Scammed

2296 Words
Chapter 36 CHESKA'S POV Gusto kong batukan si Vince dahil sa inis. Ako na nga itong concern sa kaniya tapos siya pa ang mag su-sungit. Itulak ko siya sa apoy ng masunog siya, eh Para mawala ang pagka-bad trip ko ay tinuon ko nalang ang atensyon ko sa nag sa-salita. Si Jayne pala ang tina-tanong hindi ko man lang napansin "I want to share my life sa mga dumaang year, nothing's new naman actually. Puro meetings, vacation, fancy dinner and problems since ako na ang nag ha-handle ng company namin." Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Hindi pa ba siya titigil sa pagpapanggap na okay pa ang buhay nila? Ewan ko rin naman sa parents niya, dalawa ang anak pero sa panganay binigay ang kumpanya. Ayan tuloy, bumagsak hahaha! Dati pa naman nila alam na boba ang anak nila pero pinagkatiwalaan parin nila "Pero totoo ba talagang pabagsak na ang company niyo? Simula ng mag rise ang company ni Elize sa inyo ang bumagsak?" Tanong ni Joy. "My gosh! Ilang question pa ba? Kanina niyo pa tanong yan, ha." Tumingin siya kay Elize. "No offense Elize ha, pero hindi kasi kayang patumbahin ng company mo ang company na tinayo ng parents ko. Sa experience palang diba?" Confident na sabi niya. Bilib din talaga ako sa kaniya. Mukhang kahit mag hirap siya ay mayabang siya. Ano pa bang aasahan sa kaniya diba? "Tama ka naman, sobrang layo nga naman ng experience ko diba. Siguro bored lang yung mga investors niyo kaya lumipat sila sa company ko," ani ni Elize. Natawa kami dahil sa pabirong way niya ito sinabi. I like her na ha! Nabara niya si Jayne! "Next na," Samuel said. Kj, kunwari pang night in shinning armor manloloko naman pala "Si Cheska na," Kiya said. Ako na pala ang susunod hindi ko napansin! Hindi ko tuloy napag-isipan ang sasabihin ko sa kanila "Wala akong isha-share. Okay naman ang career ko, sa love life bokya kasi hindi naman ako nag bo-boyfriend ng kung sino-sino lang," I said. "Ano na nga ulit yung trabaho mo?" Tanong ni Jayzie. "Well manager lang naman ako sa isang kilalang company pero hindi ko na sasabihin kung saan." "Bakit naman?" Tanong ni Nelson. "Baka hindi totoo yan, ah," Julie said. Tsk, atribida talaga siya no? "Bakit masama na bang mag keep ng privacy?" Sagot ko sa kaniya. "Malalaman din naman namin si bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" Tanong ni Eyra. "Bakit ba kating-kati kayong malaman kung saan ako nag ta-tabaho?" Kunot noong tanong ko sa kanila. Sh*t! Anong sasabihin ko sa kanila! Wala naman akong alam na company! "Baka kasi sa grocery store ka lang nag tra-trabaho," Matty said. "Baka hindi kasi pwedeng ipagsabi kaya ayaw sabihin ni Cheska," singit ni Elize. Mygod! Buti nalang at sinabi niya yun! "Yes kaya pwede ba, next question," I said. "Bakit pala manager ka palang?" Tanong ni Ariel. "Because kasisimula ko palang. Umalis kasi ako sa dating work ko, ang hassle kasi ng boss ko. Matanda tapos may gusto sakin! Like eww, I'm not a gold digger. I can make my own gold," I confidently said. "Oww!" "That's the spirit!" Sigaw niJelly. "Kaya mong gumawa ng gold?" Tanong ni Rain. Napa-iling nalang kami sa kaniya. Hindi na ata madadagdagan pa ang utak niya "Next na," Kiya said. Para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi na ako ang malalagay sa hot seat. Hindi ko na rin alam ang isa-sagot ko dahil lahat naman ng sinabi ko ay hindi totoo at sobrang layo sa totoong buhay ko Habang kumakain kami ng dinner ay ramdam ko na wala sa pagkain ang utak ng parents ko "May problema po ba?" Tanong ko sa kanila. "Wala naman anak, kailan pala ang simula ng trabaho mo?" Tanong ni mommy sa'kin. "Bukas na po," excited na sabi ko. Hindi pa ako nag sa-sarili dahil hindi naman kailangan since malapit lang dito ang napasukan kong trabaho. Only child lang din ako kaya mas gusto nila kung nandito lang ako sa bahay "That's good. Galingan mo anak para ma-impress ang boss mo sayo," "I will dad," masayang sabi ko. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako para mag beauty rest. Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag handa ako sa first day of work ko. Pagkatapos kong mag-ayos at kumain ay pumasok na ako dalawang buwan ang dumaan. Okay naman ang lahat para sa'kin, hindi ko man lang napansin na may mali na palang nangyayari sa buhay namin Kumakain kami pero ramdam ko ang bigat na nilalabas ng parents ko. Parang may mabigat silang problema? "Mom, dad may problem ba?