SUMMER's POV Nakarating na kami sa isang lugar kung saan parang nasa gitna kami ng gubat. Hindi kami naglakad. Basta hinawakan lang namin si Mabby at bigla na lang kaming nakarating sa lugar na toh. Yun ang tinatawag na 'MAGIC' haha. "Ano bang lugar toh?"tanong ko at hindi ko maiwasan na tingnan ang kabuuan ng lugar. "Ito ang lugar ni Maestro."sabi ni Mabby. "Ehh anong kailangan natin sa Maestro niyo?"tanong ko na naman. Hindi ko kasi kilala yung tinatawag nilang maestro ehh. Nakikisama lang naman ako sa lakad nila. "Ewan ko ba diyan sa Leifer na yan."sabi ni Mabby. "Tutal, hindi ako makakapunta sa kaharian ng itim na bampir---" "Teka, may balak kang pumunta?!"gulat na tanong ko kay Leifer at napatingin ako sa kanya. "Oo. Huminge siya nang tulong sa akin pero hindi ako pumaya

