ISAGANI NGAYONG umaga ay mas maaga akong gumising. Sabihin na nga lang nating umaga na naman ako na katulog pero maaga pa rin ako bumangon dahil sa mansyon ng mga Rue ang punta namin ni Jimmy. Sabi raw ni Sir Loreto ay kailangan nila kami doon dahil may mga kailangan daw na ayusin tungkol sa mga listahan ng uling at mga kahoy na ginagamit namin sa produksyon. Sa amin talaga ni Jimmy babagsak ang ganun na trabaho dahil kami ang pinaka-katiwala ni Sir Loreto sa buong ulingan. Ang ibang mga kasama namin ay higit na mas matanda sa amin at ang iba ay hindi gaano nakakaunawa tungkol sa mga datos. Kaya nga sa tuwing kapag hahakot na ng mga uling ang buyer sa ibang parte ng ulingan ay naroon si Jimmy para masigurong wala dayaan na magaganap at walang manloloko sa bayaran. Pakiramdam ko ang pagpun

