"Sali kana, alalayan naman kita." sambit ni Lance na pilit pinapaliwanag sa dalaga ang tungkol sa pagiging katekista.Habang abalang abala ang ibang miyembro ng katekista sa pag-eensayo. Nasa loob lamang sila ng simbahan ng mga sandaling iyon.
"Sige na nga." sagot ni Lyn na tila bang napipilitan at nagdadalawang isip pa sa sagot nito.Subalit kinalaunan ay nahikayat narin siya sa pagpapaliwanag ng binata.
Bagamat nahihiya din siya kay Lance sa pagtanggi dito sapagkat isa ang pamilya ni Lyn na taga-silbi ng simbahan, lalong - lalo na isang kaabag o pari- parian ang kayang lolo sa simbahan, at nagsilbi din ito sa kanilang parokya ng mahabang panahon.
Isa rin si Lance sa mga leader ng katekista sa kanilang simbahan. Dagdag pa nito ang pagiging sakristan, kung kayat madaling napasali ang dalaga at dahil magaling din si Lance sa pagtuturo. At hindi lang ito, gusto niya talaga ang kanyang ginagawa at lalong-lalo na ang paglilingkod sa simbahan. Matagal tagal naring miyembro ng katekista itong si Lance. Minsan ay naaatasan pa siya sa iba't ibang lugar para sa pagpapalaganap ng katekista.
Naka-assign silang pareho ni Lance sa iisang paaralan ng elementarya. Ito din ang paaralan kung saan sila nagtapos ng elementarya ni Lance. Magkaibang baitang naman ang kanilang tinuturuan. Samantalang si Lyn ay naka-assign sa ika-6 na baitang.
"In the beginning... the lord made the earth ???." sabay-sabay na pagkanta nito kasama ng mga bata. Ito kasi ang pambungad na awitin bago sila mag umpisa ng kanilang leksyon.Kasama nya sa pagtuturo ang kamag-aral na si Melanie. Kaklase nya sa junior high school. Isa rin ito sa pinakamatalino sa kanilang klase. May paghanga din itong si Melanie kay Lance. Bagay na nahahalata ni Lance dahil sa mga ikinikilos nitong si Melanie,kapag kasama nya ito sa mga activities ng simbahan.
Nakailang beses narin kasing nahuhuli ni Lance ang palagiang pagtitig at pagsulyap nito sa kanya nitong si Melanie.
Napansin niyang may nakasilip sa bintana sa labas ng silid-aralan.Ngunit natitiyak niyang si Lance ito, sapagkat naaaninag na niya ang kaputian ng binata. May pagkamestiso din ito.at kahit nakabilad pa sa araw ay hindi man lang nangingitim ang kulay nito.Ngunit itong si Melanie ay panay din ang sulyap nito sa binata na animoy sya ang hinihintay at tinatanaw sa may bintana ng silid-aralan na kanina pang nag-aabang sa kanilang paglabas.
Isa din sa gustong-gusto ni Lyn sa isang lalaki ay may kaputian, sapagkat siya ay morena at hiling nya na dapat makatagpo siya ng lalaki na mas maputi pa kaysa sakanya. Ngunit hindi matangkad si Lance. Halos kaunti lamang nag deperensya ng taas nya sa dalaga.
Hiya at pagkakailang ang naramdaman ng dalaga ng mga sandaling iyon.Bakas sa mukha nyang morena at nakalugay nyang itim na buhok na hanggang balikat. Na-iilang siya sa pagkakatitig ni Lance at baka may masabi din sa paraan ng kanyang pagtuturo sa mga bata, sapagkat hindi pa siya sanay dito.
Hakaabang parin si Lance sa may pintuan ng silid-aralan habang hinihintay na matapos sa pagsusulit ang mga bata. Nang matapos na, ay kanya-kanyang pinasa ng mga bata ang mga test paper na sinagutan. Ito kasi ang paraan upang malaman kung may natutunan ang mga bata sa mga tinalakay nila sa araw na iyon.
"Lance, sinong hinintay mo.?"tanong ni Lyn sa binata." Sino pa eh di, ikaw. "sagot ni Lance." Sabay na tayo,total nadadaanan naman ang bahay nyo,hatid muna kita bago ako uuwi."habang pabulong nito at baka marinig nito ni Melanie. Samantalang batid ni Melanie na magkalapit lang ang bahay nina Lance at Lyn.
" Sige uuwi narin ako. "pamamaalam ni Melanie sa dalawa. Sapagkat malayo-layo pa ang bahay ni Melanie. Nakatira ito sa liblib na lugar.May iba din siyang kasama na taga-roon sa kanilang lugar , kayat nakisabay nalang si Melanie sa mga ito. Samantalang sina Lyn at Lance at nasa bayan lang ang kani-kanilang mga bahay at malapit lang din ito sa paaralan.
" Sige ingat sa pag-uwi. "banggit ni Lyn sa kakalse , Habang bitbit ang bag at libro.
" Talaga, sasamahan mo ako sa pag-uwi? "sambit ni Lyn na napapabilib nalang sa lalaki, dahil sa may pagka gentleman ito.
Habang papalapit na sa bahay nina Lyn ay nagpaalam narin ang dalaga sa binata . "Paalam din" sagot naman ni Lance sa dalaga.Magdidilim narin ng mga sandaling iyon.
"Kasama mo ba si Lance." tanong ng tiyahin ni Lyn na may halong biro."Opo Auntie kasabay ko sya sa pag-uwi ginabi napo kasi kami." tugon naman ni Lyn sa Tiyahin niyang nang-aasar.
"Uy." pabirong kantiyaw ulit ng kanyang Tiyahin na parang kelan lang naman ay nasa bintana ito at nakamasid habang papalapit na silang dalawa ay bigla itong umalis na animo'y walang nakita. Ngunit parang hindi nya alintana na napansin na iyon ni Lyn bago pa lamang siya pumasok ng bahay.
Napapabalikwas nalang sa pagkakahiga si Lyn ng gabing iyon. Hindi niya alintana ang pagsagi sa isipan nya ang binata.
"May iba naba akong nararamdaman para kay Lance." tanong nito sa sarili na para bagang kausap ang sarili. Dahil sa tuwing nakikita nya si Lance ay bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.Maya-maya'y nakatulog narin ito.
Kinabukasan ay papasok na si Lyn sa paaralan. Nakatanaw lamang si Lance sa dalaga habang kasa-kasama ang nobyo nito.Ngunit nagkasya na lamang ito sa pagtanaw nya sa dalaga na nasa malayo.
"Nakapasok na pala si Lyn sa silid-aralan nila." pabirong sabi ng isa sa mga kaklase ni Lance ngunit matalik din nyang kaibigan ang mga ito.
"Nakita kona rin siya kanina sa may school gate bago pumasok." sambit pa ng isa nya ring matalik na kaibigan.
Ito kasing si Lance ay palihim na inaantay ang pasok at paglabas ni Lyn sa silid-aralan, hindi rin nakakaligtas sa kanyang mga mata hanggang sa pag-uwi ng dalaga. Hindi rin ito lingid sa kanyang mga kaibigan sapagkat sila lamang ang nakakalam sa lihim na pagtingin nya para kay Lyn. Kung kaya't alam na alam na ng mga kaibigan nito ang palagiang pagmamasid ni Lance kay Lyn. Doon ay masaya na si Lance sa kanyang ginagawa,basta't makikita lamang ang dalaga sa araw-araw.
"Wala ka ng pag-asa." kantiyaw ng isa pa nyang kaibigan, alam din nila na may nobyo itong si Lyn. Ngunit pananahimik nalamang ang tugon ni Lance sa mga ito.
Habang papauwi galing paaralan si Lyn ay napagawi ang tingin nya sa may kubo. Isang lalaki ang pasimpleng tumutugtog ng gitara. Walang iba kundi si Lance iyon. Ito ay nasa ibabang bahagi ng bahay nila. Ang kubong iyon na sinadyang ipinatayo ng kaniyang ama upang gawing pook-pahingahan. Ngunit hindi sya sigurado kung nakita siya nito ng binata.At dahilan din sa tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad.
Napadaan lamang si Lyn dahil ang bahay nina Lance ay malapit lamang ito sa kanilang paaralan.nadadaanan lamang ito. Habang sa paglalakad ni Lyn ay hindi na nya namamalayan na napapangiti na siya habang nasa imahinasyon nya ang binata na may hawak ng gitara. Naiisip nya na tila gumaguwapo ang binata sa paghawak ng gitara.
"Bat ba sumasagi siya sa isipan ko." naitanong na naman nya sa kanyang sarili kapag natatauhan siya.
Nang malapit na siya sa may tindahan ay naroroon ang kanyang lola na nakabantay sa kanilang tindahan. Meron din itong gilingan ng palay at mais, kasabay nito ang pagba buy and sell nila ng kape, at kalaunan ay binebenta nila ito sa bayan kapag marami na silang napamili.
Sumasagi na naman sa isipan nya ang binata,. Hindi niya namamalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng kanyang lola. Kinukumusta ang pag-aaral nya,habang nakalutang sya sa hangin ng dahil sa pag-iisip sa binata.