Buy Weena's POV PAGKATAPOS kong kumain ay naglipit na 'ko ng aking mga kalat at hinugasan na rin ang mga ginamit ko. Pagkatapos 'non ay naglinis na rin ako ng aking katawan. Napabuntonghininga naman ako at masyadong sinasakop ng mga adonis ang aking isipan. Nakapagtataka nga kung bakit naghihinala si Madam Esperanza sa mga 'yon. 'Isang malaking kasalanan ang makasama ang mga gano'ng lalaki dahil magkakasala talaga 'kong hindi mapanganga sa kagwapuhan nila. Literal na book of sin ang ibinigay sa 'king libro ni Sir. Burgos. Kumpletong-kumpleto rin ang mga detalye at nando'n din kung ilan ang kanilang mga past relationships pati na rin ang sizes ng kanilang ibaba.' Napakamot na lang ako sa 'king buhok at mabilis na itinapos ang paglilinis ng aking katawan at nakapagpalit na rin ako ng ak

