____________________________________
Ziara POV
Habang kumakain kaming anim ay bigla na lang lumapit si Vhince na ipinagtataka ko sa kinilos niya
“Wazz up guys!” masiglang sambit niya, bitbit ang tray ng pagkain niya at umupo
“Pareng Vhince!. Umiba ka na ata!” sambit ni Peter
“Anong umiba, ako pa mn din yung Vhince na dati. Ikaw talaga Peter noh!” ani Vhince at kumain
Nagtataka naman kaming apat. Kung nung isang araw lang, cold na cold ito. Ngayon ay..
“Vhince, bro. Ok ka lang?. I mean, ok ka na??” ani Aze. Nakita ko sa mga mata niya na nag-alala siya at nagtataka
“Oo nga Vhince, nung isang araw lang ang sungit-sungit mo sa amin, tapos ngayon-” di na naituloy ni Blaire ang kaniyang sasabihin ng magsalita si Vhince
“Sorry for that guys. Kung nagsungit ako sa inyo. But Im back. Vhince the playboy. Vhince the masiyahin. Vhince na kilala at kaibigan niyo”
Nagtitinginan naman kaming anim..
“Sure ka ba Vhince?? Ok ka lang ba?? Talaga??” tanong naman ni Franzie sa kaniya
“Oo naman!. Bakit naman hindi!”
“Pag kailangan mo ng tulong, damay!. huwag mong kakalimutan na nandito lang kami" sambit ko
"Napaka touching mo naman Ziara!"
"Sure ka ba bro?? Ok ka lang ba talaga??" same question pa din na tanong ni Aze
"Sure na sure!" aniya at ngumiti ito ng pilit sa amin. Parang may Mali eh!
____Same Day: Gabi
~~BLAIRE POV~~
Nagpapaganda at naghahanda ako ngayon. Kailangan maganda at presentable ako sa harapan ng future magulang ko noh!. Charrr!
Tiningnan ko ang buong ayos ko sa malaking salamin. Perfect! Na perfect!. Ang ganda-ganda ko!!!
Naka simple dress lang ako na fit na fit ko at kurpadang-kurpada sa coca cola kong katawan. Inggit??. Joke lang!. Kayo na din ang bahalang mag-imagine sa magiging design
Tapos naka light make up lang ako ta's ang buhok ko ay straight na straight. Tapos konting takong lang sa sandal. Waaahhhhh!!! Ang ganda ko talaga!!!
Habang tinitingnan ko ang itsura ko. Ay bigla na lang may kumatok sa pinto
“Anong kailangan!!?”
“Maam Blaire! Nasa baba na po si Sir Mark!” si Yaya Ela pala
“Sge po!. Bababa na po!” ani ko. Narinig ko naman ang yabag ng mga paa niya na papaalis
Tiningnan ko muli ang itsura ko sa salamin. At ngumiti
Tapos kinuha ko na ang ireregalo ko kay Mark. Na binili ko pa kahapon. At ipinasok sa sling bag. Mabuti na lang at nakasya
Tapos lumabas na sa kuwarto ko..
Habang naglalakad ako dito sa hagdan ay kitang-kita ko na ang napakagwapong boyfriend ko. Kausap niya si kuya
“Babe!” tawag ko sa kaniya nung makababa na ako
Unti-unti naman siyang humarap sa akin
Hay! Ang gwapo talaga niya. Ang gwapo ng BOYFRIEND ko. Mainggit sana kayo
“Babe, you look so gorgeous. Ang ganda-ganda mo!” nakangiti at masigla niyang sambit
Ngitian ko namn siya ng pagkatamis-tamis at niyakap ako neto tapos kumalas din siya
“Puwede bang umalis na kayo!. Nakakasira kayo ng araw ko!” napatingin ako kay kuya
“Inggit ka lang!. Sabagay, wala kang bebe. Sana busteden ka na lang!” ani koo habang yakap-yakap ko si Mark sa bewang nito
“Sagutin ka na kasi ni Ziara!. Para, may ka sweetan ka na bro!” ani bebe ko
“Hoy! Kapag oras na sagutin ako ni Ziara!. Mas sweet pa kami sa inyo!”
“Nakakasiguro ka bang sasagutin ka ni Ziara??” ako sabay tawa ng mahina
“Oo naman!”
“Tara na nga babe!. Bahala na yang kuya mo diyan!” ani bebeko sabay hawak sa bewang ko
“Bye kuya!” ani ko at iniwan na namin si kuya
___FASTFORWARD
(~MANSION OF VELASQUEZ FAMILY~)
Mabuti na lang at ganito ang suot ko dahil mala-mansyon pala ang bahay ng Bebe ko
Papasok na sana kami sa loob ng huminto ako. Kinakabahan kasi ako eh!
“Bakit babe?”
“Kinakabahan kasi ako. Tas babe, may dumi ba sa mukha ko??. Ayos lang ba ang damit ko??. Paano kong hindi nila ako nagustuhan??” sari-saring tanong ko
Hinawakan niya pisngi ko..
“Huwag kang magsalita ng ganiyan. Magugustuhan ka nila mommy. Trust me!” aniya
Ngumiti na lang ako sa kaniya.. Tapos binitawan niya ang kamay niya sa pisngi ko
At hinawakan ang bewang ko..
Pagpasok namin ay pinagbuksan kami ng pinto ng mga katulong na iba't-iba pa ang kulay ng uniporme
“Good morning po maam, sir” bati nung isang katulong
Ngitian ko lang siya at dumiretso na kami dun sa dalawang di masyadong katandaan na lalaki. Pareho ra sila siguro ng age nila mommy at daddy. Siguro, mommy at daddy na ito ni bebeko
Yung babae ay nakangiti sa akin, samantalang yung lalaki naman ay seryosong nakatingin sa amin
“Good evening momm, dad!” sambit ni Mark at humalik sa pisngi nila. Tapos bumalik siya sa akin
“Good evening po!” ani ko at ngumiti tapos nakipagbeso sa mommy niya at nagmano sa daddy niya
“Siya na ba si Blaire anak??. What a beautiful girl!” sambit ng mommy niya
“Salamat po”
______
“So iha, ikaw ang daughter nila Mr & Mrs. Suarez right?” ang daddy niya
Nandito na pala kami sa dining kumakain sa long table. Akala ko nga masungit ang mommy at daddy niya. Pero hindi pala
“Yes po!. Magulang ko po sila” nakangiti kong sambit
“Thats good!. Magka business partners kami ng daddy mo!. At tsaka, Tito Jake na lang”
“Ah sige po, Tito Jake”
“Tita Sandy na lang. Or you can call me Mommy, sabagay magiging anak na din naman kita”
“Tita na lang po” ani ko sabay ngiti
“And, para sa ikabubuti ng dalawang kompanya. Bakit hindi na lang kayo magpakasal agad?”
Nabulunan naman ako sa.sinabi ni Tita Mabuti na lang at binigyan agad ako ng tubig ni Mark
“Are you okay, iha?” tanong ni Tito Jake
“Opo” sagot ko na lang sa kaniya
“Inuulit ko, total magkabussiness partners naman kami ng mommy at daddy mo. Its good na magpapakasal na kayo” ani Tita
“Tama ang mommy mo anak. Iha” ani naman Tito
“Pero hindi pa po puwede mom, dad” suway Mark
“17 pa po ako Tita, Tito. Next-next month pa ako mag 18”
“E di, hihintayin natin. Malapit na mn din naman!” saad ni Tito
“Sasabihin ko yan sa mommy mo”
Ngitian ko na lang siya. Tiningnan ko si Mark at ngumiti
___~END OF CHAPTER 33~___