Prologue:
Fairytales are just all lies. It doesn't exist and it will never ever exist.
Not until...
I stepped in Place where all the things are elegant and made of golds. Music from out of nowhere is so fascinating, woman from there are all wearing expensive dresses and gowns. All of men are dancing in elegant way, they look all freaking god. The way they move, stand and even their posture is a sign that they are came from elite families.
The sound of orchestra made the place more magical. The place looks like a palace from the interior and architectural design.
Mukhang gawa lahat sa mga mamahaling materyales. Parang ipinasadya para sa isang napakahalagang tao. Kombinasyon ng ginto at pulang kulay ang namayani sa lugar. Ang dim na kulay ng paligid ay nagmumula sa napakataas na ceiling at mukhang mamahaling mga chandeliers. Hindi ko maintindihan nasan ba ako?
Unti-unting nahawi ang mga nagsasawayan sa gitna ng tarangkahan at mula sa labas ng palasyo ay pumasok ang isang lalaking nakasuot ng mamahaling kasuotan. Ang mga mata nito'y kulay bughaw at ang tenga nito'y naka-piercing at may kumikinang na bato. Papalapit ito sa akin at huminto sa harap ko para yumukod sabay kuha ng kamay ko at hinalikan iyon ng bahagya. Akmang aagawin ko ang kamay ko ng may isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong paligid.
"Kiss her again and I will throw you out of my world, Azalem."
Inilibot ko ang paningin sa paligid ngunit hindi ko alam kung kanino galing ang boses na iyon. Hindi ko alam pero parang gusto ko umiyak. Gusto ko magtatatalon sa tuwa, hindi ko maintindihan pero parang ang saya-saya ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Ano bang nangyayari?" naguguluhan ako. Una, hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Pangalawa, nasaan ako? Pangatlo, sino ba itong nga taong ito? Ni wala akong kakilala ni isa. "Don't fall for him." wika nito bago tuluyang umalis at pumunta sa mahabang mesa na pinagsasaluhan ng mga taong mukhang mayayaman. Nahihiya akong napayuko dahil halos lahat ng mata ng mga tao ay nakatuon sakin.
"s**t! Kailangan kong makaalis dito!" bulong ko sa sarili at naglakad ako papalabas ng tarangkahan kung saan pumasok ang lalaking may bughaw na mata. Nakapagtataka dahil pamilyar ang iba sa akin pero sigurado akong ngayon ko lang sila nakita.
Nagmamadaling tumakbo ako sa kulay asul na pinto. Malaki ito at kung ano man ang nasa loob nito ay hindi ko na inalintana.
Nawala ang magandang musika na mula sa labas. Ngunit namamanghang napatitig ako sa loob ng silid. Pula, ginto at itim ang kombinasyon ng kulay sa paligid at napalilibutan ito ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak na ngayon ko pa lamang nakita. Nakapagtataka, nasaan ba ako?
Papaanong napunta ako sa ganitong kagandang lugar? Nabaling ang atensyon ako sa Isang napakagarang gintong aparador. Tila ba ay tinatawag ako nito. Hindi ko mapigilan ang sariling lumapit at tignan ang laman noon.
Hindi ko maintindihan ang sarili magkahalong kaba, saya at lungkot ang nararamdaman ko habang minamasdan ito. Hindi ko namalayang umiiyak na ako.
"Para saan ba ito? bakit ako umiiyak?" Wika ko.
Nang tangkang bubuksan ko na ang aparador ay halos mapatalon ako sa takot at kaba ng biglang lumabas doon ang Isang lalaki.
Gulat itong napatitig sa akin ngunit napawi ito agad at ngumiti. Bakas sa mukha nito ang saya.
"Masaya akong makita kang muli mahal kong---" at akmang yayakapin ako ngunit biglang dumilim ang paligid at isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong silid.
"Don't. Touch. Her."
Wika ng Isang boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Tsk." nakangisi at napapailing na wika ng lalaki.
"Too possessive." natatawang dagdag pa nito.
"Masaya akong makita kang muli, Lily." nakangiting bati nito. Napatulala nalang ako habang pinagmamasdang mabuti ang mukha nito pati ang kakaibang kasuotan nito.
Ganito ba talaga ang mga tao dito?
Napakagwapo.
"S-sino ka?" naglakas loob na wika ko.
"Nasaan ako?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Napatitig ito sa akin at napakunot ng noo.
"It's me. You're Prince." wika nito at isang napakalalas na kulog at kidlat ang narinig sa buong paligid.
Napahalaklak ang lalaking may pulang buhok at napapailing. Mukhang nasisiyahan ito sa kung ano.
"Too obvious. Too inlove." wika nito at kumindat bago ako nilagpasan at lumabas sa silid.