Chapter 3

1061 Words
Kinabukasan... maaga pa'y nagising na si Lyn. May nakatakda silang pagsusulit ng araw na iyon. Mag-aaral muna siya ng leksyon. Hindi niya naisip iyon dahil sa ginawa nilang activities sa simbahan sa nagdaang araw. Hindi naging maganda ang pagpasok nya sa paaralan ng araw na iyon. May nabalitaan siya tungkol sa kanyang kasintahan. May nililigawan daw itong ibang babae. Bagamat matagal na ring usap-usapan sa kanilang lugar at school campus ang pagiging babaero ng nobyo ay nagbubulag-bulagan at nagbibingihan lamang itong si Lyn. Si Lyn ang tipo ng babae hangga't kaya niyang ipaglaban., ipaglalaban nya ang kanyang pagmamahal para sa nobyo. Nangingilid ang kanyang luha ng kausapin siya ni Helen tungkol dito, ayaw niya rin ipahalata sa mga kaklase na naaapektuhan siya sa nabalitaan. "Matagal ko ng alam yan." tugon nalang ni Lyn na napadpad ang tingin sa dako roon. Nakitingin ito sa may bintana. Mula sa loob ng silid-aralan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang nobyo at kasama nitong ibang babae. Matangkad at katamtaman lamang ang kulay ng balat ng kanyang nobyo. Isa rin ito sa Batallion Commander sa kanilang paaralan. Kung kayat hindi makakaila na maraming babae ang nagkakagusto sa binata. Hindi pa naman gaano katagal ang relasyon ni Lyn sa binata. Mag-aapat na buwan palang silang magkasintahan. " Hayaan mo na yan. "pakunwaring sambit nya kay Helen. Nagsusumikip na kanyang dibdib ng mga oras na iyon." Talaga Lyn okey ka lang ba. "pag-aalala ni Helen.Katabi niya ito sa upuan." Matagal na niyang kakilala si Helen nasa elementarya pa lamang ay kaklase na niya ito. Mabait itong si Helen at pala kaibigan. Palapit na sa may pinto ng silid - aralan ang nobyo Matalim na titig lang ang ipinukol ni Lyn dito.Nakuyo naman ang binata na tila alam niya na ang ginawang kasalanan. Kunwari ay walang nakita ang dalaga mula sa labas ng bintana. "Ano na nga ba ang sagot?"tanong ni Lyn kay Helen. Sabay pikit ng mga mata na pilit iniiba ang kuwento ng kaibigan.Silang dalawa ni Helen ang palagiang nagrereview bago mag-uumpisa ang pagsusulit. "Ay nakalimutan ko." tugon naman ng kaklase. Hindi na rin nito kinibo ang kasintahan. Nakaupo ito sa may likuran nang kanang bahagi ng silid-aralan. Si Lyn at Helen ay naka-upo naman sa may unahan ng kaliwang hanay. Hindi na nito kinibo ang nobyo. Galit at pagtitimpi ang nararamdaman ni Lyn ng mga sandaling iyon. Dumating na rin ang kanilang adviser. Nag-uumpisa na ang kanilang pagsusulit, ngunit hindi parin makapag-concentrate si Lyn sa pagsagot sa kanyang papel. Si Lyn ay matalino din sa klase tulad ni Helen. Marami narin itong achievements kahit noong nasa elementarya pa lamang sila. Kahit na animoy balisa ay nasasagutan nya rin naman ng tama ang kanyang papel. Nakapagreview narin kasi silang dalawa ni Helen kani-kanina lang. "Count of 10 pass your paper! " sigaw ng guro mula sa harapan, sapagkat kani-kanina pa siya nagbibilang ay iilan lamang ang nagsipag-abot ng test papers sa kanya. Kung kayat halos pasigaw na si Mrs. Caballero sa pagbilang. Kanina pa ay naipasa na rin ni Lyn at Helen ang kani-kanilang test papers. "Hay sa wakas ay natapos din." pabuntong hininga ni Lyn. Ring.. Ring... Ring.. tunog ng kampanana sa paaralan ito ay senyales na recess na. Oras na para kumain o magpahinga. "Oh! tara na... kain tayo sa canteen." pagyayaya ni Helen kay Lyn. Upang maibsan na rin ang lungkot na nararamdaman ng kaibigan. Recess narin nila ng mga sandaling iyon kung kayat pupuwedeng lumabas ang bawat mag-aaral sa kani-kanilang klase. Saktong naroroon din si Lance kasama ng mga kaibigan nito na napapangiti nung makita sa Lyn. Pati mga kaibigan ng binata ay tila may kilig na nararamdaman para sa dalawa. "Magkano po yung banana cue Ate?" tanong ni Lyn sa tindera sa canteen may katandaan narin kasi ito. "Abay limam-piso lang Ineng." Bumili si Lyn ng dalawang banana cue at ibinigay ang isang stick ng banana cue sa kaklase na si Helen. Nagkakuwentuhan sila.Napagkasunduan nila na pumunta sa cottage kasama din ang grupo ni Lance. Kasama naman ni Lyn ang kaibigan na si Helen. Ring.... Ring... Ring.. Tunog ng kampana sa paaralan. Iyon kasi ang hudyat na patapos na ang recess."Bye." mauna na kami"paalam ni Lyn sa binata. Habang hinihintay si Helen na maubos ang kinakain nitong banana cue. " Papasok narin kami. "tugon ni Lance sa binata. Malapit lang kasi ang room nina Lance sa may canteen kayat hindi naman ito masyadong nagmamadali.Malayo-layo pa kasi ang lalakarin nina Lyn at Helen papunta sa kanilang silid-aralan.Kayat nagmamadali na ang dalawang magkaibigan sa paglalakad. Dahil kapag mahuli sila ng pasok sa classroom ay tiyak lagot na naman sila sa kanilang Math subject teacher. Papauwi na sila ng hapon na iyon. Minamasdan na naman ni Lance ang dalaga sa may school gate.Inaabangan ang paglabas nito. Panatag na kasi ang loob nya kapag nakikita nya itong pauwi na. At saka na rin siya uuwi. Laging ganoon ang kanyang ginagawa tuwing may pasok. Hindi rin lingid kay Lance ang nababalitaan tungkol sa kasintahan ni Lyn. Matagal nya na itong alam, ngunit hindi nya na lang iyon ikinukuwento sa dalaga. Bastat ang alam nya ay may lihim siyang nararamdaman para kay Lyn. Nag-iisa lang si Lyn ng mga oras na iyon. Hindi nya kasama ang kanyang nobyo.May sumasagi sa isip niya na gustung-gusto niya ihatid ang dalalga pauwi. Nagdadalawang - isip siya. Huwag nalang sambit niya sa sarili. Isang pagtitipon ang ginanap ng mga katekista sa may simbahan.Araw ito ng linggo. Napagkasunduan nila na magkakaroon sila ng confession sa susunod na linggo. Ang tema ay lahat ng kagalit nila sa isa't isa ay patatawarin . Sa paraang ito ay maibsan ang galit sa isa't isa at pagbabatiin ang magkaaway. Gabi nila gaganapin ang programang iyon. At doon narin sila matutulog sa simbahan. Si Lyn at Lance ay magkatabi sa pagtulog nang gabing iyon. Habang ang iba pa nilang kasamahan ay magkakatabi din sa pagtulog. Malalim na ang gabi ay nagkakuwentuhan parin si Lance at Lyn. Hanggang sa pinatay na ang ilaw ng simbahan. Hindi nagtagal ay nakatulog narin ang mga ito. Tahimik na at baka maistorbo narin ang mga katabi sa pagtulog dahil kahit kaluskos lang ay rinig na iyon, lalong-lalo na ay natutulog na ang ibang kasamahan. Kung kaya't minabuti nalang nag dalawa na matulog na rin. Nakatakda rin silang umakyat sa bundok ng Pini kinabukasan dahil doon nila idadaos ang pangalawang activities ng confession.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD