Chapter 6

1376 Words
Tamara Dilumaque  NANG marinig ni Zandrick ang boses na iyon ay agad siyang napatayo at sumunod na rin ako. Medyo hinapuhap ko pa ang nasaktan kong balakang. "Wala ka talagang pinapalampas, Zandrick. Pati ba naman ang walang kamuwang-muwang na si Tamara ay dinamay mo pa sa mga kalokohan mo? Pwes! Huwag ka nang maghanap ng mapapangasawa! Si Tamara na ang ipapakasal ko sa iyo," galit na wika ni Lolo Zandro, habang papalapit siya sa pwesto namin ni Zandrick. Napayuko lang ako rito. Hindi pag-aasawa ang ipinunta ko sa rito sa siyudad, kundi paghahanap ng trabaho, upang maipagamot ang amang ko. "Tamara, ayos lang ba iyon sa 'yo?" baling sa akin ni Lolo Zandro. Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Lolo Zandro. "Tamara, naiintindihan ko. Pero sana naman i-consider mo ang pagpapakasal sa barumbadong apo ko," anito. "What?! Lo, naman! Ipapakasal mo ako sa isang hamak na probinsiyana at janitress natin dito? Are you out of your mind?" nakasigaw na sabi ni Zandrick. Galit na galit na rin siya. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako sa kanya, dahil ayaw niya ring magpakasal. O, masasaktan? Kasi grabe siya kung makapang-lait sa akin. "Your mouth, Zandrick! Sumusobra ka na talaga. Anong masama sa pagiging janitress? Alam mo bang mas proud pa ako sa kanya, kaysa sa iyo?" Lumambot ang mukha ni Zandrick. "Proud?" umismid siya. "Proud ka sa kanya? Pero sa sarili mong apo, hindi? All my life, ginawa ko ang lahat para maging proud ka rin sa akin, Lo. I manage your company simula nang mamatay sina mama at papa.  Kahit ayaw ko, pinilit ko... Kahit hindi ito ang gusto kong gawin, pinilit ko, maging proud ka lang sa 'kin... Pero bakit ganun? Ang babaeng 'yan? Ilang araw mo lang yata nakilala 'yan. Tapos proud ka na sa kanya? Ang galing!" Lumambot na rin ang ekspresyon ni Lolo Zandro. "Apo, sana naman maintindihan mo ako," mahinahon niyang sabi. "Ako, Lo? Inintindi mo ba ako?" sagot ni Zandrick. Hindi na ako nakisali pa sa kanila. Dapat nga ay umalis na ako rito. Pero mas pinili kong makinig sa kanila. Gusto kong magkaayos na silang mag-lolo. "Apo, ginagagawa ko ang lahat ng ito para din sa ikinabubuti mo. Kapag nawala na ako sa mundong ito, payapa akong makakapunta sa paroroonan ko, dahil alam kong nasa mabuting kalagayan ka na," paliwanag ni Lolo Zandro. Tinapik-tapik nito ang balikat ng nakayukong si Zandrick. "I-I'll marry her, then," pagsuko na lamang ni Zandrick sa kanyang lolo. Mahal niya talaga si Lolo Zandro. Kasi hindi naman siya mapipilitang magpakasal sa isang kagaya kong probinsiyana lang. "Good decision, Zandrick, apo," nakangiting sabi ni Lolo Zandro.  Pagkatapos sabihin iyon ni Lolo Zandro ay umalis naman siya kaagad. Naiwan kaming dalawa ni Zandrick sa loob ng opisina niya. Aalis na rin sana ako, nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko. "...At saan ka pupunta?" tanong niya, nakakunot na rin ang kanyang noo. "L-lalabas lang po ako, Sir Zandrick," sagot ko sa kanya. Medyo nanginginig pa ako. Baka sa akin niya ibaling ang galit niya. Natatakot ako. "Mag-uusap tayo," seryosong wika niya. "A-ano po ang pag-uusapan natin?" "Don't be naïve. Alam kong alam mo ang pag-uusapan natin." "N-niyog po? Wala po akong niyog na dala." "Ampucha, naïve ngang talaga," mahinang bulong ni Zandrick, na narinig ko naman. "Mag-uusap tayo ng tungkol sa kasal-kasalan natin." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nang sinabi niya mismo ang salitang kasal-kasalan. Siguro nga, isa lamang itong laro para kay Zandrick. Para sa akin kasi ang kasal ay dapat sagrado, hindi lang dapat isang laro. "O-okay po, Sir Z-Zandrick." "Madali ka rin naman palang kausap, Naïve." "Itutuloy po ba talaga ninyo ang pagpapakasal sa isang hamak na janitress lang?" nakayuko kong wika. Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Look, I didn't mean what I said earlier. Nabigla lang ako." Napatingala ako sa kanya. "Pero tama naman po ang sinabi niyo, Sir Zandrick. Isa lang po akong hamak na probinsiyanang janitress niyo rito."  Hinawakan niya ang aking baba paangat. Nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, kaya pinili ko na lang na ipiling ang aking ulo. "Hey, look at me," malambing niyang sabi. Kusa naman akong tumingin sa kanyang mga mata ulit. "B-bakit po?" "Mag-uusap tayo," sagot niya. Agad niya ring binitawan ang mukha ko. Tumalikod siya at pumunta sa kanyang upuan na umiikot. Inilagay niya ang magkabilang siko sa lamesa na nasa kanyang harapan. Sumunod na ako sa kanya. Nananatili pa rin akong nakatayo. "Umupo ka sa may sofa," utos niya na agad ko namang  sinunod. Umupo ako sa kulay itim na sofa malapit sa kanya. "Let us talk about our set up, Miss Dilumaque," panimula niya. "Kilala niyo po ako?