Nagising si Anna na hinahanap kaagad ng mga mata ay si Brett, pero nalungkot siya ng hindi niya makita ang lalaki sa loob ng silid. Pupungay-pungay ang mga mata ng dalaga na bumangon mula sa kinahihigaan nito, at kaagad dinampot ang mini clock sa bedside table upang tingnan kung anong oras na ba. Pasado alas otso na ng umaga, mataas na rin ang sikat ng araw na tumatama sa glass door ng balcony. Binalik ni Anna ang mini clock sa bedside table, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa balcony. Hinawi ni Anna ang kurtinang nakatabon sa glass door upang salubungin ang sariwang hangin mula sa labas. Panibagong araw, panibagong lungkot na naman para sa dalaga sapagkat hindi niya kapiling ang anak. Ang aga-aga pero naiiyak na naman siya. Hanggang kailan ba siya maghihintay na maibalik ang ana

