I need your help

2423 Words
Chapter 31 JAYNE'S POV Kumalma muna ako bago ako magpakita sa mga kaklase ko. Paano ba kasi nalaman ni Maris?! Don't tell me pinaiimbistigahan niya ako? Kaso bakit pera ang kailangan niya sa'kin kung may pera siya? Gipit ba talaga siya? I roll my eyes. Akala ko pa naman si Joy lang ang mukhang pera sa batch namin. Pati pala siya Naglakad ako papunta sa main door para lumabas pero napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Matty "Jayne." Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap," nakasimangot na sabi niya. "Ayaw mo nun? Nakapag lakad lakad ka, e'di may na-burn kang fats," sagot ko sa kaniya. "Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya. "May ichi-chika lang sana ako sayo." "Ano naman yun?" Tanong ko ulit. "Wag natin dito pag-usapan. Private ang chika ko." Tumaas ang kilay ko. "Sige." Nag hanap ako ng lugar kung saan kami pwedeng mag-usap ng walang makakarinig sa amin "Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kaniya. "Pabagsakin rin natin ang restaurant ni Elize," seryosong aniya. Don't tell me hinihingan niya din ako ng tulong? "Lahat naman ng hawak niyang companies pababagsakin natin," sagot ko. "Pero unahin na natin yung restaurant's niya. Like, lagyan natin ng ipis ganun." "Bakit ba eager kang bumagsak ang food business niya? Affected ang business niyo no?" Sumingkit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "Sad to say, oo. Kaya nga I need your help." I smirk. "Don't worry Matty. Tutulungan kita pagbalik na pagbalik natin sa Manila," ani ko sa kaniya. "Thank you so much Jayne," masayang sabi niya. "No problem. Tara na muna sa labas, baka hinahanap na nila tayo." Ngumiti ako sa kaniya at nag lakad palabas. Syempre hindi libre ang gagawin kong pagtulong sa kanila. Mag-iisip ako ng way para makabawi sila sa'kin Pagdating namin sa labas nandun na ang iba naming mga kasama. Nag su-swimming na ang ibang kaklase naming babae at lalaki "Saan kayo galing?" Tanong ni Ariel samin. "Sa loob," sagot ko. Lahat sila ay nakasuot na ng two piece swimsuit nila kaya tinanggal ko narin ang sa'kin "Ang sexy naman!" Sigaw ni Jeff. Nag pose ako para mas makita ang curves ko. "I know." "Pwede ba manligaw Jayne?" Tanong ni Yuris. "Ay Samuel, oh," ani ni Joseph. "Pre, akin na yan," sabi naman ni Samuel kay Yuris. I roll my eyes. "As far as I remember no one owns me," mataray na sabi ko kay Samuel at inirapan siya. Nakarinig kami ng ingay mula sa di kalayuan. Nandito narin pala ang iba "Bakit parang wala si Elize?" Tanong ni Jeff. "Oo nga no. Nasaan na yun?" Tanong naman ni Joseph. Tsk, balak pa atang magpahuli para Vip siya. Napaka arte talaga! "I'm here!" Napatingin kami sa sumigaw. Naglalakad papunta samin si Elize, nakasuot siya ng red swimsuit kaya litaw na litaw ang kaputian niya. Wala rin siyang suot na cover up Tsk, for sure uminom ng glutathione yan para pumuti ng ganyan. Negra kaya yan dati! "Class maghanda na kayo dahil tayo na ang sunod," sabi ng teacher namin na nasa harapan. Today is our classpicture kaya naman todo ayos kami "Mukha ng espasol ang mukha mo kaka-powder Marie," asar ni Vince kay Marie "Pwede ba Vince, 'wag ngayon," mataray na sagot ni Marie sa kaniya. "Arte mo, kala mo naman kinaganda mo ang pag po-powder," sagot ni Vince sa kaniya. "Can you please leave my girlfriend alone, Vince? Kahit isang araw lang," singit ni Rey. "Oh!" Reaksyon ng mga ka-klase ko. "Edi wow." Inirapan ni Vince ang dalawa at tinalikuran. "Hahaha, bitter much ka kasi," asar ni Cheska kay Vince. "Tse, tigilan mo ako," inis na sabi ni Vince sa kaniya at nag walk-out. "Tsk, tsk. Masyado kasing bitter. Ayan tuloy," umiiling na sabi ni Matty. "Oo nga, hindi nalang i-accept na ayaw talaga sa kaniya ni Rey," sabi naman ni Julie habang naglalagay ng lipstick sa labi niya. "Nakakarindi na nga yung pagiging bitter niya, eh," I said. "True," sang-ayon ni Ariel sa'kin. "Class tayo na ang kukuhanan." Napatingin kami sa pintuan ng room ng marinig namin si ma'am. "Okay po ma'am. Tara na daw," sabi ni Jayzie sa mga kaklase namin. Mabilis naming tinago ang mga make-up namin "Okay ba ang suot ko?" Tanong ko sa mga kaibigan ko. "Yes, ang ganda mo na," sagot ni Samuel. "Thank you baby." Nakangiting sabi ko at yumakap sa kaniya. Napahinto ako ng biglang dumaan si Elize sa harapan namin. Wala man lang siyang ayos. Ang oily tuloy ng mukha niya "Hindi ka ba nahihiya?" Tanong ko sa kaniya kaya napahinto siya. "Nakikita mo ba ang itsura namin compared sa itsura mo? Grabe, nakakahiya," dagdag ko pa. Nakayuko lang siya at hindi nag sa-salita "Wala naman kasi siyang pera pampa-ayos," ani ni Julie. "Pangkain nga wala, pampa-ayos pa kaya," Cheska said then laughed. "Guys, mamaya na yan. Hinihintay na tayo ni ma'am," sabi ni Jayzie samin. Tiningnan ko ulit siya at inirapan bago mag lakad paalis. Pagkatapos kaming kuhanan ng litrato ay bumalik narin kami sa room namin. Ilang araw bago namin nakuha ang class picture namin. Kitang-kita nga agad ako dahil nasa gitna ako "Ang ganda mo dito Jayne," puri ni Cheska sa'kin. "Matagal na," confident na sagot ko sa kaniya. "Okay na sana, eh," Vincent said. "Bakit?" Tanong ni Rain. "Hindi mo ba nagustuhan? Ang ganda naman, ah," dagdag niya pa. "Maganda? Tingnan niyo si Elize." Tiningnan ko ulit ang class picture namin at hinanap si Elize. Nasa gilid siya, sa may pinakasulok kaya hindi siya masyadong kita pero ang sakit parin sa mata "Siya lang ang pinaka maitim," sabi ni Julie. "Para tuloy tayong may kaklaseng pulubi," ani naman ni Matty. Argh! Sinisira niya talaga ang lahat para samin. Dapat kasi nag absent nalang siya "May naisip ako," nakangising sabi ko sa kanila. "Ano yun?" Interested na tanong ni Ariel sa'kin. "Tutal maitim siya, bakit hindi natin gawing maputi," I said. "Bibigyan natin ng glutathione?" Tanong ni Rain. "Glutathione lang ba ang nakakaputi," sagot ko sa kaniya. "May iba pa ba?" Tanong niya ulit sa'kin. "Harina duh. Anyway, we will make her white like snow white," nakangising sabi ko sa mga kaibigan ko. "I love your idea!" Excited na sabi ni Julie. Napangisi ako dahil sa naiisip ko. Bakit kasi ayaw mo pang umalis Elize? Nagpakuha agad ako ng harina sa driver namin. Wala pang sampung minuto ay dumating na ang harinang pinabili ko sa kaniya "Make sure na makukunan niyo to ng video," nakangising sabi ko sa mga kaibigan ko. "Ready na." Tinaas ni Julie ang cellphone niya. Tumango ako at lumapit kay Elize. Hawak niya ang class picture namin "Nakikita mo ba kung gaano ka hindi nag match sa class picture," I said to her. Tumingin siya sa'kin pero umiwas din agad ng tingin sa'kin "Nakikita mo ba kung gaano kami kaputi tapos ikaw ang itim mo," Cheska said. "Mukha ka tuloy pulubi sa picture. Pero don't worry kasi we will help you naman. Sabi nga diba, be kind to poor people. Right guys!" Tanong ko sa mga ka-klase namin. "Bait mo talaga Jayne," Maris said to me. I winked at her and looked back at Elize. "Kapag glutathione ang binigay ko sayo matagal pa bago ang effect so, e'to nalang muna.." Ibinuhos ko sa ulo niya