DOVE “Are you sure of this?” nakakunot ang noo na sabi ni Roice. Hawak-hawak niya ang brown envelope na inabot ko rito. Tumango naman ako. “Yes. And I trust you, Roice. Tumango naman ito. “Okay. Sige na, mauuna na ako. Mag-ingat ka palagi, Laila.” Ngumiti naman ako. “Thanks.” Pagkaalis ni Roice saka naman ako umalis. Pinuntahan ko muna si Daddy bago ako uuwi sa aking condo. “Babalik na ako sa US. Anak, wala akong hinangad kundi magkasama tayo muli.” Pilit naman ako ngumiti kay Daddy. “Soon, dad. Siguro sa US na rin ako mag-for good.” “Kamusta kayo ng asawa-.” Pinutol ko agad ang tanong ni Daddy. “Wala na kami. It's okay. Ayoko na rin may iniisip lalo’t naka-base na ako sa military.” Saglit naman napatigil si Daddy. “Lumipat ka?” “Si General ang may kagustuhan para ilipat ko. Sig

