CANDICE SALAZAR P.O.V
Narinig ko na ang sasakyan ng aking asawa na papasok na ngayon ng aming garahe kaya naman agad ko na inayos ang aking sarili,dahil katatapos ko pa lamang na magluto para sa aming hapunan.
Aking gusto kasi na ako mismo ang maghahanda ng aming kakainin at gusto ko din na maging hands on sa lahat lalo na sa mag-ama ko,kahit pa nga may mga kasambahay kami ay hindi ko iniaasa sa kanila ang lahat.
Lumabas na ako at sinalubong ito ng mahigpit na yakap at halik sa mga labi nito.
Hon,”kumusta sa office?” Tanong ko sa aking asawa na kagagaling lamang ngayon sa kompanya na siya mismo ang CEO.
Ang kompanya na minana niya sa kanyang yumaong ama at ina.
“Okay naman hon,medyo nakakapagod lang ngayon dahil natambak ang mga kailangan ko na ireview at pirmahan para sa kompanya.” Sagot sa akin ng asawa ko na halata sa boses nito ang pagod na nararamdaman ngayon.
Natambak siguro ang trabaho nito dahil sa isang linggo namin na bakasyon ng pamilya dahil ito ang birthday gift niya sa akin,nag second honeymoon na din kami doon.
Dahil makalupas ang halos anim na taon ay nito lang kami nakapamasyal na buong pamilya na talaga naman na enjoy namin kasama ang unica ija namin na si Felicity.
“Mabuti pa ay kumain na muna tayo hon,dahil nakapagluto na din ako at si Felicity ay nasa taas ngayon dahil katatapos lamang ng tutor nito sa session nila ngayon araw.”Pag-aya ko sa aking asawa at aking hinila na ang kamay nito papunta sa dining area.
Pagdating namin sa dining area at agad ako na naghain ng aking niluto na special na kaldereta na paborito ng aking asawa kaya naman inaral ko talaga ang pagluluto nito.
Nang matapos maghain ay narinig ko naman ang boses ni Felicity na tila hinanap ako.
“Mom,where are you?” Sigaw nito na rinig na rinig namin na mag-asawa.
“Pupuntahan ko muna si Felicity hon,para sabay-sabay na tayo na kumain.” Paalam ko sa aking asawa at lumabas na ng dining area para tingnan si Felicity na rinig na rinig ko pa din ang boses napaka Mama's girl talaga nito na kahit noong baby pa ito ay hindi ko ito magawa na maiwanan sa ibang tao dahil kapag nawawala ako sa paningin nito ay iyak na lamang ito ng iyak kaya mula ng ipanganak ko ito ay madalas na lamang kami nito dito sa mansyon.
Nakita ko ito sa gilid ng stair na tila paiyak na dahil sa hindi ako nito nakita agad.
Anim na taon gulang na ito pero para sa amin mag-asawa ay isa pa din itong baby dahil nga sa nag-iisa lamang namin ito na anak namin at hirap din ako noon ng pinagbubuntis ko ito kaya naman hanggang ngayon ay ingat na ingat pa din kami dito ng akong asawa.
Nakuha din nito sa akin ang mukha nito na tulad ng laging sinasabi sa akin ni Zachary na tila daw kami pinagbiyak na bunga nito maliban lamang sa kulay ng balat dahil si Felicity ay nakuha ang kulay niya sa kanyang daddy na moreno.
“Sweetie! “ Tawag ko dito na agad na lumingon sa akin at tumakbo sabay yakap sa akin.
“Mommy!” Sambit pa nito habang nakayakap sa akin na maluha luha na.
“Ang aking akala po ay iniwan muna ako dito sa mansion!” Wika pang muli nito sa akin na bumitaw na sa pagkakayakap sa akin…
“Saan naman pupunta si Mommy at iiwan ka dito!” Wika ko dito ng nakangiti habang pinupunasan ko ang pisngi nito na may butil ng mga luha.
“Dumating kasi ang Daddy mo kaya dinala ko muna ito sa dining area,para sabay sabay na tayong kumain sweetie,ang balak ni Mommy ay tatawagin kita kapag nakapaghain na ako,kaya halika na at hinihintay na tayo ng Daddy mo.”Paliwanag ko kay Felicity na ikinangiti na din nito.
Pagdating namin sa dining area ay hindi pa din nag-uumpisa na kumain ang aking asawa at talagang hinintay kami nito.
“DADDY!” Tawag dito ni Felicity na agad na kumandong daddy niya na tila ba miss na miss nito.
“Kumusta ang babygirl ng daddy?” Hindi ka ba nagpapasaway kay Mommy?”Tanong dito ng aking asawa na ikinangiti ko na lamang dahil ganito ang eksena palagi ng mag-ama ko.
“No,daddy Iagi ko po na sinusunod si Mommy at si teacher Elaine kaya nga po ang dami ko na star,tingnan mo po!”Sabay taas ng dalawang kamay nito na napaka dami nga ng star dahil sa halos lahat naman talaga ng activity na pinapagawa dito ay lahat na pe-perfect nito,dahil nakuha din nito sa aming mag-asawa ang talino nito.
“Kayo talagang dalawa halika na kayo at mamaya na kayo magkwentohan na dalawa diyan,kumain na muna tayo!”Sabi ko sa kanilang dalawa at agad naman na sumunod si Felicity dahil buamba na ito sa daddy niya at umupo na sa kanyang upuan.
Nagdasal at pagkatapos ay tahimik na kaming kumain na pamilya.
Pagkatapos namin kumain ay humirit pa ang aking asawa at binola pa ako.
“Grabe hon,ang sarap sarap talaga ng kaldereta na ito na niluluto mo kapag nagrerequest ako sayo!”Sabi pa nito sa akin ng nakangiti.
“Nambola ka pa diyan!”Sagot oo dito ng pabiro habang tinulungan na din ako ng aming kasambahay na si Leni para ilagay sa hugasan ang aming pinagkainan.
“Kumain ka na din Leni ayaw mo kasi maistorbo sa paglalaba mo kaya hindi kana nakasabay sa amin ng Sir mo!” Wika ko kay Leni na halos kasing edad ko lang din naman anak ito ng mayordoma ng aking asawa na kung titingnan mo nga ito ay hindi mo ito mapagkakamalan na kasambahay dahil maingat ito sa kanyang sarili at sa aking pagkakaalam ay nag-aaral pa din ito at nasa huling sem na ito ngayon na taon.
“Pasensya na po Madam nasanay na po kasi ako na tapusin muna ang aking mga gawain bago kumain,” sagot nito sa akin na ikinasimangot ko dahil sa halos isang taon na ito sa amin ay madalas madam pa din ang tawag nito sa akin,kahit pa sinabihan ko na ito na Candice na lamang ang itawag sa akin.
“Di ba ang aking sabi sayo ay h'wag muna akong tawagin na madam,Leni dahil gusto ko dito sa aming tahanan ay ituring niyo ako na parang kapatid niyo lamang dahil para sa akin ay hindi lamang kayo isang utusan naiintindihan mo ba Leni!”Wika ko pa dito.
“Opo aking naiintindihan Candice, pasensya na kung palagi ko na nakakalimutan ang bilin mo sa akin,nakakahiya din kasi kay Sir Zachary kung tatawagin lamang kita sa iyong ngalan dahil ikaw ang kanyang asawa.” Sagot sa akin ni Leni na ikinalingon ko kay Zachary na ngayon ay karga na si Felicity na hinihintay na lamang pala Ako.
“Sundin niyo na lamang ang kagustuhan ng inyong madam kung ang gusto niya ay Candice lamang ang itawag niyo sa kanya ay ito ang sundin niyo!”Sabi ng aking asawa na ikinangiti ko na lamang dito.
“Oohh! Ayan mula na mismo kay Zachary ang utos kaya naman mula ngayon kada tatawagin mo ako na madam ay nabawasan ko ang sahod mo!”Pabirong sabi ko pa dito.
“Sige na kumain ka na diyan tawagin mo na din si Mang Hener ng sa gayon ay hindi ka nag-iisa na kakain diyan,kami ng sir mo ay aakyat na.” Bilin ko kay Leni.
“Opo Candice!” Sagot nito sa akin na natatawa na lamang ako,dahil naiilang talaga ito na tawagin lamang ako na Candice.
Inihatid na muna namin si Felicity sa kwarto nito at hinintay na tuluyan na makatulog na muna ito bago kami lilipat sa kwarto namin na mag-asawa.
Nagbasa muna ako ng story para kay Felicity na madalas ko ginagawa para makatulog na ito ng mahimbing ng mapansin ko nga na nakatulog na ito ay tinapik ko sa kanyang mukha si Zachary na nakatulog na din habang nakayakap dito ang aming anak kahit naman kasi Mama's girl ito ay sadyang napakalambing din nito sa aking asawa kaya naman kahit nag-iisa pa lamang ito na anak namin ay sapat na pero gusto pa din naman namin na bigyan ito ng kapatid.
“Hon!” Pabulong na sabi ko dito na tama lamang para marinig nito.
Dahan-dahan naman nito na inalis ang pagkakayakap dito ng aming anak na mahimbing na natutulog na.
Lumabas kami ng kwarto nito ng magkayakap hanggang sa makarating na din kami sa aming kwarto.
Nang makapasok kami sa kwarto ay agad ko na ito na inasikaso kumuha na din ako ng damit na pamalit nito para makapaghilamos muna ito bago kami matulog o baka nga hindi muna ako patulugin nito dahil sa halos anim na taon na pagsasama namin nito ay halos wala din itong palya sa pagpapaligaya sa akin sa kama.
Kahit noong nanliligaw pa lamang ay ramdam ko na ito ang lalaking magpapaligaya sa akin na totoo naman dahil wala na akong mahihiling pa,dahil mula ng makilala ko ang aking asawa ngayon ay ito na din ang kumulay sa mundo ko lalo na ng dumating sa aming si Felicity ay lalo pa itong naging mas malambing sa akin.