CHAPTER 2

982 Words
**Kring**Kring**Krin­g** Bumangon na ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock sabay na may kumatok sa pinto "Sino yan??!" Malakas na sigaw ko para madinig sa labas "Sir Aze!. Handa na po ang almusal" boses palang ay kilalang-kilala ko na "Bababa na rin ako!!" Sagot ko sa kaniya Nag-inat-inat muna ako bago tumayo.. Do you want to meet me??? Hi! I'm Braze Ley Suarez. For short Aze na lang. Syempre gwapo at heart trob sa school. Di ako nambubully. Pero once na sinaktan o binully o may ginawa kang ginagagalit ko??. Humanda ka na lang. Mas worst akong gaganti Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang morning routine *fast forward* "Good morning kuya!!" bati agad ni Blaire pagdating ko sa dining (Siya si Blaire. Blaire Rose Suarez. Kapatid kong isipbata. Well, Sometimes I don't like her. Dahil ang childish niya) "Morning!" Tipid kong sagot at umupo sa harap niya Sumulpot naman si yaya Ela galing kusina "Good morning sir!. Good morning maam!" aniya at may inilagay na kung ano sa mesa "Good morning ya!" "Morning!" tanging sambit ko "Yaya Ela, asan po pala sina mom and dad??" tanong ko habang nagsasandok ng kanin "Nasa work na sila kuya" sagot ni Blaire "Tumahimik ka diyan!. Si yaya tinatanong ko. Hindi ikaw!" Inirapan niya lang ako at nagpatuloy na siya sa pagkain "Maaga clang umalis. May business meeting raw" sagot ni yaya Ela "As usual!. Salamat na lang po!" ani ko at nagpatuloy na sa pagkain Nasanay na ako na parating wala sila mom and dad. Alam kong nasanay na rin itong si Blaire. Pag-umuwi naman sila ay gabing-gabi na. Wala na silang oras na inilaan para sa amin Kaya si Yaya Ela, siya na ang tumayong pangalawang nanay namin. Simula't bata ay yaya na namin siya. Siya ang gumagabay at nagsasabi sa amin kung anong tama at Mali. Which is, sa mga magulang namin makukuha _____~SCHOOL~____ Pagbaba ko sa kotse ko ay as usual, nagsisitilian naman ang mga babae. Mahirap pala pag gwapo noh??? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad "My ghoodd ang gwapo-gwapo talaga niya!!!" "Di ko akalain na dito pala siya!" "Sa akin ka na lang fafa Aze!" "Mahihimatay na talaga ako neto!" Sari-saring nadinig ko. Tsk! Wala naman akong pake sa kanila. Di ko sila lahat gusto. Mga malalandi! Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa classroom. As usual, late naman ako. Pero wala akong pake Sinipa ko ng pagkalakas-lakas ang pinto at pumasok ng deritso-deritso na wala man lang sinasabi kung ano-ano. Pake nila?? Buhay ko 'to?? Umupo na ako at pinatuloy na nila ang ginagawa nilang introduce yourself. Tsk! First day of school!. Ganon talaga Tumayo na 'yung babaeng nasa harap ko. Mukhang newbie lang to dito ah?. Lumapit naman cya sa harap "Good morning po sir. Good morning classmates. I'm Ziara Nicole Tuazon. Ara na lang ang itawag niyo sa akin. Newbie lang ako dito kaya sana, gusto kong makilala at makaibigan kayong lahat" Tama ako diba?? Newbie lang cya?? "Yun lang po, salamat" dagdag niya. Ngumiti muna siya sa amin lahat pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo Pero anong sabi niya?? T uazon?? Ka ano-ano niya ang assistant/secretary ni dad?? Na si Mr. Welton Tuazon? Tsk! Nevermind!. Bakit ko ba yun tinatanong?? Wala akong pake sa buhay na may buhay Tapos na palang makipag introduce yourself ang kabilang katabi ko. Ako na pala ang susunod. Tumingin naman clang lahat sa akin, kaya tumayo na lang ako Kilig na kilig pa ang iba nung naglakad na ako papuntang harapan. Tsk!! "Hi! I'm Braze Ley Suarez. Aze na lang" tipid kong bati at balik sa upuan "Ang cute niya!" "Hay! My Aze ang gwapo-gwapo mo talaga" "Boyfriend ko yan!" "Huwag kang assumera diyan!" Hindi ko na sila pinansin at bumalik na sa pagkakaupo ________ —Ziara POV– (Sino, ba ang lalaking yun???. Una, sinipa niya ng pagkalakas-lakas ang pinto. Pangalawa, hindi man lang siya nagsorry kay sir dahil late siya. Pangatlo, nagsisitilian ang ibang babae nung nagpakilala siya) (Ano ba siya sa skwelahang ito?? Gangster?? Heartrob?? May-ari ng school??. Gwapo sana, kaso mukhang mayabang. Di talaga mukha, mayabang talaga) mahabang saad ko sa isipan "Okay class, see you tomorrow. You can now take your recess" (Recess agad??) Umalis na Sir at sumunod na rin ang ibang studyante. Kaya, lumabas na din ako ___~CAFETERIA~___ "Salamat po ale" ani ko at inabot sa kaniya ang bayad Ngumiti naman siya sa akin at ngitian ko din siya pabalik Bigla na lang nagsitilian ang mga studyante dito sa loob ng cafeteria. Pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad sabay balik nung pitaka sa bulsa ko ng biglang..... *bogsh* "s**t!! Tumingin ka ba sa dinadaanan mo miss!!??" May nakabangga ako at halos lahat ng iniinom ko kanina ay natapon sa damit niya Ng iangat ko ang ulo ko ay nakilala ko kaagad siya. Ang mayabang at walang respetong si Aze "Alam mo bang ang mahal netong damit ko?? Mas mahal pa sa buhay mo!!" Galit niyang sigaw sa akin Halos lahat ng tao dito ay nagbubulungan na "Patay ka ngayon Girl!" "Ang tanga-tanga mo kasi. Bagay lang yan sa'yo" "Alam kong gaganti din si fafa Aze" "Gaganti ako sayong babae ka!" Hindi ko na sila pinakinggan "ANO!! WALA KA BANG SASABIHIN!!" dinig na ang boses niya sa buong cafeteria "Sorry" tanging nasambit ko "SORRY!! YUN LANG!! KAPAL DIN NG MUKHA MONG MAG-SORRY!!. HINDI MO BA AKO KILALA??!" Di na ako nakapagpigil at sinagot na siya "Kilala kita!!. Ikaw yung Aze na mayabang at walang respeto, diba??!!. At teka-teka lang!. Bakit ba sobrang galit mo?? E, damit lang yan!!" "KAHIT NA!!" "Tsk!! Childish!" Ani ko at nilagpasan siya "Humanda ka sa akin girl" "Mas worst gumanti si fafa Aze" Bulungan ulit (Gaganti?? Di din ako magpapatalo noh?? Ano sa tingin nila?? Mahina ako?? Matapang kaya to!!) Saad ko sa isipan habang naglalakad ___~END OF CHAPTER 2~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD