FREDA'S POV "STOP HIM…" sambit ni Hani kaya napatingin ako sa gawi niya habang sarap na sarap sa milktea na kaniyang iniinom. Naka-sumbrero ito at simpleng t-shirt at pants. "Seriously, Hani… lagot ka kay Leyson kapag nalaman niyang andito ka na naman sa Pilipinas." Imbis matakot ay tumawa lang siya sa sinabi ko. Itong batang ito talaga, hindi ko alam kung paano ako nakakasabay sa mga trip niya sa buhay. "Com'on, Ate Ysa! I know you wouldn't dare tell him my whereabouts, and don’t change the topic here. Look, your good for nothing husband was doing some flirtatious things with that b***h!" Tinignan ko naman ulit ang tao na nasa kabilang mesa lang namin ni Hani. It was Daniel, my husband and Era, the famous gal in the campus, kasama ang mga alipores nitong akala mo a-attend ng children

