Nandito lang ako sa loob ng kwarto ni Christ at ni Leifer. Mag kasama kasi silang dalawa dito sa malaking kwarto na toh. Habang si Kuya, inaalagaan na siya ng mga Dyos at Dyosa sa kabilang kwarto. Sabi nila, sriling katawan na daw ni Kuya ang nag papagaling sa sarili niya. Ngunit hindi pa rin siya nagigising at nag aalala pa rin ako dahil dun-- pero mas nag aalala ako ngayon sa kalagayan ni Christ at Leifer lalo na dahil sa naging usapan naming dalawa ni Mabby. Naka tingin lang ako kay Christ na wala pa ring malay. Kitang kita ko ang pag ka putla ng balat niya. Samantalang si Leifer naman ay nangingitim ang kaliwang bahagi ng braso niya papunta sa dib dib dahil kumakalat ang lason sa katawan niya. Di ko alam na mangyayari ang lahat ng toh. Di ko na naman mapigilan ang mapaiyak

