D'VILLA's COFFEE... Nandito na kami ngayon sa loob ng D'Villa's coffee shop at hawak ko ngayon ang isang card menu kung saan nakalagay ang lahat ng pwedeng i-order dito. Pumipili ako ng kapeng i-oorder ko no'ng marinig kong magsalita ang kaharap kong si Jethro. "Ahm, ako na lang ang magbabayad. Hindi naman siguro nito mauubos ang sahod ko," sabi nito na siyang naging dahilan para maibaba ko ng bahagya ang hawak kong menu at ilapag ito sa mesang nasa harapan namin at pumapagitna sa aming dalawa ngayon. "No, don't bother, my treat," sagot ko naman dito bago ako ngumiti sa kanya. Nakita ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo nito bago tuluyang magbaba ng tingin, sa tingin ko ay nahihiya ito sa akin dahil sa sinabi ko kaya naman kaagad ko nang iniba ang usapan. "Ah, mahilig ka ba sa coffee

