DOVE "HELLO, puwede ko ba makausap ang chief of police rito?" Saglit lang napatingin sa akin ang isang police at abala na ulit ito sa kanyang ginagawa. "Sir?" pangungulit ko ulit rito. "Busy ako, miss ganda. Kita mo naman 'di ba?" Umupo naman ako sa harapan niya. Abala ito sa computer. Naghintay pa ako ng ilang minuto at may isang pulis na lumapit at inabot rito na nakalagay sa maliit na plastic. "Serge, ito na ang camera na nakuha sa kotse ng biktima." Napatayo naman ako. Ito na yata ang kailangan ko makuha. Tamang-tama talaga ang pulis na nilapitan ko. "Patong mo lang dyan. Mamaya ko na yan asikasuhin." Agad naman ipinatong ng pulis at umalis din ito. "Serge?" tawag ko naman. Saglit pa ito napatingin sa akin. Guwapo pala ang pulis na ito. Kahit nakaupo ito, halatang napakatan