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Biglang umiyak si mom kaya nagulat ako. What's happening! "Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko. "Wala na tayong pera," dad murmured. Sa sobrang hina ng boses niya ay halos wala na akong narinig. "What?" I asked. "Wala na tayong pera." Mas lalong luamkas ang iyak ni mom dahil sa sinabi ni dad. Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko "What? Paano nangyari yun?" I asked. "Ininvest namin ng mama mo ang lahat ng pera natin sa isang scammer. Akala kasi namin totoo ang sinasabi niya. Nakipag-cooperate pa siya samin ng isang buwan at binalik ang pera natin ng doble last month kaya nag invest ulit kami ng malaking halaga pero last week lang hindi na namin siya ma-contact." Naka-yukong sabi ni dad. Tumayo si mom at tumakbo palabas ng dining area habang umiiyak "What?!" Napatayo ako dahil sa narinig ko. "H-hindi p-pwede yun." Umiiling na sabi ko. "Bakit hindi niyo man lang tinanong sa'kin!" Hindi sumagot si dad at nanatili lang na nakayuko "Paano niya tayo niyan ngayon?!" "Kailangan na nating umalis sa bahay na to." "Bakit? Don't tell me sinangla niyo ang bahay natin?!" Umiling si dad sa tanong ko. "Kailangan nating ibenta para may pambayad tayo sa mga taong inutangan namin ng mommy mo." Umupo ako sa upuan dahi para akong mawawalan ng malay sa mga nalalaman ko. Please, sana gisingin na ako sa bangungot na to! Hindi ko kayang maging mahirap! Dumaan ang gabing yun na parang naka fast forward ang lahat. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatira na sa squaters area, kahit pagkain ay hirap kaming bilhin samantalang dati ay kahit anong pagkain ang gustuhin ko ay nakakain ko. Hindi ko narin pinansin ang mga magulang ko pagkatapos ng araw na iyon dahil kasalanan naman nila kung bakit kami naghi-hirap ngayon Mabuti nalang at nakita ko si Rain. Nakakabili ako ng mga gamit na gusto ko at nakaka-kain parin ako sa mga restaurant dahil sa kaniya. Siya ang nagbabayad sa lahat ng gagastusin ko. Mabuti na nga lang at mahina siya sa math. Hindi niya napapansin na na hindi ko nababayaran ng tama ang mga inu-utang ko sa kaniya Pag-alis ko sa island na to sigurado akong malaki ang chance na malaman nila ang sikreto ko pero hindi ko hahayaan yun. Kung kinakailangang ibenta ko kay satanas ang kaluluwa ko ay gagawin ko para lang hindi nila malamang mahirap na ako. O kaya naman patayin ko nalang kaya sila? Para wala ng lalabas sa isla na to kung hindi ako lang, hihi *********************************** JULIE'S POV Kung iba siguro ang kasama ko sa vacation na to ay baka ma-relax pa ako, kaso hindi. Imbis na marelax ay inis lang ang nararamdaman ko "Ikaw na Julie," ani ni Jeff. "Hmm. Wala rin naman akong isha-share. Ganon parin ang buhay, buhay reyna. I don't have to work kaya puro ako gala, shopping. My gosh! Nakakapagod din palang puro ganon no?" Sagot ko. "Boring naman pala ng buhay mo," Jayne commented. Gusto ko siyang sagutin. Alam kong inggit siya sa'kin, ganitong buhay kaya ang gusto niya. Puro lang shopping at vacation. Wala lang siyang choice dahil paborito siya ng yumao niyang grandmother kaya sa kaniya binigay ang company "No, ang saya kaya. Wala akong problemang iniisip," sagot ko sa kaniya. "Pero kawawa ka kapag bumagsak ang company ng family niyo no? Kasi wala kang money na sarili so kapag bumagsak ang company niyo, bye luxury life," Elize said. "Kaso hindi pa naman nangyayari," sagot ko sa kaniya. Inggit much? Kung ako sa kaniya hindi narin ako mag tra-trabaho dahil may fiance naman siyang mayaman "Love life mo? Anong lagay?" Tanong ni Jasmine. "Wala, masarap kasing maging single," sagot ko. "Anak, wala ka? Parang nakita kasi kita noong nakaraan may dala kang bata," Rain said. Hindi agad ako naka-sagot sa tanong niya. What the hell! Kaya ayokong lumabas ng bahay kasama ang anak ko, eh! "Anak lang ng cousin ko," palusot ko. Hindi naman sa kinahihiya ko siya pero ayoko lang na malaman nila na ginawa akong pambayad utang ng mga magulang ko Masaya akong pumasok sa loob ng mansion namin. Kakauwi ko lang galing ng Paris, nag shopping ako dun at nag relax "Nasaan ang ibang kotse?" Tanong ko sa katulong na nasa harapan ko. Bago pa siya maka-sagot ay narinig ko na ang boses ni mom na pababa ng hagdan. Kasunod niya si dad na seryosong nakatingin sa nilalakaran niya. Nothing's new, lagi namang seryoso si dad. Ang nakakapanibago ay pati si mom seryoso nadin and I can feel that something is wrong "Mag handa ka, aalis tayo mamayang gabi," mom said. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "Basta. Magbihis ka ng maganda," sagot niya lang sa'kin bago ako lampasan. "Saan tayo pupunta dad?" Tanong ko kay daddy. "May ime-meet tayong business partner," sagot niya sa'kin. "And bakit kailangan kasama pa ako?" I asked. "Dahil kailangan ka namin dun. Magpahinga ka na muna." Hinawakan niya ang ulo ko bago sumunod kay mommy. Sinunod ko ang utos nila. Pumili ako ng magandang damit, nag-ayos din ako kahit kinakabahan ako sa meeting na sinasabi ng parents ko Wala pa ang mga ka-meeting nila mom pagdating namin sa restaurant kaya nag order na ako. Ayaw pa nila mom kaya bahala sila, basta ako gutom na Hindi pa nakakarating ang inorder ko ay dumating na ang ka-meeting nila dad. Dalawang ka-age nila mom and dad, sa tingin ko ay mag asawa sila at isang lalaki na sa tingin ko ay matanda lang sa'kin ng tatlong taon Kumain na muna kami dahil yun ang sabi ng mga ka-meeting nila dad. Mabuti naman dahil gutom na gutom na talaga ako Hindi ako nag sa-salita hanggang matapos kami. Tanging tango at ngiti lang ang binibigay kong sagot sa kanila "So tungkol nga pala sa kasal." Napahinto ako ng sabihin yun ng babaeng kaharap namin. Anong kasal? Magpapa-kasal ba ulit sila mom and dad? "Kailan mo ba gustong ganapin ang kasal niyo ija?" Tanong sa'kin ng babae. "Ako po? Wala pa po akong boyfriend," alangan na sagot ko. "Pero may fiance ka na. My son," Tumingin siya sa lalaking katabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Kailan ko pa siya naging fiance?! Tumingin ako sa parents ko para manghingi ng explanation dahil wala talaga akong alam sa nangyayari "We'll talk later," bulong ni dad sa'kin. Tumango na lamang ako at naki-go with the flow sa nangyayari. May clue na ako sa mga nangyayari at ayoko ng naiisip ko pero hindi naman ako pwedeng mag eskandalo dito. Hindi naman ako palengkera no Natapos ang dinner na parang lumilipad sa kung saan ang utak ko. Pagka-uwing pagka-uwi ay binomba ko agad ng tanong ang mga magulang ko "Malaki na ang utang ng kumpanya natin sa bangko kaya umutang kami sa pamilya ching ng pera pero hindi pa namin kayang bayaran kaya ikaw ang hiningi nila samin," paliwanag ni dad. "Ano?! Ayoko!" Tutol ko agad. Hindi ko type ang lalaking iyon at hindi ko gusto ang ugali niya kaya kahit anong mangyari ay hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon! "Wala ka ng choice," mom said. "Naka plano na ang lahat." "Edi i-cancel nyo! Basta kahit anong mangyari ay hindi ako magpapakasal sa lalaking yun." "Kapag hindi ka nagpakasal sa kaniya sa tingin mo saan tayo pupulutin?! Sa squaters area. Handa ka bang tumira sa ganong lugar?" Mariing tanong ni mommy sa'kin. Napahinto ako dahil sa sinabi niya. I imagine myself living with poor people. Tumayo ang balahibo ko dahil doon. Never! Hindi ko kayang makisalamuha sa katulad nila "Ano? Susundin mo ba ang utos namin?" Tanong ni mom sa'kin. "Ganon nyo ba ako kadaling ibigay sa ibang tao? Kilala nyo ba ang lalaking iyon? Paano kung masama pala siya?" I retorted. "Mabait na bata ang anak nila Mr. And Mrs. Ching kaya 'wag kang mag- alala dahil maaalagaan ka niya pati narin ang luho mo," sagot ni mommy sa'kin. "Dad." Lumingon ako kay daddy. Kanina pa siya tahimik, baka nag-iisip na sya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ko. "Sundin mo nalang kami anak." Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. "Ayoko. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal." Nilampasan ko sila at naglakad papunta sa hagdan pero napahinto ako ng nag salita si mom. "Kung ganon mag impake ka na, aalis na tayo sa bahay na to dahil nakasangla din ang bahay na ito," ani niya. Wala akong choice kaya sa huli ay pumayag nalang rin ako. Simula ng pakasalan ko siya ay naging taong bahay nalang ako. Napaka-seloso niya, kinukulong niya ako. Nasasakal na ako sa kaniya ng sobra. Binubugbog niya rin ako kapag galit siya o kaya ay kapag nag away kami. Nang magka-anak kami ay dun lang natigil ang pananakit niya sa'kin kaya naman lagi kong tinatabi ang anak ko sa'kin para di niya ako mahawakan Simula ng maikasal ako sa hayop na yun ay puro nalang sakit ang naramdaman ko. Kaya mabuti nalang at nakawala ako sa kaniya. At wala narin naman akong planong bumalik. Mayaman siya, kaya niyang alagaan ang anak namin kaya I don't have to worry about our children Sorry baby pero hindi ko na kayang pakisamahan ang demonyo mong ama
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD