Britney bilang isang eskolar sa paaralan kung saan din siya nag-aral ng kolehiyo at nakapagtapos. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakuha din yata ni Britney ang katangahan ni Geraldine padating sa libreng pag-ibig. Hindi naman nabuntis ang kaniyang anak, it just caused them her full scholarship. Britney was caught doing a report for a guy who was two classes her junior but was older than her during that school year. Katulad ni Geralding Boyfriend din ni Britney ang lalaking iyon at iniwan din siya nito sa ere, saying that he was paying her to do his projects and she had been doing it since a year before. Ginagawa nga iyon ni Britney, ngunit hindi na nito kailangan pang magbayad dahil sa libre nga ang pag-ibig. Mabuti nga lang at na napakiusapan pa ni Geraldine ang Presidente ng Eskwelahan na huwag paalisin ang anak. Matalik na kaibigan din kasi ito ng kaniyang ina noong nag-aarl pa lamang sila. Kinailangan ni Geraldine mamasukan bilang Call Center agent at that time dahil binawi ng paaralan lahat ng benefits ng anak sa pag-aaral nito. Although her scholarship came back once she topped her exams the next semester naging partial nalang ito. At kahit naging qualified pa siya na maging Suma c*m Laude sa grades nito ay hindi na ito pinagbigay alam sa publiko ng paaralan bagkus sa papel na lamang nila ito isinaad. ------- Comment po kayo. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD