Chapter 2

1175 Words
Destiny. "Gosh! Ano iyong nabalitaan ko ah? Ikaw, Des ah! Iba talaga ang ganda mo." Kinikilig na sabi sa akin ni Marites. Isa siya sa mga co-teacher ko. Malamang ay mabilis na kumalat ang chismis doon sa nangyari sa coffee shop noong isang araw. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari iyon. Pakiramdam ko ay nanaginip ako at sa tuwing naaalala ko ang senaryong iyon ay automatikong nag-iinit ang pisngi ko. Nakakakahiya. Tinakbuhan ko at hindi sinagot nang maayos si Reeve. "Grabe ka, Des! Sana all na lang." Sabat naman ni Chris, ang baklang co-teacher ko rin. "Omg, imagine isang Reeve Montes pala ang mapapabihag ng beauty mo? Ay iba talaga!" Ani naman ni Kris na siyang nagpawala ng emosiyon sa mukha ko. Oo mga pala at kasalanan ni Kris kung bakit nalaman ni Reeve ang pangalan ko. Natawa na lamang siya sa akin kasi dapat daw imbes na mainis ako, dapat daw ay kiligin ako kasi napansin daw ako ng crush ko na napaka-imposible sanang mangyari. Napapikit na naman ako sa inis. Paano ba naman? Bakit ganito? Niloloko ba ako ng tadhana at ang napaka-imposibleng mangyari ay bigla na lamang nangyari at ngayon hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong maniwala o baliwalain n lamang ang nangyayari. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko iyon. Like what? Para saan? Bakit nangyayari ito? Bakit ako nagustuhan ni Reeve? Patawa. Hindi nakakatuwa kung prank lang iyon. Lumabas na ako ng faculty at agad na pinuntahan ang klase ko. Maghapon ay tinutok ko ang sarili ko sa pagtuturo para pansamantalang makalimutan ang iniisip ko. Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko nang mag-out ako at agad na umuwi ng bahay. Nakakapagod man na biyahe pauwi pero nakahinga naman ako nang maluwag nang makarating ako sa bahay at maamoy ang mabangong amoy na niluluto ni Lola Rosita. Agad akong napangiti. I was raised by my Grand mother. Katulong siya ng isang mayamang pamilya noon at iyon ang ikinabubuhay namin. I came from a broken family and all I need to do is stay away from my parents after they separate ways dahil may kani-kaniyang pamilya na sila. Masama ang loob ko? Yes, masama talaga dahil ni minsan ay hindi nila natanong kung kamusta na ako. If I'm doing well on my school or if I'm eating right. At the age of 9, si Lola Rosita na ang nag-alaga sa akin. Siya na ang naging magulang ko. Hindi siya nagkulang sa pangaral sa akin kahit na pasaway ako noon dahil palibhasa nagrerebelde ako sa magulang ko noon. Buti na lang at natauhan din ako na hindi na sila babalik. Natauhan ako na dapat tumayo ako sa sarili kong paa kasi wala akong aasahan. Ako ang dapat na asahan ni Lola. Ako dapat ang mag-aalaga sa kaniya at kung magppasaway ako ay baka pati siya mawala na. I'm afraid to be alone. I'm afraid to walk alone on my journey without someone beside me. Si Lola na lang iyong masasabi kong totoong nagmamahal sa akin. I hate my parents. They broke my heart as such a young age. Napaka-immature para pabayaan ako na maging mag-isa. Naiinis ako sa kanila dahil marami akong pinangarap kasama sila tapos bigla na lamang akong naiwan sa ere ng isang araw naisip nilang tapusin ang pagsasama nila. Bumuntong-hininga ako. Bakit ko ba sila inaalala ngayon? Bakit ba lagi ko silang inaalala eh hindi naman nila ako naaalala? Ah, magulang ko nga pala sila. Magulang ko pa rin sila kahit na hindi ko naramdaman na anak nila ako. Kasi ayaw ko man na sabihin ngunit alam ko sa sarili ko na may natitirang pagmamahal pa rin ako sa kanila. Hindi na nawawala iyon. Sabi nga ni Lola Rosita, matuto akong magpatawad at laging bigyan ng puwang ang mga magulang ko sa puso ko dahil sa huli, utang na loob ko pa rin naman ang buhay ko sa kanila. Pagbukas ko ng pintuan ay saktong naglalagay na ng pagkain si Lola Rosita sa table. Pancit ang niluto niyang meryenda. Nakaagaw ng pansin ko ang isang lalake na kausap niya. Agad akong napahawak sa bibig ko. Hala, anong ginagawa ni Reeve sa bahay namin? Nanlaki ang mata ko at saktong napansin naman ni Lola ang presensiya ko. Nang mapalingon sa akin si Reeve ay maski siya gulat na makita ako sa harapan niya. Paano? "Destiny, iha andiyan ka na pala! Halika dito samahan mo kami Reeve na kumain." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Una, dahil paano sila nagkakilala at paano ako nahanap ni Reeve? Planado ba ito o nagkataon lang? "La, kilala niyo po siya?" Tanong ko kay Lola na naguguluhan. Salubong na ang kilay ko samantalang si Reeve ay hindi makapagsalita at biglang nag-iwas ng tingin. "Oo, si Reeve nga pala. Anak siya ng amo ko noon, iha. Mabait na bata ito at napakagalang. Makulit minsan ngunit natutuwa ako dahil naalala niya akong dalawin dito." Napamaang ako sa sinabi ni Lola. Anak si Reeve ng Amo ni Lola noon? What? Ganon ba kaliit ang mundo naming dalawa? Simula nang mangyari iyong pagtanong niya ng pangalan ko noong nakaraang araw ay parang totoo nga na lumiit na ang mundo namin. "Speechless ka ba, Apo? Gwapong bata talaga ito." Natatawang biro ni Lola. "Nanang naman!" Nahihiyang sabi ni Reeve samantalang ako ay namumula na. Binibiro ba kami ni lola sa isa't isa? Hindi nakakatuwa kasi nag-iinit ang pisngi ko at alam kong kinikilig ako. "Bakit? Maganda naman ang apo kong si Destiny. Napakagandang bata ngunit mahihirapan kang makuha ang puso niyan." Ang mapaglarong ngiti sa labi ni Lola ay napalitan ng isang sinsero. "Ayoko na din na makitang nasasaktan iyan. Minsan ko na siyang nakitang durog na durog at hindi ko na ulit basta-bastang ipapaubaya ang puso niya sa lalakeng hindi karapat-dapat sa kaniya." "La..." Nginitian niya ako at ganon din ako sa kaniya. Nakakataba naman ng puso. "Hindi naman po siya masasaktan kung sa tamang lalake po siya pupunta." Biglang sabi naman ni Reeve kay lola. Napaingos ako. Ang tamis naman ng dila ng lalakeng ito. Sanay na sanay siguro dahil hindi niya naman talaga kailangan manligaw para makakuha ng babae. Siya iyong tipo ng lalake na maraming babae ang nais maghabol dito at handang itapon ang sarili sa kaniya. Malas lang niya dahil taga-hanga niya ako ngunit hindi ako ganong klase ng babae. "Kung pwede nga lang ay nais kong ihalintulad ang aking dalaga sa isang rosas. Maganda ngunit may tinik na prumprotekta rito sa sinumang mangangahas na pitasin ang inosenteng kagandahan nito." "Mahal na mahal niyo po talaga ang apo niyo." Nakangiting sabi ni Reeve. Sus, mukhang nagpapalakas siya kay Lola. "Oo naman. Ako ang nagpalaki sa batang iyan eh." "La, akyat po muna ako para magpalit." Paalam ko. Tinapunan ko muli sila ng tingin bago ako pumasok sa silid ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama at agad na tinakpan ang mukha ko gamit ang malambot kong unan at tinanggal ito para tumitig sa kisame. Ano na tadhana? Ano itong pakulo na ito? Akala ko biro mo lang na pagtagpuin kaming dalawa ngunit ito na ang pangalawang beses. Binibigyan mo na naman ba ako ng pagkakataon upang makipaglaro sa apoy ng pag-ibig? Kung oo, sana ingatan mo naman ang puso ko. Ayoko ng maulit ang nakaraan at mabigong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD