Dumating na ang araw ng activities. Ito ang araw ng pag-ayat ng grupo ng mga katekista sa bundok ng Pini. Ito ang pinakamataas na bundok sa kanilang lugar. Dinarayo ito ng taga ibang lalawigan, sapagkat napakaganda nitong tignan na tila bang may hiwagang nababalot dito.dahil sa may malaking bato ang naroroon, na kung iisipin ay di mo aakalaing papaano nagkaroon ng mala higanteng bato sa tuktok ng bundok na ito.
Tanghali noon, nag-aayos na ng mga kakailanganin ang bawat grupo. Sinigurado nilang kumpleto ang lahat. May dala-dala silang tent, kumot, pagkain at kung anu-ano pa. Tatlong araw ang ilalagi nila sa bundok.
Alas singko na ng hapon ng magsimula silang magdasal, upang gabayan sila sa kanilang misyon na gagawin sa araw na iyon, at pinamumunuan ito ng kanilang leader.May kasa-kasama din silang mga madre na nagmumula pa sa iba't ibang lugar. Nasa labinlima katao ang aakyat ng bundok. Pagkatapos magdasal ay nag-umpisa na silang maglakad. Mahaba- haba pa ang kanilang lalakbayin. Marami pa silang madadaanan na kabahayan. At kasunod nito ang masukal na gubat.
Habang binabaybay nila ang masukal na gubat ay laging nakabuntot sa likuran ni Lyn ang binata. Naka alalay siya sa lahat ng oras para sa dalaga. Ngunit hindi pa rin binibigyan ng malisya ni Lyn ang pagka gentleman ni Lance. Kaibigan lang ang turing niya para sa binata.
Si Melanie naman ay palagiang nakasunod kay Lance na animo'y nagpapapansin sa binata at gustong makuha ang atensyon nito. Ngunit iba ang gusto ni Lance na makasama ng mga sandaling iyon. Nakatuon palagi ang tingin ni Lance kay Lyn na sa pakiwari niya ay gandang-ganda siya sa dalaga.Na kahit maputi at mestisa ang gusto ni Lance sa isang babae at samantalang si Lyn ay morena. Ewan nya nga ba kung ano ang kanyang nararamdaman para kay Lyn. Mahal na nga ba niya ang dalaga?
"Lance!" napabulalas si Lyn dahil sa matarik ang kanilang nilalakaran. Bigla namang hawak sa kamay ni Lyn ang binata para alalayan ang dalaga."Kumapit ka Lyn" utos ng binata. Napadulas kasi ito ng kaunti.Makulimlim na ng hapon na iyon na sinabayan pa ng malakas at malamig na simoy ng hangin. Na tila bang nagbabadya na sa pag-ulan.
Nagsimula ng umambon. Umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin na animo'y nagyeyelo sa lamig. Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng bundok ng magsimula na sa pag ambon.
Nasa matarik na bahagi na rin ang kanilang kinatatayuan. At ang iba nilang kasamahan ay nasa unahan na at nagmamadaling makarating sa tuktok ng bundok, dahil nag-uumpisa na rin sa pag-ambon. Madulas ang daan. Dahilan na rin sa pag-ambon, kung kaya't hawak - hawak ni Lance ang mga kamay ni Lyn.Upang makaiwas sa madulas na daraanan. Samantalang itong si Melanie ay tila naiinis sa nakitang ginagawa ni Lance para kay Lyn.
Kitang-kita ang pagseselos ni Melanie. Ngunit hindi ito napapansin ni Lyn. Si Lance lamang ang nakakaramdam ng ikinikilos ni Melanie ng mga sandaling iyon. Matagal na kasing nahahalata ni Lance ang pagkagusto ni Melanie sa kanya. Hindi na lang ito pinansin ng binata. Nakatuon ang mga mata niya kay Lyn.Na nahahalata naman ni Melanie. Ngunit itong si Melanie ay hindi parin sumusuko para lamang mapansin ni Lance. Sige parin ang pagpapansin nya sa binata.
Gabi na ng maakyat nila ang bundok.Hingal at pagod na ang kanilang naramdaman ng mga sandaling iyon.Nakarating narin sila sa tuktok ng bundok halos sabay-sabay lang silang lahat na nakarating sa ibabaw.
Manghang-mangha silang lahat sa kanilang nakita. Tanaw ang buong kabayanan mula sa itaas ng bundok.
Ngunit may isang malaking tipak ng bato ang naroroon na sa pakiwari'y nila ay matagal na iyon doon sa bundok. Masasabi din itong buhay na bato. Ibang-iba ito kaysa sa natural na bato.
Ang tingkad ng kulay nito na kulay abo. Sa paligid nito ay may mga maliliit na bato na may iba't ibang desenyo. Matatawag din itong buhay na bato.
Marami na ang nakaakyat sa bundok na iyon. Kung kaya't naririnig na nila ang kuwento tungkol sa bundok na ito. Misteryosong lumalaki ang mga bato dito. Na tila bang may buhay ang mga ito.
Lahat ng naroroon sa bundok ay sinimulang suriin ang bato. Napakakinis nito. Hindi nagdalawang isip si Lyn at Lance na umupo dito. Tumabi si Lance sa dalaga. Habang nakamasid sa ganda ng tanawin.
Inihanda na ng mga lalaki ang tent, upang may masisilungan na sila sa oras na lumakas ang ulan.Ang mga babae naman ay nagsunog na ng mga maliliit piraso ng kahoy na para pagdingasin at upang gawing bonefire.
Nagsimula na ang pagpatak ng ulan na tila ay gamunggo na ito sa laki.Mas lalo pang lumamig ang simoy ng hangin dahil sa kasabay na pag-ulan. Napagkasunduan nila na bumaba na lamang sila ng bundok. Hindi kakayanin ng tent nila ang lakas ng ulan. Siguradong mababasa silang lahat. Hindi rin ito matibay. Hindi rin kasi nilang akalain na uulan sa araw na iyon.Kinabukasan na lamang nila gagawin ang activities.
Nagsimula na sila sa pagbaba. Madulas, madilim at malamig ang kanilang tinatahak. Nakaalalay naman si Lance kay Lyn, minsan ay napapakapit na sa braso ni Lance ang dalaga.Basang-basa na sila sa ulan. Hindi narin kinaya ng mga flashlight na kanilang dala ang dilim na kanilang dinaraanan.
Hindi narin malaman kung nasaan na si Melanie na kasa-kasama pa nila ni Lance kanina sa pag-akyat. Ngunit naisip na lamang niya na sumama na rin ito sa ibang grupo.
Hindi maipinta ang sungit ng panahon ng araw na iyon. Animo'y galit na galit ang kalikasan ng mga sandaling iyon. Patuloy pa rin ang paglakas ng ulan. Nanginginig na sa lamig si Lyn. Nakarating narin sila sa kubo. Saktong kakilala ng isa sa kanilang kasamahan ang may ari ng bahay
Hindi na nag-atubili pa ang may ari ng bahay na pasilungin ang grupo. Nagpahiram narin ito ng mga gamit, tulad ng unan, kumot, ilaw at gagamitin sa pagluluto.Ang mga nakakatanda at mga madre ay magkakasama sa ibang kubo.
Nagsindi na rin sila ng lampara ng makarating sa kubo. Mga binata't dalaga ang mga naroroon.Nagsimula na silang magluto upang makakain na ang bawat isa sa kanila. Mahaba haba narin ang kanilang nilakad at halos pagod na pagod na silang lahat. Ang iba ay kanina pa nilalamig dahil sa pagkakabasa sa ulan. Ngunit masaya parin silang magkakasama.Hindi nila malilimutan ang araw na iyon.
Tapos na silang kumain. Bawat isa sa kanila ay inihanda na ang kani-kanilang tulugan. Ang iba ay nakahiga palang. Ang iba'y nagkukuwentuhan at hindi pa dinadalaw ng antok. Si Lance ay tumabi kay Lyn. Nasa pagitan ni Lyn at Melanie si Lance.Ibig sabihin nasa gitna si Lance. Nanginginig sa lamig si Lyn ng gabing iyon. Lamigin kasi itong si Lyn."Nilalamig ako Lance" mariing sambit ni Lyn na tila nangingiwi ang mga labi at nangangatog ang buong katawan sa lamig.Agad namang kinumutan ni Lance ang dalaga at saka niyakap. Nung una'y marahan lamang ang pagyakap nito. Kinala-unan ay mahigpit na ang pagkakayakap ng binata kay Lyn. Nasa likurang bahagi lamang ni Lance si Melanie na nakahiga. Nakikiramdam lamang ito.Nakatalikod naman sa pagkakahiga si Lyn kay Lance. Nahihiya din kasi itong si Lyn sa ginawa ng binata. Nung makaramdam na ng kaunting ginhawa si Lyn ay kusa na siyang humarap kay Lance sa pagkakahiga.Minamasdan ang maamo nitong mukha . Nagkalapit na ang kanilang mga mukha. Halos langhap na nila ang hininga ng bawat isa.
Nararamdaman niyang humihigpit na naman ang pagkakayakap ni Lance sa kanya.Napayakap narin ang dalaga kay Lance. Nararamdaman na rin nya ang malakas na pagkabog ng dibdib nito, ganun din sa kanya.Nag-iinit na rin ang kanilang mga katawan sa pagkakayakap Hinalikan ni Lance ang dalaga sa noo papunta sa pisngi. Parang sumasang-ayon na rin si Lyn sa ginagawa ng binata.Wala siyang nagawa.
Bat ganun ang nararamdaman ko? Tanong nya sa sarili. Ibig sabihin nagkakagusto na rin siya kay Lance.
Ang ibang kasamahan ay tulog na. May iilang gising parin sa pakikipagkuwentuhan.Pinatay narin nila ang ilaw. May kaunting liwanag na maaaninag lamang sa malayong bahagi ng bahay at ito ay nasa sala.Nagsimulang gumapang sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Lyn ang mga kamay ni Lance. Hindi maiwari ni Lyn ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hanggang sa binuksan na ni Lance ang zipper ng pantalon ni Lyn. Naipasok narin ni Lance ng bahagya ang mga kamay sa ilalim ng puting t-shirt ni Lyn. Ngunit pilit iwinawaksi ni Lyn ang mga kamay ni Lance.Nung makaramdam ng kakaiba si Melanie sa ginagawa ng mga katabi ay agad naman nitong sinindihan ang lampara ,kung kaya't biglang nagliwanag ang kapaligiran. Agad namang itinigil ni Lance ang binabalak para kay Lyn.Naghalakhakan ang dalawa. Dahil sa ginawa ni Melanie.Naisip na lang nilang dalawa, marahil ay alam ni Melanie ang nangyayari. Magdamag na nagkuwentuhan na lamang ang dalawa.
Kinabukasan... umuwi nalang silang lahat. Ipagpapatuloy nalang nila sa susunod na araw ang kanilang misyon. Sapagkat hindi parin tumitila ang ulan.
Nakauwi na sila sa kani-kanilang tahanan. Hindi parin mawala sa isip ni Lyn ang nangyari sa kanila ni Lance. Ganun din ang binata.
Nagkita sa paaralan si Lance at Lyn ngunit nahihiya sila sa bawat isa. Naiilang narin silang pareho. Naisip kasi ni Lyn kung may alam ba si Melanie sa nangyari kagabi kaya't nagsindi siya ng ilaw. Nahihiya ito kay Melanie. Baka kung anong iisipin nito tungkol sa kanya.
Napadaan narin si Lyn sa bahay ni Lance ngunit nakayuko lamang ito. Pati si Lance ay hindi narin makatingin ng deretso sa dalaga.Pareho silang naiilang sa isa't isa.
May second chance pa kaya sila? Hanggang kelan nila ililihim ang pagkagusto nila sa isa't isa?
Itutuloy.......