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Yeah," sagot niya, sabay turo sa may bandang dibdib ko. "Bastos!" singhal ko sa kanya. Ang galang ko nga sa kanya. 'Tapos kung makaturo sa dibdib ko parang wala lang sa kanya.  Sa Sitio namin mahawakan ka lang halos ipakasal ka na sa lalaking nakahawak sa iyo. Si Zandrick parang normal na lang sa kanya ang mambastos ng babae. "What? Anong ginawa ko? Bakit naman ako naging bastos, ha?" nakakunot-noong sabi niya. Kung titingnan, para nga siyang inosente dahil sa mukha niya. Pero bastos siya! "Tinuro mo ang dibdib ko! Tama nga ang pangaral ni amang sa akin! Mga wala  kayong modo rito," nakaismid kong sabi. "Look, Miss Dilumaque, nagkakamali ka. Tinuro ko lang naman ang namepatch mo." Napanganga ako at napatingin sa damit. Nakalimutan kong may burda pala ng pangalan ko ang suot ko ngayon.  "A-ay, s-sorry po, Sir. Akala ko po kasi—" "Okay, enough. I understand. Masyado kayong conservative. Pero hindi kita minamanyak. Wala namang kamanyak-manyak sa 'yo, e."  Umubo muna siya saglit at may inayos sa damit niya, sa may bandang leeg. "Ano po ba ang pag-uusapan natin? Puweding bilisan lang po natin? May trabaho pa po kasi ako," sabi ko. "I'm the boss, Miss Dilumaque. Ako lang ang may karapatang utusan ka. At ang utos ko ay dito ka lang sa tabi ko. Naiintindihan mo?" Tumango-tango ako. "Opo, naiintindihan ko po." "Good. Magsimula na tayo. I want us to have a rules. At ako ang gagawa ng mga rules," sabi niya. "O-opo. Makikinig lang po ako." "Una; walang pakialamanan. Hinding-hindi mo ako puweding pakialamanan kapag may babae ako. Puwedi akong makipag-date. Samantalang ikaw, hindi puwedi. Makakasama sa good image ko." "Ang daya mo naman po, e," pagrereklamo ko. Hindi naman yata tama iyon. Hindi ba, dapat bawal sa isa ay bawal din sa lahat? "Ako ang boss dito, remember?" "Per—" "Walang pero-pero. Ako ang masusunod dito. Bakit? Boss ka ba?" Tila naiinis niyang sabi. "Kayo po ang bahala." "Pangalawa; dapat sweet tayo kapag nandiyan ang mga kamag-anak ko." "Pangatlo; Act as my wife. Ipagluluto mo ako, pagsisilbihan, at gawin mo ang mga obligasyon mo sa akin bilang asawa mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"  Ayos lang sa akin ang pangatlo. Bale, susundin ko lang ang mga ginagawa ni Inang kay Amang. Madali lang iyong pangatlo sa rule ni Zandrick. "Opo," sagot ko. "Pang-apat; Kung nasaan ka, dapat ipaalam mo sa akin. Mamaya niyan hahanapin ka nila sa akin. Tapos wala akong kamuwang-muwang kung nasaang lupalop ka na ng Pilipinas. At hangga't sa maaari, kung nasaan ka, dapat kasama mo ako," sabi niya. "Opo," sagot ko. "Saka na ang iba.  Sa ngayon, iyon lang muna. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Dilumaque?" seryosong tanong niya. "O-opo, Sir Zandrick," sagot ko. Sandali siyang napaisip. "Ang pangit naman kung Sir Zandrick ang itatawag mo sa akin. You're my acting fiancé. We should have our endearment. What do you think?" "A-ano po iyong endearment?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang word na iyon. Hindi familiar sa akin ang "endearment" na sinasabi ni Sir Zandrick. At saka bakit naman namin kailangan ng ganoon? Walang endearment ang amang at inang ko. "Kahit huwag na po. Importante po ba 'yon?" "Ampucha, kahit huwag na lang? Alam mo bang lahat ng mga kababaihan makikipagpatayan mabigyan ko lang sila ng endearment? 'Tapos ikaw—" "Grabe naman po pala ang endearment. Nakakamatay. Bata pa po ako para mamatay. Kaya bigyan niyo na po ako ng endearment. Ngayon na!" "You're so naïve... Ampucha, kakayanin ba kita?" pabulong na sabi ni Zandrick, pero narinig ko naman. Pansin ko lang ang hilig niyang bumulong-bulong. Puwedi naman niyang lakasan ang boses niya, para marinig ko nang maayos. "Simula ngayon; Sweetheart na ang itatawag mo sa akin," seryosong sabi niya. "B-bakit naman po— sweetheart?" nahihiya kong tanong. "Wala lang, gusto ko lang. May problema ka ba do'n, sweetheart?" sabi niya, at hindi na ako nakasagot pa. Bakit nakikipagpatayan ang mga babae sa simpleng pagtawag lang ng sweetheart? Baliw ba sila? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD