"Happy birthday to you.
Happy birthday to you,
Happy birthday, happy birthday,
Happy birthday to you."
Boses iyon ni yaya Meding,ang Pinay kong yaya na kasa-kasama ko palagi sa bahay. Siya ang nanay s***h tatay ko dahil magmula sanggol pa lamang ay maaga akong naulila sa mga magulang.
"Baby girl,i-blow mo na iyang cake mo. Mamaya-maya konti ay matutunaw na iyang kandila. Sige ka,papangit na iyan mamaya.",anito sa malambing na boses.
Umiling ako saka malungkot na sumagot.
"Ayoko po. Hihintayin ko muna si lolo bago ako magblow ng candle at magwish."
Napabuntung-hininga lang ang matanda saka ito bumaling sa akin.
"Naku hija,mamaya pa darating ang iyong lolo. Busy iyon sa kanyang mga negosyo, kaya i-blow mo na ang iyong candle cake at baka wala ng matira pa mamaya."
"Hihintayin ko siya yaya,nangako siya sa akin na uuwi siya ng maaga ngayon dahil birthday ko.",malungkot kong sagot sa kanya.
"Ikaw ang bahala,ang mabuti pa ay patayin muna natin ang kandila,nang sa gayon ay hindi ito masayang,para mamaya ay sisindihan na lang ulit natin pagdating ng iyong lolo."
Gamit ang kanyang dalawang daliri ay inipit nito ang apoy ng kandila upang patayin iyon.
"Hayan,wala ng apoy. Mamaya na lang ulit sisindihan ni yaya baby girl."
Tiningnan ko ang aking yaya saka ko siya tinapunan ng kiming ngiti.
"Thank you po yaya."
Isa..dalawa...tatlo— apat na oras na ang lumilipas ngunit wala paring tawag mula sa aking lolo kung anong oras ito makakauwi.
Kanina ko pa kinukulit si yaya Meding na tawagan ito sa kanyang celphone para itanong kung anong oras ito makakauwi ngunit ang sabi niya wala daw sumasagot.
Mag-aalas dyes na ng gabi,ngunit wala parin ito.
"Hija,mauna ka nang kumain. Kanina ka pa naghihintay dito at nakaupo,ngunit hindi ka pa kumakain ng hapunan. Gabi na at baka malipasan ka ng gutom. Makakasama sa iyo ang pagpapalipas ng gutom."
Nakasalampak lang ako sa mahaba naming mesa at nakapangalumbaba. Kanina pa ako nagugutom ngunit ayaw ko talagang kumain hanggat wala ang aking lolo. Nangako ito sa akin na uuwi ito ng maaga at icecelebrate naming dalawa ang birthday ko. Ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin ito. Kapag ganoong nalelate ito ay tumatawag ito kay yaya para sabihan akong huwag nang hintayin itong kumain. Nauunawaan ko naman ang trabaho ng aking lolo. Magmula kasi nang mamatay ang mga magulang ko ay siya na ang bukod-tanging nagtataguyod ng mga pangangailangan ko.
Mabuti na lamang at kasa-kasama ko ang aking yaya. Matagal na ring naninilbihan sa amin si yaya Meding. Narito kami sa Japan dahil dito na ako ipinanganak. Ang mama ko ay Pilipina,samantalang Japanese naman ang aking ama na siyang anak ng aking lolo.
Namatay ang mga magulang sa isang traffic accident noong baby pa lang ako. Ang sabi ng lolo ko ay kasama daw ako sa aksidente ngunit milagrong nakaligtas ako.
Magmula noon ay ang lolo ko na ang kasa-kasama ko pati na ang yaya ko.
Si yaya Meding ang tumatayong mga magulang ko kapag may mga activities sa school. Madalas nga akong mabully dahil alam ng mga kaklase kong wala na akong mama at papa. Pinagtatawanan din nila ako dahil kay yaya Meding. Hindi kasi ito makapagsalita ng maayos sa wikang Hapon. Baluktot ang dila nito kapag nagsasalita kaya sa bahay ay kinakausap ako nito sa wikang tagalog. Sa kanya ako natutong magsalita ng tagalog kaya hindi masasabing half Japanese ako.
Ang apat na oras ay naging lima...anim..hanggang sa makatulugan ko na ang paghihintay sa lolo ko.
"Hija..gising na. Umaga na."
Naalimpungatan ako sa boses ni yaya Meding. Pagmulat ko ng mga mata ay nakaupo parin ako sa tapat ng mahabang mesa. Naroon pa rin ang cake ko kagabi at mga pagkaing natatakpan.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata sabay nag-inat ng aking mga kamay.
"Yaya. Si lolo dumating na ba siya?",agad kong tanong kay yaya Meding.
Hinaplos ni yaya Meding ang aking buhok sabay iling. Malungkot ang ito kaya lalo lamang akong naging malungkot. Umiyak ako ng umiyak.
"Anata ga kirai desu!Usotsuki!..Usotsuki."
"I hate you Lolo! Liar! You're such a liar!"
Tumakbo ako papunta sa aking silid para doon magkulong. Agad naman akong sinundan ni yaya Meding para patahanin. Kinakatok nito ang pintuan sa aking kwarto ngunit hindi ako sumasagot. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang sa makatulugan ko nanaman ang pag-iyak.
Lumipas ang mga araw..buwan..hanggang sa naging tao na ngunit wala parin ang lolo ko. Hindi na ito umuwi ng bahay. Hindi na ito nagparamdam sa amin ni yaya. Pati ang mga tauhan nito ay hinahanap siya. Pati na mga bangko,mga tauhan nito sa negosyo ay hinahanap na siya dahil palala na daw ng palala ang sitwasyon ng aming kompanya. Narinig ko minsan sa yaya ko na papaalisin na din daw kami sa bahay namin dahil lubog na daw ang lolo ko sa utang at bagsak na daw ang mga negosyo nito.
At dahil wala na rin kaming perang natira para sa sweldo ni yaya Meding ay wala narin itong sinasahod ng ilang taon. Ayaw nito akong iwan dahil bata pa daw ako at baka kung mapaano pa daw ako kung walang titingin sa akin.
Magmula nang hindi na nakauwi ang lolo ay si yaya Meding na ang tumayong magulang ko.
Kahit hirap siya ay pinagpatuloy niya ang pagpapaaral sa akin.
Araw ng graduation, nasa high school na ako at magtatapos na. Lahat ng mga graduating students ay nasa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Habang hinihintay ko si yaya Meding ay nakaramdam ako ng pagnanais na magbanyo kaya pumunta muna ako sa cr para umihi. Nang matapos ako ay napagpasyahan kong bumalik sa gym at baka naroon na si yaya Meding at baka naghihintay na.
Hindi pa ako nakakarating nang mahagip ng mga mata ko ang kumpulan ng mga tao sa labas ng gym malapit sa entrance. Sobrang ingay ng mga tao kaya maaagaw talaga ang atensyon ng kahit na sino. Lumapit ako sa kanila para makiusyuso.
Naririnig ko pa ang mga ilan sa kanila ang mga salitang "kawawa naman....bakit kaya...ano ang nangyari sa kanya...sino daw ang maygawa..."
Nang makalapit na ako ay nakita ko ang isang matandang babae na nakahandusay sa sahig—duguan—wala nang buhay—basag ang bungo,nakadilat ang mga mata at putol ang mga kamay!
Para akong binagsakan ng langit. Parang mapuputol ang aking hininga.
"Yaya Meding!",malakas na sigaw ko.