Chapter 14

1207 Words
Chapter 14 – Destiny's Timeline Destiny. It's been three and half months when me and Reeve started dating each other. Masasabi kong sa three months na iyon ay mas lalo pa naming nakilala ang isa't isa. Katulad ng mga normal na magkarelasyon, may pagkakataon na nag-aaway at nagkakatampuhan din kami ni Reeve. Sa tuwing nag-aaway kami, he will give me time to think and later on he will pursue me with his flowery words. Malambing si Reeve sa totoo lang tapos sobrang corny pa. I just hate the fact na mukhang hindi ako gustong ma-meet ng parents ni Reeve. Naalala ko pa ang malungkot niyang mukha noon na ipinapaliwanag sa akin ang lahat pero agad ko naman na inintindi dahil ayokong pag-alalahanin siya pero nasaktan pa rin ako. Tinimbang ko na lang ang mga magaganda kong karanasan kay Reeve at pinili na ipagpatuloy ang relasiyon namin kahit bahagyang ayaw sa akin ng mga magulang niya. Kung sasariwain ang mga karanasan namin sa mga nakaraan na buwan, on our first monthsary, he surprised me with flowers and a letter. It's not as sweet at anyone would think it is. Ang pangit ng sulat ni Reeve! Kumunot pa ang noo ko nang makita ko iyong letter niya but I'm amazed on how he puts his thoughts on a letter. Pumunta kami at nagdate sa Pangasinan to celebrate it. Reeve seems so in love in travelling. He's adventurous. Second monthsary namin ay normal na lang. Lumabas kami para kumain sa isang restaurant. Parehas kasi kaming busy ng panahon na iyon. Lalo na at kasagsagan iyon ng pagkwe-kwenta ko ng mga grado ng mga estudyante ko. During New Year's eve, sa bahay natulog si Reeve na pinayagan naman ni Lola. We watched the fireworks display together with joy and hope that our relationship will last long. Third monthsary namin, we spend the whole night together in a hotel. Nag-star gazing kaming dalawa at ilang araw kaming nag-stay doon. Hindi kami nasa iisang kuwarto. Magkaiba kami ng kuwarto because Reeve doesn't want to be with me in one room unless kasal na daw kami. Mabuti daw na gawin iyon para kapag kinasal kami, mas exciting daw. Napapangiwi na lang ako kapag naalala ko ang araw na iyon. It was January 15, 2020 when I recieved my first kiss with Reeve. Hindi ko makakalimutan kung gaano kalambot ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko siya matingnan sa mga mata niya matapos mangyari iyon at piniling magkulong sa kuwarto at kiligin. Kaso habang tumatagal namimihasa ang loko at gustong-gusto niya na hinahalikan ako pero mas madalas pa rin na sa pisngi at noo niya lamang ako hinahalikan. Sobrang nakakaproud sa pakiramdam na nirerespeto ako nang sobra ni Reeve. "Babe, pancakes are ready!" Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Reeve kasabay ng paglapag niya ng pancakes sa harapan ko. Nagsalubong ang kilay ko sa nakita kong toasted pancakes. "Reeve!" Napahawak na lamang ito sa balikat niya at ngumiwi. Nasa bakasiyon kaming dalawa. We plan to celebrate our 4th monthsary earlier than the said date dahil aalis si Reeve papunta ng USA para sa isang business trip kasama si Tito. Noong una nalungkot ako kasi three weeks daw siya doon but he promised me that everything will be alright because he will call me everyday so I won't be sad. At itong trip to Spain ang suhol sa akin ni Reeve. Dito kami namalagi ng isang linggo at ngayon ay pauwi na kami. "Ako na talaga magluluto sa susunod." Naiiling na sabi ko sa kaniya at nagsimulang kainin ang toasted pancakes na effort pa rin ni Reeve kaya dapat kainin ko. "Sorry na pero nag-improve naman ako 'di ba?" He asked with a hopeful eyes and boyish smile. "Oo na. Thank you pa rin." Napailing ito sa akin bago tumabi at nagsimulang kumain ng pancakes kasama ko. I watched him closely. Minememorize ko talaga ang mukha ni Reeve. It was like I have to remember his face forever because this man in front of me is the man I should spend my life with. Maybe I don't deserve him for everyone's eye but I'll make everything believed that Reeve Montes is destined to be mine. Umalis muna si Reeve para magtungo sa sarili niyang kuwarto sa hotel. Mag-aayos na kasi kami ng gamit para sa pag-uwi namin. Excited na akong umuwi dahi binilhan ko ng souvenirs si Lola. Paniguradong magugustuhan niya iyon maging ang ilang pagkain na iuuwi namin sa Pinas. Sinamahan pa ako ni Reeve na bumili ng lahat ng iyon. Kasama ang lahat ng miyembro ng The Harmony na binilhan namin ng pasalubong dahil panay daw ang text ni Emerson kay Reeve na mag-uwi ng mga pagkain. Maya-maya ay sunod-sunod na katok ang narinig ko sa labas ng pintuan. Nakakarindi ang ingay na iyon kaya nagmamadali din ako na lumapit para pagbuksan si Reeve. Sumalubong sa akin ang naiiyak na itsura niya. Nanginginig ito kaya imbes na singhalan ko ay natulala ako. Kinabahan ako sa nangyayari sa kaniya. "R-Reeve?" Mabilis niya akong kinabig upang yakapin. Ang sunod na sinabi niya ay nagpatigil ng mundo ko. Ang kaninang makulay kong mundo ay napalitan ng kadiliman sa masamang balita na natanggap ko. "Destiny, wala na si Lola. Inatake siya sa puso at huli na nang madala siya sa ospital." Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak ngunit walang luha na lumalabas sa mga mata ko. Buong biyahe ay nakatulala lamang ako . Hindi ko pa namalayan na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin ni Reeve sa Pinas. "Destiny." Mahinang tawag ni Reeve sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil niya ng kamay ko bago mahigpit iyong hinawakan na parang ayaw niya akong pakawalan. "Babe, I'm here. Alam kong nahihirapan ka ngayon pero sana kayanin mo." Pagak akong natawa sa sinabi niya. "What? Si Lola ang mundo ko, Reeve. She's my home and almost my everything before you came in the picture. Reeve, masakit iyon. Iniisip ko pa lang na wala ako sa tabi niya nang mangyari iyon ay nanghihina na ako." "So you're regretting coming with me?" Malungkot na tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Wala akong dapat sisihin sa nangyari dahil katulad ng laging sinasabi sa akin ni Lola, ang mga bagay ay nakatadhanang mangyari. It was so hard for me to speak. When I reached home, naabutan ko na agad ang mga nakikilamay doon. I've also expected Diana's presence there at hindi niya ako nabigo. Siya ang umasikaso sa lahat at ako ay nanatili lang na nakaupo malapit kay Lola. It's hard to see Lola inside the coffin. I can't take it. I ca't still absorb everything. She's lifeless but there's a little smile that carve on her lips. I instantly remember our happy memories together. She always say that she's happy for me these past few months because I'm always with Reeve and she always caught me smiling and laughing because of him. My Angel... I silently wispered as a tear escape from my eye. I wipe it away and sighed. "Why did you left me here? I'm incomplete without you, La." Puno nang pait na sambit ko. Napatigil ako nang may kamay na humawak ng balikat ko. Mabigat ang mga iyon at puno ng pakikidalamhati. Dahan-dahan kong nilingon ang taong gumawa niyon at mabilis na nagsilaglagan ang mga luha ko nang mamukhaan ko ito. Natahimik ang mga tao sa paligid namin at malungkot na nakatingin sa direksiyon naming dalawa. "D-Dad..." I muttered and cried his name. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD