Halos buong araw na naman na nagkulong sa kwarto niya si Zachary at hindi na din ito madalas na nakakapasok sa opisina,tanging ang bestfriend nito na si Elias na lamang muna ang pinag-aasikaso nito ng lahat at katuwang naman nito si Monica na kahit gustuhin man niya na tanggalin bilang sekretarya niya ay hindi niya din magawa dahil magaling naman talaga ito sa trabaho at hindi niya ito masisi ng tuluyan sa nangyari sa kanila,dahil siguro nga ay nakalimot lamang sila ng gabi na iyon dahil na din sa tama ng alak ng may mangyari sa kanila na siyang tagpo na inabutan ng kanyang asawa na naging sanhi ng pagkawala nito. "Zach!" Sigaw ng isang tinig mula sa labas ng silid ni Zachary na alam na alam niya kung kanino galing. Bumukas ang pinto at bumungad kay Monica ang magulong kwarto ng lalaki n

