CHAPTER 4.

795 Words
___~KINABUKASAN~___ —Ziara POV– Nandito kami ngayon ni Blaire sa cafeteria. Nag-uusap "Blaire, tanong ko lang. Sino ba yung mga babae kahapon??. Bakit kilala ka nila?? Bakit natakot sila sayo??" Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita "Si Franzie yun. At yung dalawang kasama niya ay alipores niya. Kilala nila ako kasi, kapatid ko si Aze heartrob dito sa school" "Kaya pala. Kapag dumadating yung baklang yun kahit saan ay nagsisitilian ang mga babae. Tsk!" "Ganon nga. Hindi ko alam kung bakit sila natakot sa akin kahapon. Baka siguro, magsumbong ako kay kuya" "Talaga bang ganyan na ang kuya mo?? Simula nun pa??" Tanong ko ulit dito "Bago ka lang pala noh??! Hindi mo pa alam kung ano talaga siya. Hindi naman siya ganyan noon eh. Nagbago ang lahat simula nung..." "Simula nung???" May pabitin pa eh "Wala!. Nevermind!. Kumain na lang tayo. Natunaw na tong ice cream ko oh!" Natawa na lang ako sa kaniya. Pero ano yung sinabi niyang Simula nun?? Pumayag na lang ako kahit gusto kong malaman ang sinasabi niyang Simula nun. Sino sya?? Ano??. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may nakaibigan na ako. Hindi na boring "Hi bes!!!" Nabaling ang atensyon ko sa sumigaw na nasa harapan ko "Nandito ka na??" Gulat na tanong ko dito sabay tumayo pa "Hindi! Manikin lang to!!" Aniya kaya binatukan ko Napakapilosopo ey! "Ikaw naman bes!!. Payakap ha! Na-miss kita ng sobra eh!" sambit niya at niyakap nga ako "Ako din naman" at kumalas na kami sa pagkakayakap "Ay bes!. Ito pala si Blaire. Blaire si Perlie. Kaibigan ko" pagpapakilala ko "Hi Blaire! You're too pretty" ani Perlie "Thank you. Maganda ka din naman" "Hay! Bolera mo" ani Perlie at umupo na. Umupo na din kami ni Blaire Magkatabi pala kami ni Perlie ng upo ____________________________________ "Uy bes! Kailan ka pa dumating??" Pagbabasag ko ng katahimikan Kumain muna siya ng binili niya kanina bago sumagot "Bago pa mn din naman. At, classmates pa pala tayo" "Ganun ba?? Mabuti yan! Para naman may makausap ako dun sa boring na room na yun!" "Ikaw Blaire. Anong grade ka na??" aniya kay Blaire "11 pa lamang ako" tipid na sagot naman ni Blaire ____________________________________ –Braze POV– Habang naglalakad kaming tatlo ay bulun-bulungan na naman "Is he really a gay??" "Naniniwala ako na hindi" "Sayang ang wafu-wafu pa naman niya" Maya-maya'y lumapit si Franzie sa akin. Isa pa to! "Hi babe!!. Kumain ka na ba?? Tara kain tayo!. Treat ko!" malanding sabi niya Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad "Babe naman!. Kausapin mo naman ako!" Huminto ako at galit na humarap sa kaniya "Ano ba Franzie!! Anong babe na sinasabi mo!! WALANG TAYO!! Ok!!?. Nangigigil na ako sayo babae ka. Lumayas ka nga! At huwag na magpapakita sa akin pa!!" Umiyak naman siya sa harap ko "Kawawa kang babae ka" "Bagay lang yan sayo!" "Babe-babe hindi pala bf si fafa Aze. Kalorke!" Hindi ko na siya pinansin. Dahil diyan naman sa pag-iyak-iyak niya. Style niya bulok! ____________________________________ Tumambay kami saglit dito sa rooftop "Bro, ano nang plano mo para kay Ara??" sambit ni Vhince "Meron na. Napag-isipan ko na Yan kagabi pa. At kailangan ko ang tulong niyong dalawa" sambit ko sabay ngisi na din "Ayos!" Nag-apir pa silang dalawa "Teka lang bro ha. Baka, kalaunan niyan ay magkakagusto ka sa kaniya. Ganiyan na ganiyan din ang simulan niyo ni A-" di na naituloy ni Mark ang kaniyang sasabihin ng magsalita ako "Shut up!. Kung ano mn ang sasabihin mo ay huwag mo nang ituloy. Ayoko nang madinig ang pangalan na yan!" Tumahimik naman siya "Congrats bro!" ani Vhince "Luhh??! Saan??" "Dahil umangat kana. Naka move-on ka na talaga" "Matagal nadin yun. Tama naman kayo eh. Tanggapin ang katotohanan" Alam niyo ba pinag-uusapan namin?? Wala!! Hindi pa panahon para magkuwento ako sa inyo ngayon "Naks bro!" "So kailan natin gagawin ang binabalak mo??" tanong ni Vhince "Bukas" tipid kong sagot ____________________________________ Ziara POV (Gabi) Pag-uwi ko sa bahay ay si Zhake lang ang nadatnan ko kaya pumasok ako deritso sa kuwarto. Perfect timing para manghuli ng… . . . Ipis!!!! ___~FLASHBACK___ "Uhm Blaire?" Nakuha ko naman ang atensyon niya "Yes?" "Puwede bang magtanong??" "Oo naman!" "Uhmm. Ano bang kinatatakutan ng kuya mo?? Hayop?? Insekto?? Multo??" "Bakit mo natanong??" aniya na nakakunot pa ang kilay "Wala lang!!" "Ahh!. Ipis ang pinakakatakutan niya. Sobrang takot talaga yun sa ipis" "Sige, salamat" ___~END OF FLASHBACK~___ "Its time to huli-huli ipis!!" Bulong ko at ngumisi Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa bodega namin. Kung saan don makikita ang ipis ____________________________________ Natapos na akong makahuli ng ipis. Dalawa pa ito. nilagay ko siya sa garapon "Humanda ka sa akin bukas Braze Ley Suarez" sambit ko at ngumisi _____END OF CHAPTER 4______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD