Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Masaya dapat kasi alam kong hindi siya naging customer sa club na pinagtatrabahuhan ko pero mas naguluhan ako kung bakit naman nandoon ang mukha ko sa painting. “T-teka… paano nangyari ‘yon?” kahit ilang beses kong titigan ang painting na nasa harap ko ay hindi pa rin mawari ang mga katanungan na namumutawi sa aking isipan. Bakit nga ba nandyan ang mukha ko?! Sa kanya ‘tong gallery ‘di ba? Hindi kami magkakilala kaya paanong nangyari ‘to?! Coincidence lang siguro ito! Nagkibit-balikat siya. “I don’t know kung kamukha mo pero iyong partner ko dito sa art gallery ang gumawa niyan.” sabi na nasagot kaagad ang dapat kong itanong. “Huh? ‘Di ba sayo ‘tong event?” hindi ko mapigilang hindi mautal. Mabilis siyang tumango. “Oo pero hindi lang

