Revelation Weena's POV MABILIS NA TUMAKBO ang mga araw. Aalis na si Tita Elly bukas at sobrang lungkot ko rin na magkakahiwalay na kaming dalawa ngunit para naman sa kasiyahan niya'y titiisin ko na lang. "Anak, 'yong mga bilin ko sa 'yo'y huwag mong kalilimutan. Pakipunasan din lagi ang mga lalagyan ko ng collection ng pirated K-Drama CD's ko. Bilang ko ang mga 'yan kaya't huwag kang magtatangkang ibenta 'yan," bilin niya sa 'kin. Napanguso naman ako. Mas inalala pa talaga ang mga collection ng pirated na K-Drama CD's kaysa sa 'kin. 'Bakit mukha ka bang Korean? Magdusa ka! Hindi naman puwede sa 'yo lagi tatakbo ang story,' singit ng aking Inner Goddess na sobrang nakakainis. "Opo! Mahal na mahal talaga, eh?" nayayamot kong turan na ikinatawa naman ni Tito Manuel. Patawa-tawa ka pa

