Jeff and Joseph

2077 Words

Chapter 36 THIRD PERSON'S POV Pagkatapos ibigay ni Vince ang mga kape nila ay pumasok narin sya sa loob ng kwarto para magpahinga Binaba nila ang kape sa lamesang nasa harapan nila dahil mainit pa ito "Kapag talaga nakita ko kung sino ang pumapatay ay gigilitan ko sa leeg," galit na sabi ni Jeff. "Sino bang hula niyo?" Tanong ni Rey. "Mahirap mag turo pre. Kung sila Yassy ang gumawa nun dapat may narinig si Jasmine kaso wala, eh," sagot ni Joseph. "Paanong maririnig ni Jasmine, eh tulog na tulog siya. Hindi lang naman sa pagkain mahilig ang matabang yun, sa tulog rin," ani ni Jeff. "Sabagay," sagot ni Joseph. Nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabi ni Jeff. "May gusto nga pala akong itanong sayo, Rey." Tumingin si Jeff kay Rey. "Tungkol ba yan kay Vince?" Tanong ni Rey.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD