Chapter 47 Napasigaw ako nang magising ako. Wala na ako sa cabinet. Nakatayo ako at nakatali ang paa at kamay ko. Para akong baboy na nakabitin! Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Jelly na mahimbing pang natutulog. Mamamatay na kami pero para pa siyang sleeping beauty. Kung hindi lang nakatali ang kamay ko ay nasabunutan ko na sya "Bobita! Gumising ka nga!" Sigaw ko. "Ahh! Where am I!" Umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Boba talaga. "Nasa kamay tayo ng killer!" Huminto sya kaka-sigaw at tumingin sa paligid. Napakabaho dito, ang lansa ng amoy dahil sa mga dugong nasa sahig at pader. Talagang pinahirapan ng killer ang mga kasama namin Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami sa pumasok. Naka-itim siya at nakasuot ng mask. Hindi ko makilala kung sinong demonyo sya

