Chapter 7
Habang abala ako sa pagluluto ay nagulat na lamang ng bigla na naman silang sumulpot ng hindi man lang gumawa ng tunog na nasa aking likuran na pala silang dalawa.
.
"Pasaway talaga kayong dalawa,paano nalang kung natapon itong mantika sa inyo?!" Wika ko sa aking mag-ama.
"Sorry Hon!" Sorry Mom!" Sabay pa nilang paghingi sa akin ng dispensa na ikinatawa ko ng malakas dahil ang akala nilang dalawa ay galit talaga ako.
"Ano kayo naman ang naprank ni Mommy,kayo kasi ang hilig niyo na gulatin si Mommy!" Nakangiting sabi ko na sa kanila.
"Kunin niyo na lamang itong ibang niluto ko para naman makakain na tayo!" Utos ko sa kanilang dalawa na agad naman nila na sinunod , ibinigay ko naman sa kanila ang ibang niluto ko para dalhin na nila sa dining table.
Nang matapos ako na magluto ay isinunod ko na din ang iba at pagdating ko sa dining ay may bungkos ng flower naman na hawak ang aking asawa,habang ang anak ko naman ay nasa gilid at may dala din na parang box na tila lalagyan ng isang jewelry.
Inilapag ko muna ang aking mga dala sa mesa at lumapit naman sila sa akin.
“Hon, tanggapin mo ang simpleng regalo namin sayo ng anak natin,alam ko naman na simpleng araw lang ito para sayo,pero para sa akin ay ito ang petsa kung kailan nakilala ko ang pinaka magandang babae na siya palang magbibigay sa akin ng labis-labis na galak at saya sa aking buhay.” Puno ng sensiridad na wika sa akin ng asawa ko at hindi ko na napigilan ang mga luha na unti unti ng tumutulo sa aking pisngi.
“I love you Mommy! I love you Daddy!” Sabi naman ng anak namin na ibinigay naman sa akin ang isang pair of diamond earrings na alam ko na binili din ng asawa ko.
“Grabe naman ito Hon!” Sabi ko dito habang pinupunasan ko ang mga luha ko na ayaw tumigil.
“Mommy isuot na po natin ito sayo,” excited na wika sa akin ni Felicity na agad naman ako na umupo sa harapan nito at tinulungan ako ng dalawa sa pagsuot ng hikaw na alam kong hindi din biro ang halaga.
“Ayan Mommy!” Bagay na bagay po talaga sayo.” Pambobola pa ng anak ko sa akin na sinabayan din ng daddy niya.
“Wow!” Hon tama nga si Monica babagay sayo ang diamond earrings na iyan.” Wika pa nito sa akin na hindi na din ako nagulat na kasama niya pala si ate ng bumili siya nito.
“Salamat Hon!” Nagustuhan ko ang regalo at salamat din sa magaganda at napakabangong bulaklak na ito!” Sabay amoy ko sa mga bulaklak.
“Tama na nga ito,ang aga aga pinapaiyak niyo si Mommy” Wika ko sa kanilang dalawa at nilagay ko muna sa tabi ang bulaklak para makakain na muna kami.
Buong maghapon ay nanatili lamang sa mansion si Zachary at panay lamang din ang luto ko ng mga nirerequest nila sa akin na niluluto ko din naman.
Sinusulit namin ang bawat araw na hindi pumapasok ang asawa ko sa opisina,dahil kahit ito ang CEO ay hindi din naman ito iyong tipo na kapag ayaw pumasok ay hindi talaga papasok minsan nga kahit may sakit basta't kailangan siya sa opisina ay agad itong pumupunta, napakaresponsable din nito sa kanyang mga empleyado.
_____________________________________________
Habang Masaya na nagbobonding ang pamilya ni Candice sa mansion ay may pares ng mga mata naman na nagmamatyag sa kanila sa labas ng mansion.
Gamit ang isang telescope ay nakikita nito ang bawat galaw ng mga tao sa loob ng mansion na tila kabisadong kabisado nito ang buong paligid.
“Magsaya ka lamang ngayon Candice,dahil sa mga susunod na araw ay grabe ang hirap na dadanasin mo dahil sa sakit na ipaparanas ko sayo!” Sabi sa kanyang sarili ni Monica tila ba may masama talaga itong binabalak sa walang kamalay malay na kapatid.
Matagal na din kasi itong may lihim na inggit at galit sa kanyang step-sister,mula kasi sa kanilang pagkabata ay ito lang ang naging paborito ng Daddy niya.
Kung tutuusin kasi ay dapat ito lang ang magiging nag-iisang anak ng Daddy niya kung hindi lang umalis ang Mommy niya noon at pinili ang career nito kaysa sa Daddy.
Kaya naman nakilala nito ang Mommy ni Candice na siyang pinakasalan nito at minahal ng higit pa sa pagmamahal nito sa mommy niya.
Kaya ng ipakilala siya ng Mommy niya noon sa Daddy niya ay kinailangan pa na ipa DNA test pa siya para lamang maniwala ito na totoo ang sinasabi ng Mommy niya at ng lumabas nga na positive ay tila hindi din naman ganoon katulad sa binibigay nitong atensyon kay Candice ang naibibigay nito sa kanya,bagkus ay tila ba nanglilimos nalang siya ng pagmamahal dito kaya naman lalong lumalim ang sama ng loob sa Daddy at sa nag-iisang kapatid niya lalo na ng dumating pa si Zachary sa buhay nila na kung tutuusin ay siya ang unang makilala nito dahil si Zachary ay naging batchmate at talaga noon pa man ay nagpapansin na siya dito.
Kaya naman nagulat na lamang siya kung paano ito nagkakilala ng kapatid niya dahil magkaibang university sila nito nag-aral noon,kaya naman ng ligawan nito si Candice at sa kalaunan ay pinakasalan nito ay doon lalo pa lumalim ang inggit nito sa kapatid na sumumpa pa ito na gagawin ang lahat para lamang mapaghiwalay ito at ang lalaking kanyang minahal ng sobra na hindi man lang binigyan ng pansin.
Kaya naman ng mag-resign ang secretary nito na kinailangan niya pa na bayaran ng malaki para lamang mag-resign ito at iyon ang ginamit niya para makalapit kay Zachary, ngunit kahit na anong gawin ay tila ba napaka ilap pa din nito dahil kahit halos napakasexy na ng mga sinusuot niya na mga damit kapag pumapasok siya ay tila ba balewala lamang dito.
Para bang ordinaryong empleyado lamang ang tingin nito sa kanya.
Dito niya din napagtanto at nakita kung gaano nito kamahal ang pamilya na binuo nito kasama ang kinamumuhian niya na kapatid,na dapat ay siya sana kung hindi lang umepal sa landas nila si Candice.
“ Hayop ka Candice!” Magsaya ka lamang dahil ang mga ngiti mo na yan ay maglalaho na din!” Sabi nitong muli na tila ba nanggagalaiti sa galit sa kanyang kapatid.
Pinasibad na nito ang kotseng dala at nagpunta na lamang sa isang bar kung saan ito madalas tumambay kapag nakikita niya na masaya si Candice at matagumpay sa lahat ng bagay.
********************************”********************
Lumipas ang halos kalahating taon pa at naging maayos naman ang pagsasama ng mag-asawa hanggang sa isang gabi na pag-uwi ni Candice ay tila ba kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan.
Gabi na din kasi natapos ang party kung saan ay naimbitahan siya na pumayag naman ang asawa niya.
“Tulog na siguro ang mag-ama ko! Ang haba naman kasi ng traffic na ito kaya naman halos isang oras na siya na stock dito.
Hanggang sa nakarating na si Candice sa mansion at tama nga siya na tila tulog na ang mag-ama niya,maging ang mga kasama nila sa bahay ay tila nahihimbing na din na natutulog kaya naman naging maingat na lamang si Candice sa kanyang paglalakad ng sa gayon ay wala na siyang maistorbo pa.
Habang paakyat sa kwarto nila ay hindi pa din nawawala ang kaba nito sa kanyang dibdib, pinuntahan niya muna ang kwarto ng anak na tulog na tulog na din pala,nilapitan niya ito at hinalikan sa kanyang noo,lately kasi ay naging napakabusy dahil pagkatapos ng matagumpay na kasal nila Mr and Mrs Cullen ay nagsundo sundo na din ang pagdagsa ng kliyente na kinailangan niya na din na maghire ng ibang tao.
Nang masiguro niya na okay naman ang anak ay nagpunta na siya sa kwarto nilang mag-asawa at pagtapat niya sa harap nito ay napansin niya na tila bahagya itong nakabukas at ang kaba na kanyang nararamdaman kanina ay tila lalong lumakas ngayon,dahil tila ba may narinig siya mula sa loob na ungol ng dalawang tao at natatakot man na malaman kung kanino,sino ang nag-mamay-ari ng mga ungol na naririnig niya ay naglakad loob ito na buksan ang pinto ng kanilang kwarto at pagbukas ay tumambad sa kanya ang asawa at kapatid na tila sarap na sarap sa ginagawa nilang kalaswaan ng dalawa na hindi na alam ni Candice kung nanaginip ba siya o totoo ang kanyang nakikita o pinaglalaruan lamang siya ng kanyang paningin nakailang pagkisap ng mata pa siya at pinipilit na itinatanim sa kanyang isipan na masamang panaginip lamang ang kanyang nakikita, ngunit nagkakamali siya dahil sa muling pagmulat niya ng kanyang mga mata ay buong husay pa din na nagniniig ang dalawa sa kanyang harapan na tila ba hindi pa din napapansin ng mga ito na dumating na siya.