ang harinang nakatago sa likod ko. "Yey, maputi ka na!" Masayang sigaw ko habang nakatingin sa kaniya. "Para ka ng espasol Elize," ani naman ni Rain. "Wala bang thank you diyan Elize? Tinulungan ka na nga ni Jayne oh," Cheska said. "You're so ungrateful!" Tinulak ko ang ulo niya. "A-ayoko na," nanginginig na sabi niya. "Binigyan ka na nga ni Jayne ayaw mo pa," Miggy said. "Ang arte," Jayzie said. "Alam mo kasi Elize, you don't have to suffer naman. Just leave the school kasi you don't belong here. Ginagawa mong cheap at pangit ang reputation ng section namin," ani ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Ang tibay niya talaga! "Fine, if you don't want to leave then stay here, boring nga naman kung wala kaming laruan. Right classmates?!" Tanong ko sa mga ka-klase namin. "Oo naman!" Napangisi ako. You will suffer Elize! I don't know but I really hate to see her happy. Mahirap lang siya kaya wala sigang karapatan maging masaya! Ako dapat ang masaya kasi I can buy the things I want and the things that Elize want pero hindi! Kaya I'll make her suffer Mabilis na lumapit ang iba naming lalaking kasama sa kaniya "Wow! Elize ang ganda mo!" Puri agad ni Yuris sa kaniya. "Ang sexy mo Elize," Jeff said. "Tara swimming," aya naman ni Collins sa kaniya. Tsk. Kulang nalang ay mag laway sila. Nagagandahan na ba sila sa katawan ni Elize? Pagawa lang naman yun. Atleast yung sa'kin natural "Thank you," nakangiting sagot ni Elize sa kanila. I roll my eyes then looked at Cheska. "Lagyan mo ng sunblock ang likod ko," utos ko sa kaniya. "Mag su-swimming na ako, eh," sagot ni Cheska sa'kin. "Eto si Julie," she pointed her finger at Julie. "Mag swim narin me, si Rain nalang." Tinuro naman ni Julie si Rain na nakatulala at mukhang malalim ang iniisip. Kaso... Wala naman pala siyang isip hahaha! Silly me "Si Ariel nalang pala," ani ulit ni Julie ng walang response na makuha kay Rain. "Busy ako," sabi niya habang nilalagyan ng sunblock ang sarili. "Lagyan niyo na ako!" Iritang bulyaw ko sa kanila. "Ako nalang." Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Samuel. "Ayan na pala si Samuel, eh. Bye!" Biglang umalis ang mga kaibigan 'kuno' ko. Argh! I hate them! "Wag na I can handle myself," sagot ko sa kaniya. ''Jayne, just let me help you." Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya. "Bingi ka ba? Hindi ko nga kailangan diba," mataray na sabi ko sa kaniya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at umupo sa sun lounger. Buti nalang at naghanda siya ng ganito, actually nakakagulat nga na alam niya yung ganito. Sabagay, mukhang nag-aral siya kung ano ang dapat gawin ng mayayaman na tao Tumingin ako kay Elize na pinagkakaguluhan ng mga ka-klase namin. Sipsip! Nagsimula na akong mag lagay ng sun block sa katawan ko pero yung likod ko ay hindi ko malagyan! Argh! Kainis "Ako na. Dumapa ka na," ani na naman ni Samuel. Umikot ang mata ko bago dumapa. Wala naman na akong choice. Walang maglalagay ng sun block sa likod ko bukod sa kaniya dahil ang mga plastic friends ko ay nagkakasiyahan na... Sa pagpa-plastikan Napahinto ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Sobrang tagal na nung huli kong naramdaman ang haplos niya. Akala ko hindi ko nami-miss but I miss him so much Napatingin ako sa gilid ko ng umupo dun si Elize "Pwede palagay ng sunblock sa likod ko?" Tanong niya kila Collins. "Si Kiya nalang," ani ni Elize. "Ako nalang," presinta ni Jeff. "Ako nalang," presinta din ni Joseph. "My fiance won't like that. Seloso kasi siya," sagot naman ni Elize sa kanila. Ang arte! Para namang nandito ang fiance niyang matanda na "Sige, ako nalang." Lumapit si Kiya sa kaniya at kinuha ang sun block sa kamay niya. Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa sila Joseph dahil sa sinabi ni Elize. Tsk, bakit ba kasi nila pinagkakaguluhan si Elize. Mas maganda padin naman ako kaysa sa kaniya. Humiga na si Elize at tumingin sa'kin kaya napilitan akong ngumiti "Buti naman may chairs dito," I said. "Tuwing nasa resort kasi ako or beach, favorite ko yung ganitong upuan," nakangiting sagot niya sa'kin. "Anyway." Tumingin siya kay Samuel at makahulugang tumingin sa'kin. Bahagya rin akong tumingin kay Samuel. "Stop. I think okay na ang nailagay mo," pinahinto ko siya sa ginagawa niya. Tumayo na ako at tumingin ulit kay Elize. "Mag swim na ako," paalam ko sa kaniya at nag lakad papunta sa dagat. Tsk, feeling close! ******************************* ELIZE'S POV Kung titingnan ang mga ka-klase ko, para silang magka-kaibigan na matagal ng hindi nagkita. Parang wala silang galit sa isa't isa "Sabi na sexy ka, eh," puri ni Kiya sa'kin. "Thank you," sagot ko sa kaniya. "Ang saya nila no?" Napatingin ako kay Kiya tapos sunod ay sa mga ka-klase naming nag ku-kulitan sa dagat. Yung iba ay parang may sarili pang mundo dahil sila ang nag-uusap. Katulad nila sheyn. Hindi na sila nabuwag. Alam kaya nilang nagpa-plastikan lang sila? Katulad kasi ng grupo nila Jayne ay ganun din ang grupo nila Yassy pero mas malala sila Jayne. Sila Yassy, sa tingin ko ay hindi nila alam na plastikan ang ginagawa nila Pag pasok ko palang sa room ramdam ko na agad ang tension sa pagitan nila Jelly, Yassy at Sheyn. Magkasama sila Yassy at Jelly samantalang nag-iisa naman si Sheyn. Mukhang magkaaway ang trio Gusto ko mang tanungin ang mga ka-klase ko kung bakit sila magka-away pero alam ko namang walang sa-sagot Mabilis na lumipas ang oras. Hindi nila ako napansin dahil marami kaming activity na dapat gawin. Nang marinig ko ang bell ay inayos ko agad ang gamit ko at dali-daling lumabas ng room. Kapag nag tagal ako dun baka may mangyari pa. Dumiretso ako kila nanay at tatay dahil sila lagi ang kasama kong kumain ng tanghalian. Pagkatapos naming kumain ay nag stay muna ako dun ng ilang minuto bago bumalik sa room Papasok na sana ako pero napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Yassy at Jelly sa loob ng room. Mukhang malapit lang sila sa pinto dahil malinaw kong naririnig ang boses nila "Nakakainis kasama si Sheyn," ani ni Yassy. "Sobrang arte. Her accent is so annoying," ani naman ni Jelly. "Apaka tinis ng boses." "Matampuhin pa," sagot pabalik ni Jellly. "Oo nga. Hindi naman sa pagiging backstabber, nagsa-sabi lang naman ako ng totoo pero minsan gusto ko nalang siyang mapipi kahit one day lang," ani ni Yassy. "True. Gumawa pa ng eksena sa coffee shop. Gosh kakahiya!" "So true! Sigawan daw ba tayo. Akala mo naman ikinaganda niya yun." Papalapit ng papalapit ang boses nila sa'kin kaya nag panic ako. Mabilis akong tumakbo sa gilid ng classroom namin para magtago "Mabait naman siya pero minsan talaga nakakainis ang ugali niya," sabi ni Jelly. "Yes, hindi ko nga alam kung paano natin siya natagalan." Nag usap lang sila tungkol kay Sheyn hanggang maka-alis sila. Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko kaninang umaga. Mukhang nagkaroon sila ng konting tampuhan. Akala ko pa naman sila na ang pinaka-solid na magka-kaibigan dito. Nagpa-plastikan din pala sila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD