"Ma'am Stellar pinapatawag ka daw nila Dra. Laydia at Dra. De Leon" malamig na sabi sa kanya ni Sierra.
Bumuntong hininga na lang sya at tumayo sa kinauupuan. Expected na naman nya ang pag-papatawag sa kanya two days pa ang nakakalipas. Siguro nakarating na sa mga ito ang ginawa nya.
"Tell them I'll be there as fast as I could Sierra."
Tumango ito pero sa halip na umalis ay lumingon ito sa paligid at binabaan ang boses, "I-ready mo sarili mo Stellar, mukhang bad trip sayo sila lalo na si Doctora De Leon. Ikaw naman kasi!"
Nameywang sya at itinaas ang kanyang kilay, "So kasalanan ko pa ngayon?! Hindi porket nag-tatrabaho ako dito pwede na nila akong ipain sa pating! May damdamin din ako!"
"Pumunta ka na lang dun at mag-paliwanag Stellar. Good luck nalang sayo! Hmph!" ingos nito sa kanya sabay taas-noong lumabas ng opisina nya.
Umiling na lang si Stellar at lumabas na din ng office nya. Habang papunta sya sa opisina ng doktora ay nakita nya ang matatalim na tingin ng iba pang staff ng pavilion. Mapa-babae o lalaki ay masama ang vibes na binibigay sa kanya ng mga ito.
"Aray!" hiyaw nya ng biglang may bumangga sa kanyang likod.
Pag-lingon nya ay nakita na lang nya si Mystina na tulak-tulak ang food cart nito at nakasimangot sa kanya.
"Walang karapatang umaray ang mga taong tulad mo! Tulad mo na may pusong bato!" galit na sabi nito sa kanya sabay mabilis na pinasok sa kitchen ang food cart.
Lahat na ata ay galit sa kanya dito. Wala syang kakampi. Pero paano naman ang kanyang sarili?
"Come in." malamig na sagot ng isang babae ng kumatok sya sa pinto.
Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at nakita nga nya ang dalawang big bosses nya sa National Center for Mental Health na nakaupo sa harap nya.
"Sit down Ms. Maranan," utos ni Dra. Laydia sa kanya.
Pag-kaupo nya ay binuklat ni Dra. De Leon ang case file ni Drei at umiling-iling.
"I'm very disappointed of you Ms. Maranan, very, very disappointed. I thought nung tinanggap kjta na I finally found someone who will have a heart for our dear patients here," sabi ni Dra. Laydia sa kanya.
Tumungo na lang si Stellar at inihanda ang sarili. Sure syang sesesantehin na sya dahil sa kapabayaang ginawa nya kay Drei.
Nung kinantahan sya nito ay hindi na muli syang nagpakita dito. Natakot sya sa naramdaman para dito. Bilang psychologist ay alam nya na bawal na bawal sa kanya ang magkaroon ng hindi kailangang damdamin para sa pasyente. Nanganganib ang kanyang pagiging professional kagagawan ng pagka-babae nya.
"If it were for me, I would have you transferred to other pavilion. Pero our situation is dire. Dumagdag pa ang sulat na galing sa President natin," pahayag ni Dra. De Leon sabay basa sa hawak na papel.
"To the Psychiatrists, Psychologists, Nurses and Staff of the Private Pavilion. I humbly request as the President of the Republic of the Philippines that you give your best effort to help our dear patient and son of a close friend of our country, Drei Alcor von Tross. His country has high hopes for our expertise in his case and we must show not only their country but ourselves as well our prowess in the field of Mental Illness. Please don't give up hope and may our God bless you all."
Parang walang narinig si Stellar. Tanging nasa isip lang nya ay ang maka-alis sa pavilion na yun at kalimutan si Drei.
"This is a very hard job and responsibility Ms. Maranan. But I have full confidence that you will overcome this obstacle in your field of expertise. Sigurado akong makakatulong ang case na ito para lumawak ang iyong pang-unawa sa kursong natapos mo. Why don't you give it a try again Ms. Maranan? For the sake of our patient?" pakiusap ni Dra. Laydia.
Tiningnan nya ang dalawang doktora na mukhang pagod na pagod na at desperada na sa nakaatang na tungkulin sa kanilang balikat.
"How long do I have to attend to him?"
"As soon as kalmado na sya. Pwede na syang gamitan ng experimental shock therapy para maibalik sya sa normal nyang mental state," wika ni Dra. De Leon.
Tumango si Dra. Laydia at ngumiti, "You have to do everything to make him happy until then. Sa iyo lang sya nakikinig at ikaw lagi ang bukambibig nya tuwing nag-wawala sya. I must say you have quite an impact on him."
"So I have to do everything, sacrifice anything just to please him?" parang wala na ata syang kawala. Bahala na lang siguro.
"Yes Ms. Maranan. We have to maintain his good mood and calm state for a while bago natin sya isalang sa therapy. Kailangan masaya sya at peaceful. Hindi gagana ang shock therapy kung stressed sya at laging galit before the said therapy," paliwanag sa kanya ni Dra. De Leon.
Ngumiti sya ng maliit, "And if I refuse?"
"We have to resort into administering valum and stress relievers. If we can't do it the natural way, kailangan na nating gamitan sya ng gamot instead," sagot sa kanya ni Dra. Laydia.
Nanlaki ang mata ni Stellar. Alam nya ang epekto ng mga drugs na yun sa pasyente. Hindi nya maatim na isipin na magkakaganun din si Drei. Magiging tulala, walang muwang at parang isang zombie pag nakainom ng ganung gamot.
Isa sya sa mga psychologists na naniniwala na hindi kailangan ng gamot ng mga mentally challenged person. At against sa ethics nya bilang psychologist na gamitan ang pasyente nya ng ganung klase ng paraan.
"Fine. I will do it."
Lumapad ang ngiti ng dalawang matandang babae sa kanya.
-0-
"You said she will come now! Where is she?!" isang malakas na hiyaw ang pumainlalang sa hallway ng pavilion. Nagkatinginan na lang ang mga nurse at si Mystina ng sumugod na naman ang kawawang si Sierra sa room ni Drei kasama ang apat na lalake.
Tumikhim si Mystina at pasukanib na lumingon kay Stellar na nakatayo din sa harap ng Nurse's Station, "Akala ko ba pupuntahan mo na sya? Ang pasensya ko ay hindi agad nauubos pero ang buhok ni Sierra, konting-konti na lang!" sabay turo nito sa pobreng babae na mukhang nasabunutan na naman ni Drei.
"Ma'am Stellar, puntahan mo na! Please! Mapapanot na ako talaga! Sayang naman ang pa-rebond ko!" mangiyakngiyak na pakiusap nito sa kanya.
"Aba'y ano pang hinihintay mo? Pag-tubo ng buhok sa anit ni Noynoy?! Sugod!" sabay tulak sa kanya ng malakas ni Mystina.
Hawak ang kanyang yellow pad at ballpen ay pinasok nyang muli ang kwarto ni Drei. Ang gulo nito at nag-kalat kung saan-saan ang mga gamit. Hindi magkamayaw ang mga kawawang nurse sa pag-alo sa pasyente. Hanga talaga sya sa sipag at pasensya ng mga ito. Dapat sa mga ito ay pinaparangalan dahil sa dedikasyon ng mga ito sa trabaho.
"I'm here Drei," wika ni Stellar sa lalakeng mala-anghel na pilit pinapahiga sa kama ng mga nurses.
Nanlaki ang mga magagandang mata nito ng makita syang ulit. Sinenyasan nya ang mga kasamahan nyang nurse na pakawalan na si Drei.
"Pasensya na mga kuya ha? Sige, ako na bahala dito. Pahinga na muna kayo."
Tumango ang mga ito at hindi napigilang ngumiti sa kanya, "Lakas talaga Ma'am ng tama sa inyo nitong si blondie."
"Sige Ma'am, maiwan na po namin kayo."
Nang maisara na ang pinto ay muli syang pumaling kay Drei na mukhang nahihiya at hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Nagsimulang pulutin ni Stellar ang mga nagkalat na gamit sa kwarto.
"I thought I told you not to throw any tantrums anymore Drei?" malamig na wika nya dito.
"It's just... it's just... I miss you..." seryosong wika nito sa kanya.
Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso nya pero natalo agad ito ng kanyang isip.
"You know I hate messy rooms. You should keep your room tidy and clean at all times," paalala nya dito sabay tapos sa basurang nakakalat sa basurahan.
Pag-lingon muli ni Stellar dito ay nakita nyang parang may kinukuha ito sa ilalim ng kama nito. Pag-tindig nito ay inabot nito sa kanya ang dalawa na namang papel na bulaklak.
"That's for two days. I made those for you, but you never came," tila may pag-tatampong sabi nito sa kanya.
Hindi naman mapigilang ngumiti ni Stellar ng laru-laruin nya sa kanyang mga kamay ang mga bulaklak. Magiling talaga ang kamay nito sa mga ganitong bagay.
"I'm sorry. I didn't came here because... because of my work," pagdadahilan nya dito.
Lumapit ito sa kanya at tiningnan sya nito, "You don't hate me?"
"Uhm... No... But I will hate you if you put up any tantrums again."
"I will not. But if you promise you will come here everyday in return? Deal?" sabi ni Drei sabay lahad ng kanang kamay nito sa kanya.
Nagdadalwang isip si Stellar. Hindi nya namalayan na nangangasim na naman ang mukha ng kaharap nya. Bigla nyang naalala ang bilin sa kanya ng dalwang doktora na huwag na huwag gagalitin ito.
"Fine. Deal," suko nyang sabi sabay kuha sa malambot nitong kamay.
Bigla na lang sya nitong hinalikan sa pisngi at ngumiti ng ubod ng tamis.
-0-
"Hay... this is life! Yung tipo bang walang sumisigaw ng "Where is she!?" at nanghahablot ng buhok ko! Mabuhay!" masayang wika ni Sierra habang nag-eencode ng daily reports nya sa computer.
"Mabuti na lang at may nakaramdam na maawa sa mga tulad nating rindido na dito," pag-sangayon naman ni Mystina dito sabay abot kay Procy ng pagkain galing sa food cart nya.
Tumingin si Stellar sa orasan at laking gulat nya ng makita nyang two minutes na lang mag-aala-una na.
"Hoy Procarpio! Pag natapon na naman yang pagkain dyan sa sahig ay ikaw ang ipang-mo-mop ko! Aba'y ate Stellar, sugod na sa alaga mo at pag nag-wala yun ay kawawa na naman ang mga hung-hunks na mga 'to!" sabay turo sa mga nurse na lalaking tadtad ng salonpas ang katawan at nangangamoy efficacent oil.
Tumango nalang sya at dali-daling pumunta sa kwarto ni Drei. Laking gulat nya ng makita nyang napakalinis na ng silid at nakaupo ito sa gilid ng kama habang hawak na naman ang isang sunflower na gawa sa yellow pad.
Mukhang busy ito sa pagtitig sa bulaklak kaya sinamantala ni Stellar ang pagkakataon para titigan ito ng husto.
Ang mga tulad ni Drei ay talagang biyaya ng Diyos sa mga kababaihan. Parang walang pangit na angulo dito kahit saan kang direksyong tumingin ay nuknukan talaga ito ng kagwapuhan. Halatang iba ito sa lahat dahil bakas dito ang tila ugaling dugong-bughaw. Matikas ang pagkakaupo at matalas tumingin.
Maya-maya pa ay napatingala ito at ngumiti ng malapad ng makita sya.
"Here, for you..." sabay abot sa bulaklak.
Pang labing-apat na nyang bulaklak iyon at sa hindi nya malamang rason ay iniipon nya ang mga ito at iniingatan.
"Thanks. Now, why don't we get on with our daily interview Drei?" wika niya dito.
Tumango ito at tumabi sa kanya sa pag-kakaupo, "Sure."
Lumipas ang ilang oras at natapos din ang mga tests na binigay nya dito. Napaka-cooperative nito kaya walang aberya ang sinagawa nyang Draw-A-Person Test, House-Tree-Person Test at kung anu-anu pang mga I.Q examinations.
"I like you..." bigla na lang sabi nito habang abalang-abala sya sa pag-cocompute ng I.Q level nito.
Kunwaring hindi nya ito pinansin at patuloy sya sa pag-susulat sa papel ng maramdaman nyang nakalapit na sa mukha nya ang mukha nito.
"I will marry you when I grow up. Wait for me," seryosong bulong nito. Ilang metro na lang ang layo sa ng mga labi nito sa labi nya.
Nabali bigla ang dulo ng lapis nya at tsaka lang sya natauhan. Dahan-dahan syang nag-paste ng mala-nanay na ngiti sa bibig nya at sinabing, "Why thank you... But I guess it will be a long time before you grow up Drei."
Umiling ito at ngumiti. Naglabasan ang malalalim nitong dimples, "I have a feeling that after I get better, I can marry you as soon as possible."
Nangilabot si Stellar sa nakinig pero, kinilig din sya ng kauntian. Kahit naman siguro sinong babae na lumagay sa katayuan nya ay tiyak na kikiligin sa mga sinasabi nito. Parang sanay na sanay na itong mambola.
Tumingin sya ulit dito at nag-isip. Sa gandang lalaki ni Drei ay tiyak na nakakailan na itong girlfriends. Baka nga may girlfriend itong naiwan kung saan. Kailangan syang magtayo ng isang bakal na pader sa pagitan nila. Kailangan nyang maloko ito at higit sa lahat kailangan nyang maloko ang sarili nya.
Pag sinakyan ni Stellar ang trip ni Drei. Dadali ang trabaho nya. Pero kawawa ang puso nya. Kaya kailangan nyang magtayo ng pader, hindi para harangan ang nararamdaman para dito kundi upang maitago nya dito na nasasaktan siya dahil alam nyang hindi magtatagal ang kahibangan nyang ito kay Drei.
Sinimulan nang iligpit ni Stellar ang mga gamit nya. Pasado four na. Mag-oout na sya ng five. Isusubmit pa nya kay Dra. Laydia ang report nya kay Drei.
"You're leaving?" tanong nito sa kanya.
Tumango sya at ngumiti, "Yes Drei."
"So soon? Can't you stay for a little longer?" nagmamakaawa nitong tanong sa kanya.
Umiling si Stellar, "I can't Drei. But I will be back tomorrow, ok? Wait for me."
"Sure," sabay halik nito sa pisngi nya.
Inisip na lamang ni Stellar na in the end, sya din ang mag-dudusa pag-galing nito... pero at least nararanasan nyang may nag-mamahal sa kanya... kahit isip bata pa.