Kabanata 26

2037 Words

"Kiara...Kiara." Naimulat ko kaagad ang mga mata ko no'ng marinig kong tawagin ng isang boses ang pangalan ko. Napabalikwas na rin ako ng bangon at mabilis na iginala ang paningin ko sa paligid. Napalunok na lamang ako no'ng wala naman akong makitang ibang tao rito sa loob ng kwarto ko. Pero nangunot ang noo ko no'ng sandaling magbaling na ako ng tingin sa pusang si Chase, nakapagtataka lang na gising siya ngayon at para bang nagtataasan na rin ang mga balahibo nito sa katawan. Napansin kong nakatingin lang siya sa bintana ng kwarto ko kung saan mayroong nakasabit na cream colored curtain. Tumitig na rin ako sa bintanang tinititigan ng pusang si Chase, pero wala naman akong nakikitang kakaiba. Hanggang sa marahan ko na lamang nahaplos ang aking mga braso dahil sa sobrang lamig na narara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD