CHAPTER 2

1321 Words
CLARHELLE'S POV "Tell her to get lost!",sigaw ko kay Agent Shark. Nababaliw na ang babaeng iyon! Napakakulit. Hindi makaramdam na ayaw ko siyang kausapin pagkatapos ng ginawa nitong kalokohan. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Agent Shark at pinatay ko na ang relo ko. Pinagpatuloy ko ang pakikipagbarilan. "D4mn it!",hawak-hawak ko ang aking tagilirang tinamaan ng bala. "Hanep na yan. Kasalanan mo to Agent Shark,tinamaan tuloy ako.",sisi ko sa kaibigan ko. Hindi ko kasi napansing may tao sa likod ko,huli na nang makapag-isip akong ilagan ang kanyang bala. Tinamaan tuloy ako sa balikat pero daplis lang iyon. "Fvck! Fvck! Fvck!",mura ko dahil sunud-sunod na ang pagpapaputok ng mga kalaban. Mag-isa lang akong nakikipagputukan ng baril sa mga ito. Pinadala ako ng aking mga magulang para sa misyong ito para daw magtanda ako sa aking pagiging suwail na anak. Biruin mo iyon? Ako na nag-iisang anak ay ipapadala nila sa isang giyera sa Afghanistan para lang daw magtanda? What the h3ll? I don't know what's wrong with my parents,what the h3ll they were thinking para parusahan ako ng ganito. Kasalanan ko bang pinanganak akong gwapo?,mayaman?,matalino?,at higit sa lahat ay makalaglag ang s*x appeal? "Hambog! Kaya naiinis ang mga magulang mo sa iyo ay dahil sa kahambugan mo at pagiging suwail na anak!",umaalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni lolo William sa tuwing nagagalit ito sa akin. Pero imbes na seryosohin ko ang pangangaral nito sa akin ay hindi dahil natatawa lang ako sa kanya. Paano ba naman kasi,pilipit ang dila nito kung magtagalog. Halata naman kasing hindi ito marunong magtagalog pero sige parin ng sige. Sabi nila ay dati itong Prime Minister ng Amerika,siya ang ama ng aking ina. Sabi nila magmula nang pinanganak ako ay ako na ang naging sentro ng buhay at atensyon ng aking lolo. Kaya lahat ng mga pangangailangan at gusto ko ay binibigay nito. Isang pitik lang nito sa kanyang daliri ay napapasa akin ang lahat ng anumang hilingin ko. Kaya siguro lumaki akong lumaki akong suwail dahil narin sa aking lolo. Kapag kasi may hindi ako nagugustuhang ipinapagawa sa akin ng mga magulang ko ay ang lolo ko agad ang takbuhan ko. Papangaralan nga niya ako,pero sa tagalog naman kaya natatawa lang ako. "Bastos ka talagang bata ka!",nagagalit nanaman ang aking amang si Clark Jackson kapag nakikita nitong tinatawanan ko ang aking lolo. "Dad,am I to be blame ? He's hilarious." Naiiling lang ang aking lolo,kapag sinasabi kong nakakatawa ito kapag nagtatagalog,samantalang ang mga magulang ko.ay bastos na ang tingin sa akin. Pati ang nanay ko. Sabi nila ay kinakatakutan daw sila noong panahon pa nila. Pero ako,hindi ako natatakot sa kanila. Para sa akin ay OA ang paghihigpit nila sa akin. Parang hindi na ako makahinga,lahat na lang ng gagawin ko ay kagustuhan nila—mula sa pag-aaral,kung anong kukunin kong kurso,sa pagiging secret agent. Iba ang gusto kung gawin sa buhay ngunit heto ako at nagpapakamatay dahil sa kagustuhan nila. Hindi pa natapos doon ang lahat dahil gusto pa nila akong ipakasal sa nag-iisang anak ng kanilang kaibigan. Si Paris nga iyon. Hindi na sila natapos sa pakikialam sa buhay ko. Pati ba naman ang makakasama ko habang-buhay ay sila pa ang pipili para sa akin? No! That's absurd! I promise,this would be the last. Itinuloy ko ang pakikipagbakbakan sa mga kalaban. Mga rebelde ang mga ito na nanghostage sa mga turista. Nagkataong nandito ako sa Afghanistan para bisitahin ang kaibigan kong si Abdul Sarker,nang tawagan ako ng boss namin,ang aking ama para iligtas ang mga hostages. Oo,ang aking ama na ang namumuno sa team Wild Force. Siya na ang itinalagang mamuno magmula nang mabaril ang kanilang General na ama ni Paris at ilang taong pagkawala nito. Inakala na ng mga kasama nito dati na patay na ito kaya ang aking ama ang itinalagang lider ng force,ngunit nagulat na lang ang lahat nang bigla itong lumitaw ngunit walang ala-ala. Nang tuluyan itong gumaling ay hindi na ito bumalik pa sa serbisyo dahil mas pinili nito ang kanyang magiging pamilya. Kaya sobrang higpit ng ama ko sa akin. Gusto nitong sumunod ako sa kanyang yapak,ngunit hindi kami pareho ng gusto sa buhay. I just wanted to be a farmer,to have a simple life. I grew up following orders from my parents. They sent me to a law school,but little did they know, I secretly took a course in Agricultural Entrepreneur. Suwail talaga ako,sa harap man o likod ng aking mga magulang. Ayokong kinokontrol ng kahit na sino ang buhay ko,kahit pa sabihing mga magulang ko sila. I just wanted to live a normal life. But here I am in the middle of nowhere,fighting with guns,risking my life to these fvcking morons. Ano bang pinaglalaban ng mga pvt4ng-in4ng mga ito. Bakit hindi na lang sila umuwi ng kanilang mga bahay,humilata sa kama at manood na lamang ng pơrn. Masasarapan pa sila aa buhay. Ako ang nahihirapan sa kanila eh. Ang ayos-ayos ng bakasyon ko,mag-iinuman sana kami ni pareng Abdul at pag-uusapan ang negosyong balak naming ipatayo nang tawagan ako ng tatay ko para lang magbuwis-buhay dito. Binuksan ko ang takip ng granadang nakatago sa bulsa ko. "Mga p×tang'1na ninyo! Mamatay na kayong lahat!",pagkasabi ko niyon ay ubod ng lakas kong inihagis ang granada kung saan naroon ang iba pang mga rebeldeng nagtatago. Saka ko itinutok ang aking M16 rifle at pinaulanan sila ng mga bala. Wala na roon ang mga hostages nila dahil kanina ko pa sila napatakas bago kami magsagupaan. Nang masiguro kong wala na akong kalaban ay inilabas ko ang aking celphone mula sa bulsa ko para idial iyon. "Hey bro, see you later at the horse track field. Yeah,yeah, I'm sorry I just had an emergecy, but everything's well taken care of. Yes,sure. Ok,I'll hang up. I just called to inform you I'll be there. Bye." Sa wakas ay matutuloy na ang aming business deal. Nilipad ko pa talaga ang Afghanistan para lang makipagsosyo sa kanya. Dati ko siyang kaklase sa Professional Agricultural Entrep. Pareho kaming mahilig sa pagsasaka at kasa-kasama ko siya dati sa pangangabayo. Balak naming itayo ang negosyo sa Pilipinas. Siguro naman ay hindi na ako papakialaman ng mga magulang ko sa kung anumang gustuhin kong gawin dahil matanda na ako. Napangiwi ako sa sakit. May tama pala ako ng bala sa balikat. Kailangan ko nang umalis para makaligo at upang magamot na rin ang sugat kong tinamo dahil sa bala ng baril. ——————— Naging maayos ang deal namin ng aking kaibigan. I'll do the work and all he has to do is to finance everything. Mayaman na rin naman ako,pero business is business. Ang effort ko ay wala pa sa kalingkingan ng bibitawan nitong puhunan. Ang magiging hirap at pagod ko ay katumbas na ng 80% share. Bago kami umalis ay nanood muna kami ng karera ng mga kabayo. Gustung-gusto ko talaga ang mga kabayo. I also have horse race track business and it's secretly operating in Australia. Baka batukan ako ng tatay ko kapag nalamang mayroon akong pasugalan at pustahan ng mga kabayo. It's legal,yes,but knowing my parents,they're surely against it. They might even bury me alive in a six feet underground having a business like that. Nang matapos ang aming pag-uusap ay nauna na itong umalis sa akin. Hindi na rin ako pwedeng magtagal pa. I have a flight to catch at kailangan ko ring magpahinga. Naglalakad ako papunta sa kotse ko nang mapansin kong parang may ibang tao sa paligid. Lumingon ako,sa kaliwa,sa kanan ngunit wala namang tao. Pinagsawalang-bahala ko ang napansin ko,siguro lang ay dahil sa pagiging agent ko kaya napakatalas ng aking pandama,to the point na medyo may pagka OA na. Pagod lang siguro ako dahil sa misyon kaya nagiging paranoid na ako. Nang makasakay ako ng eroplano,naroon nanaman ang pakiramdam na parang may sumusunod sa iyo. Inilibot ko ang aking paningin,tinalasan kopa ang aking pakiramdam,ngunit wala talaga akong makitang kahina-hinala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD